8

11 2 3
                                    

Thank you for calling customer service my name is Shan how may i help you today?

15 minutes left, and uwian na! yahoo! groggy na ang ate mo Shan! pero keribels lang matutulog ako sa bus! wahaha.  

This is how i spent my every night.

It's been three weeks since the last time na nagkita kami ng 2 bibe. :D

na mi miss ko na ang mga pato. Anu kayang ganap sa mga yon? I wonder...

Ano ba ang pinaka masarap na chocolate?

chareng!

Nagkaka chat naman kami sa messenger, nakwento nga sakin ni Ayesha yung isang customer nila na wagas maka reklamo tapos kasalanan din naman pala niya bakit nag ka problema yung phone.

Customer is always right. Do you agree??

I don't think so.

Kung sinampal ka ba ng customer dahil naiinis na siya ok lang !?

Pag ba sinigaw sigawan ka ng customer kahit maayos ka namang nakikipag usap ok pa rin?

Very wrong!

Kung nagawa mo na ang best mo to help at di pa rin siya makaintindi at di pa rin paawat! sampalin mo ng isang solid!! tignan ko lang.

Charot! xD

Ang mga tao kasi kung minsan, bibo hotdog masyado. Gusto sila lagi ang tama, hindi marunong makinig nakakalimutan na ang kapwa nila. Stress!! Buti nalang tender juicy ako!  i mean yun ang ang paborito ko, lol. Lambutan lang natin ganorn!

Mabilis na kinuha ko ang gamit ko sa locker after ng shift at makapag out. Naupo muna ako sandali sa lapag para tanggalin na rin ang mga san rio sa buhok ko, after ng ilang minutong pagtatanggal at nakitang ayos na ang aking hair ay tumayo na rin ako at naglakad papunta sa elevator para bumaba. Madalas na hindi ako sumasabay sa dagsa ng employee pasakay ng lift dahil nasisikipan ako.

Nag i stay muna ako sa locker area ng mga ten minutes at sumasalampak sa sahig para magpahinga ng onte. At pag feeling ko wala na masyadong taong tabon? charot! empleyado saka ako rarampa. Pak! walang ganern. Haha!

Kinuha ko ang phone ko sa bag at tiningnan ang inbox. I was busy reading my messages while slowly walking para iwas dapa ng bigla akong nauntog sa isang matigas na ewan.

"Ouch!!" ang tangi kong nasabi habang hawak hawak ang ulo kong tinamaan ng magaling!

"Naku ma'am! ok lang po kayo?" tanong ni kuyang staff na may tulak tulak ng push cart kung san nakapatong ang naka kahong bagong water dispenser na ewan ko ba kung saan niya dadalhin.

Inis na hinarap ko si kuya na mukhang gulat pa ang hitsura. Bakit kaya?

Napaisip naman ako at natawa nalang sa sarili ng malaman ang dahilan.

Akala niya siguro nakabangga siya ng witch, nakabuhaghag kasi ang buhok ko matapos ang magdamag na pagkaka braid sakin ni Chelsea, ang kikay kong workmate. Sabayan pa ng isangkilong eyebags at maputlang labi. HAHAHA! lakas lang maka Beatrix LeStrange ng Harry Potter sa Hairdo.

"Ok lang kuya" sagot ko kay kuya habang umiiling iling at natatawa sa nangyari.

"Sorry po ma'am ah di ko talaga kayo napansin" nag aalangang sabi pa nito habang nakayukong humihingi ng paumanhin. 

"Ah ganon po ba?( insert fake smile) ok lang po sige po alis na kayo" sabi ko sa staff at tuluyan ng umalis. Pinang gi gigil ako nito ni kuya eh! parang may kahulugan pa yung hindi niya ako napansin. hmp! OO na! tse!

Naka baba na ako sa lobby at palabas na ng door ng may biglang umakbay sa akin.

"Morning! tiny!" sabi ng nagsalita :P

Si Marlan. Ang lalaking harot! batchmate ko nung trainee palang kami. Matangkad siya, Maputi, bagsak ang buhok at may katamtamang built ng katawan. 

"Uuwi kana?" tanong ng mokong.

"AY! hindi! Actually papasok palang talaga ko eh, ang fresh fresh ko nga oh." sabay flip ko ng hair at smile.

"HAHA! mukha kang zombie! sige na ingat ka ah! Mahal kita.

CHAROT!!

Walang ganon. Wala pa sa ngayon. CHAR!

Ang totoong sinabi niya eh, "Ingat ka ah! tanga ka pa naman!" Walang hiya talaga ang lalaking yon. Bastos! 

Lumabas na ako ng building at naglakad papuntang terminal. Alerto naman akong nakatingin sa dinadaanan ko pero hindi ko pa rin nagawang umiwas sa mga estudyanteng naghahabulan sa sidewalk. Feeling ata nila nasa sports complex sila.

Kaya naman nabalya ako ng isang teenager na mabilis na tumatakbo. Sakit sa puso bes! matapos kang saktan wala na siyang pakialam at basta kana lang iiwan. #Hugot!

Pero pwera biro ang sakit ah! buset na yon siguradong magkaka bruise nanaman ako nito, tuldok days ko pa naman kainis!

Sumakay ako ng bus at humanap ng matatabihan, yung mukhang mapagka katiwalaan, mahirap na baka ma isahan ng kawatan! masid masid din pag may time kung ayaw masaid ang laman ng iyong pitaka.  Yun ay kung may laman lang naman? HAHAHA!

Although hindi naman lahat ng akala mo mabuti eh mabuti nga, madalas pa nga walangya! Hindi naman sa judgemental ako pero sa panahon ngayon mabuti na yung maingat. AND I.. THANK YOU! 

Choz! 

 Hugot#1 LOOKS CAN BE DECEIVING

Tumabi ako sa isang middle aged na babae, naka uniporme na pang teacher. Safe ako kay ma'am mabuti naMa'am! xD 

Quarter to 8 nang dumating ako sa bahay, si ate Phoebe, Mama at ate Ivory nalang ang inabutan ko sa sala dahil bumyahe  na si papa at pumasok naman sa school ang bunso naming si Enzo. Napansin kong nakabihis pang alis si mama at ganun din si ate Ivory.

"Oh anak mabuti inabutan mo ko" sabi ni mama sakin pagpasok ko palang sa pinto ng bahay. Lumapit ako kay mama at humalik sa pisingi.

"Bakit ma? san ka punta?" tanong ko kay mama na may pagtataka

"Sa Manila nak, sa ninang mo, nagpapatulong kasi diba kapapanganak lang ng pinsan mo mga two weeks lang naman siguro" sagot ni mama.

Bumaling naman ako kay ate Ivory na nag aayos at nag pa foundation ng mukha 

Ay! oh Ganda! HAHA sabi ko sa isip ko :D

"Uwi kana ngayon te? bakit?" tanong ko kay ate dahil sa pag kaka alam ko sa isang araw pa ang uwe niya.

"Oo be eh, masama daw kasi pakiramdam ng kuya bibin mo.   

Kuya Elvin is my sister's husband, I call him kuya Bibin, sa Taguig sila nakatira ngayon at nag re rent sa isang apartment. 

"Ay ganun? kelan balik mo te?" tanong ko ulit kay ate habang nag huhubad ng sapatos.

"Hindi ko pa alam be, magtetxt nalang ako sa inyo" sagot naman niya. 

"Ang lungkot no be?" biglang tanong naman sakin ni ate Phoebe, na nagkakape  sa may tabi napatingin lang ako sa kanya at hindi sumagot. Nagpatuloy siya sa sinasabi. 

"Pero ok lang, ganun lang talaga siguro ang buhay, darating yung time na iiwan tayo ng mga mahal natin ng hindi inaasahan" madamdaming litanya ni ate na may patingin tingin pa sa kawalan. Nakatingin lang kami sa kanya habang nag da drama. HAHAHA! LAKAS TAMA NANAMAN. 

Hugot#2 Expectations lead to Disappointment                                                                                                                                        

"Naku te! pwede ba! humuhugot ka nanaman diyan!" Inis na sabi naman ni ate Iv at sabay sabay kaming nagtawanan. 

"Tanggalin mo kasi ang pait para makabangon! hahaha!" Banat ko naman panlaban sa hugot ni ate.

We're maybe poor when it comes to worldly things and money but we are so rich in Humor, Glamour and Love. And I THANK YOW!!  (insert beauty queen wave!)  :D


















Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crazy TrioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon