2

32 4 5
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw at sumapit ang friday.

Kauuwe ko lang from work that morning at nakahiga na sa kama para matulog ng maramdaman kong nag vibrate ang phone.

May nagtext!

hi bes!, Goodmorning! ready na me nakapag empake na ko! hahaha.

Mukhang ready to awra na ang lola mo yesha.

Geh mabuti yan, tutulog muna ko di na kaya ng powers ko! text u latur payaman ka muna haha ingat . 😘

At kinain na nga ako ng kadiliman ganito talaga pag night shift bulagta sa umaga alive and kicking sa gabi.

Hours later.

"Te! Te! gising kana daw kain ka muna."

Yugyog ng bunso namin na si Enzo habang ginigising ako, gusto ko pa sana matulog pero nakakaramdam nadin ako ng gutom at may naaamoy akong maasim.

Hindi ko alam kung kili kili ba yun ng kapatid ko O ang paborito kong sinigang? hulaan nyo charot!

Natigil ang pagyugyog.

Lumabas na ata ang kapatid ko pero naaamoy ko pa din yung asim habang nakapikit.

Hindi na ako nakatiis at tuluyan ng bumangon nagulat pa ako sa isang babaeng nakatayo sa may paanan ng kama puti ang damit at buhaghag ang buhok.

"Bulaga! maganda ba?"

Halos mauntog ako sa headboard ng kama pag atras at tumigil ang tibok ng puso sa nerbyos dahil hindi ko alam kung tao ba talaga ang nasa harap ko O kung nananaginip ba ako?

"Huy!" at saka lang ako nahimasmasan.

"Ano ayos ba?" Si ate Ivory lang pala.

Kaloka si ate aga aga nang aaning.

"Kakagulat ka naman te! bakit ba?" I asked her.

"Tignan mo nga ayos lang ba? bagay ba sakin?" tanong niya.

Pinagmasdan ko ang damit.

Knee lenght ito na off shoulder dress na may floral design sa may laylayan.

"Oo. Maganda. Simple lang, san mo ba gagamitin?"

"Mag ni ninang ako sa binyag diba?"

"Ah oo nga pala binyag ni baby Allen, bukas yun diba?" tanong ko na hihikab hikab pa.

"Oh buti naman gising kana, kumain ka na"

Pasok sa usapan ni ate Phoebe pagbukas ng pinto ng kwarto.

tumango ako at ngumiti bilang pag sang ayon.

Iniwan ko na si ate Iv at lumabas ng kwarto para kumain.

And yes! Sinigang na baboy ang nagwagi sa tunay na asim.

Asim! Kiliiiiii.. ihhh... ig.. ganorn!

After kumain nanuod muna ako ng movie sa phone 'Cinderella' ewan ko ba pero parang ang saya lang kasi talaga pag fairytale, laging happily ever after at may aral ang bawat kwento.

Sabi nga ng mother ni Ella.

Just always be kind and have courage.

Madilim na ng matapos ako sa panunuod. Past 6 pm na din pala ng gabi. Buti nalang wala rin pasok ngayon dahil may system update ang company.

Nag handa na rin ako ng ilang gamit at damit na inilagay ko sa pack bag para sa trip namin bukas. Naglinis na rin ako ng kwarto habang nag sa soundtrip. Ayoko kasi ng magulo o maraming kalat sa paligid.Hindi ko matiis. Gusto ko maaliwalas lang para magaan sa pakiramdam.

Less mess.Less Stress!

Lumipas ang Biyernes! Sabado na siyempre kaya this is it! Pancit!

Sa bahay nila Ayesha kami nagkasundong mag meet.

"Oh wala ba kayong nakalimutan?"

Tanong ko kay Ayesha at Kai bago tuluyang umalis papuntang resort sabado ng madaling araw, maaga kaming umalis dahil weekend ngayon at mayroon lang kaming dalawang araw para masulit ang sandaling pagkakataong makapag unwind at mag alis ng stress.

"Wala naman?" sagot ni Kai na nag isip pa kung may nakalimutan nga ba sya habang tinitignan ang dala nyang bag.

Tanungin ba ko? aba ewan ko. Haha!

"I told you bes, ready set go! na ko kahapon pa hahaha" sagot naman ni Ayesha na looking fresh sa suot nitong super short shorts at sexy top with matching shades and flower crown.

Taray!

Bitch na Bitch! ang gaga. I mean ready for the Beach. Hahaha Sshhh..

"Ok, sigurado kayo ah? baka mamaya wala pala kayong dalang panty!" pagbibiro ko sa dalawa.

Maalwan naman ang naging byahe namin from Laguna to Tagaytay dahil na rin siguro sa maaga kami umalis. After more than 2 hours nakarating kami sa pupuntahan.

"De Gracia Beach Resort." Basa ni Kai sa welcome banner na nakaukit sa isang mukhang lumang kahoy na pinalilibutan ng magagandang bulaklak sa bungad palang.

"Ayos ah buti hindi naging Desgracia" Sabi pa nito sa sarili na nangingiti habang patuloy na nakatingin sa kahoy.

Na love at first sight na ata. Choz!

Nagdiretso agad kami sa reception area para sa admission at sa accomodation namin. In assist naman kami ng isang staff na lalaki at hinatid kami sa villa kung saan kami mag i stay.

Tapat ng malawak na karagatan ang pwesto ng vila kung saan tanaw namin mula rito ang lahat. Ang alon ng dagat, mga taong naglalakad, mga batang bumubuo ng sand castle at mga punong sumasabay sa ihip ng hangin.

"hmmm. sarap ng hangin" sambit ni Ayesha na nakatingala at nakapikit habang dinarama ang hampas ng malamig at malakas na hangin sa payat niyang katawan.

Ingat bes! baka makalas! xD charot! slim si A sexy ganorn ! grabe siya oh.

"Talaga? anong lasa?" pamimilosopo naman ni Kai na nakasandal sa may pinto palabas.

Kung minsan talaga panira ng moment ang babaeng to. babae nga ba? hulaan nyo. Charot!

"Masarap! parang ikaw. Hi miss you're so pretty..can i-" hindi na natapos ang sinasabi ni A dahil sinugod na siya ni Kai.

"Ah inaano mo ko ah, patay ka sakin!"

Hinayaan ko namang mag asaran ang dalawa at bumalik ako sa loob para humilata sa malambot na kama, na may design na dolphin sa cover ng bed sheet na bet ko dahil sa kulay asul ito. Light ang shade, more like sky blue. Blue is one of my fave color.

Wala lang sinasabi ko lang. Haha.

Hindi naman nagtagal at bumalik sa loob ng kwarto ang dalawa. Inaya ko na silang mag palit ng makadami kami ng ganap.

"Oy! mga bruha magpalit na kayo tara sa dagat!"

"Arasso!" Sagot ni Ayesha at naghubad sa harapan namin. Edi wow! hindi talaga siya ready.

I wore my yellow shorts and black sleevesless crop top na may naka imprint na Hot! cause it's getting hot in here na. Enebeh! at siyempre im wearing my under wear and bra on the inside kaya yun 4 piece.

Parang proyekto lang ng gobyerno. xD

"Witwew!" sipol ni Kai pagka kita samin ni A. na ngayon ay bra nalang ang pang itaas. Hinubad na nya ang sandong suot niya kanina.

"Pwede!" sabi nito habang tinitingnan kami head to toe.

"Hanga ka naman?"

"Asa." mayabang na sagot nito with a smirk. Naka suot si Kai ng panglalaking summer shorts na color red na may coconut tree na design at plain white shirt.

Inayos lang namin saglit ang mga gamit at lumabas na ng kwarto para mag enjoy.










































Crazy TrioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon