3

14 3 10
                                    

Naligo kami sa dagat at nakipaglaro sa alon. Sa mababaw na part lang kami ng area dahil hindi ako marunong lumangoy. Nag haharutan kami at naghahampasan ng tubig sa katawan na parang mga batang paslit na masayang ine enjoy ang tubig.

"Huwag masyadong malakas bes! baka matumba! haha" sabi sakin ni Ayesha na si Kai ang pinatatamaan.

Ang totoo kasi niyan magkalugar talaga sila. Taga PAYATas. Charot!

Tall and slim si Kai. Hanggang balikat ang itim na buhok at kutis porcelain. Naks! Gondo!

"Haha trip ka ni Yesha loves oh!"

"Sige lang mamaya kayo sakin" masama ang tingin na sagot naman nito at sinabuyan kaming dalawa ng tubig. Tuloy ang harutan, tulakan at yakyakan! 

Makalipas ang ilang minutong paglalaro at pagbabad sa tubig ay naisip kong magpabaon sa buhangin.

"Uy bes! tara dun tayo hihiga ako dali tabunan niyo ko ni loves ng sands" sabi ko sa dalawa at umahon na mula sa tubig para magpabaon..

Sa buhangin.

Pa minsan minsan Loves ang tawagan namin ni Kai. Babe naman ang tawag niya kay Ayesha. Endearment kemerut! ganorn. Akala nga tuloy ng iba minsan mag jowa kami or sila ni A. Pormahang pogi pa naman si Kai, pero sabi nga ni tita Rakz ang mommy ni Kai, makakahanap din siya ng katapat sa tamang panahon! Pak!

Basang basa ang damit ay umahon na kami at naglakad papunta sa area kung saan may mga taong natatabunan ng buhangin.

Nakahanap na ako ng pwesto at humiga.

"Umpisahan niyo na mga bes!" utos ko sa dalawa na nakatayo na sa may gilid ko at nakatingin paibaba na akala mo'y sumisilip sa jutay. 

Ini imagine na ata nila ang itsura ko pag nagkataon. Aba teka.

"Ano 6 feet under ba?" tanong ni Kai. Sinasabi ko na nga bat may balak pa ata akong ilibing ng buhay!

OMG! alam ko po mabait ako, pero wag muna virgin pa ko! pa experience muna po kahit konti, kahit maliit lang... ang pagmamahal sakin.

Charot! 

"Ako na sa make up bes! I got you!" gatong naman ni A sa usapan.

"Ah ganun? mga walangya kayo! buhay pa ko" tatawa tawang sagot ko naman at sinabuyan ng buhangin ang dalawa na mabilis na nakaiwas.

"Sige na bilis! daming alam" sabi ko sa dalawa. Pinagdikit ko ang mga binti ko at pumikit, at inantay na tabunan ng buhangin ang mumunti kong katawan.

Matapos ang ilang minuto ay katulad na rin ako ng mga taong nasa paligid na natatabunan ng buhangin.

"Yay! ang saya, sarap sa pakiramdam guys! mainit init parang minamasahe" sabi ko sa dalawa na nakasalampak sa tabi ko. Napagod yata? buti nga haha charls!

"Ako naman tabunan mo ye" hihiga na rin sana si Kai pero nag reklamo si A.

"Eh paano ako? ang daya niyo naman! ang lagay ba eh kayo lang?" 

Sabagay paano nga naman siya haha. Saka mas masaya kung lahat kami.

One for me. All for me! charot! All for one. One for All ang drama.

"Alam ko na! ayun oh may mga bata tawagin niyo" utos ko sa dalawa habang nakahiga at natatabunan ng buhangin.

Sinunod naman ako ng dalawa at tinawag ang grupo ng mga batang naglalaro na Nasa edad 6 hanggang 8 siguro.

"Hello! Kids pwede niyo ba tabunan ng sands sila ate? Please? parang tulad ng sakin" kausap ko sa mga bata na may hawak hawak na mga laruan na parang pang tanim.

Crazy TrioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon