5

10 3 3
                                    

Pupungas pungas na idinilat ko ang aking beautiful eyes. Nakaramdam ako ng parang mabigat sa may bandang hita ko at hindi ako makagalaw.

Oh! no! this can't be! borrow one from 3. charet! bakit wala akong maramdaman? nakakamanhid, masakit. Ang shaket shaket..

Kaya naman pala! dahil nakadagan ang tig isang binti ni Kai at Ayesha sa akin. Ginawa akong hotdog.

Kinapa ko ang ano. Ang Cellphone ko! para tignan kung anong oras na, mukhang napasarap ata kami ng tulog dahil madilim dilim na ang paligid.

6:30 pm., basa ko sa screen ng phone. Binalibag ko ang mag kabilang binti nila A at Kai, sinadya ko yun para magising na din sila. Dahil namamanhid na ang kakapiraso kong hita! huhuhu.

Umigtad si Ayesha at napadilat ng mata, bumangon naman ako at binuksan ang ilaw sa loob ng kwarto.

"Anong oras na bes?" tanong ni Ayesha na iinat inat pa at nag hihikab.

Tulog pa rin si Kai na nagtakip pa ng unan sa mukha.

Huwaw!! tingnan ko lang pag kinapos siya ng hininga. Maghahagilap na naman to bigla ng supot! Oo Supot! yung papel ah hindi ano. xD

"Wala na. Wala nang picnic na magaganap! mag se seven na bes!" OA ko namang sagot kay Ayesha.

"Weh?" napabangon si A sa pagkaka higa at mabilis na tinignan ang phone to check the time herself.

"Hala oo nga! akala ko pa naman ma eexperience ko na mangabayo ngayon! kainis!" malakas ang boses na sabi ni Ayesha na nagpabangon kay Kai.

Bumangon ito na parang wala sa wisyo at sabog ang buhok na nakaharang sa mukha niya.

"Ang ingay niyo naman!" reklamo ng bruha. Nanatili siya sa ganung lagay na ipinagtaka naman namin.

Lumapit ako sa kama at hinawi ang buhok nito, nakapikit pa rin ang gaga. Hinawakan ko ang mukha ni Kai at sinampal sampal ng mahina. Kung pwede nga lang lakasan! makaisa naman. charot!

"Uy loves... gising kana ba?" at pinagpatuloy ang pag tapik sa pisngi nito. Nasa tabi ko rin si Ayesha na nakanguso pa habang nakatingin saming dalawa.

"Aray ah. Lumalakas!" sagot nito na unti unting idinilat ang mga mata.

"Aalis naba tayo?" tanong pa nito na walang alam sa paligid.

Lalo namang humaba ang nguso ni Ayesha sa disappointment sa hindi namin natuloy na pagpunta sa picnic grove.

"Hindi, kasi gabi na. Napahaba yung idlip natin. Pero bumangon ka na rin kasi baka wala ka nang itulog!" sabi ko.

"Ayos lang basta may gising!" pilosopong sagot naman nito. Gising na nga siya. Walangya na uli eh! haha.

Bumaling naman ako kay Ayesha at niyakap. Hinaplos haplos ko ang buhok nito na parang isang puppy! xD

"Ok lang yan bes! nandito naman si Kai, siya nalang ang kabayuhin natin!" pigil ang tawang bulong ko kay Ayesha. Nagkaintindihan naman kami sa tingin at bigla naming dinamba si Kai.

Dinaganan namin siya at kiniliti hanggang sa mag give up! lol.

"Aray ko! Ouch! ano ba isa!" pigil niya sa amin. Pero tuloy lang kaming dalawa ni Ayesha sa panghaharot.

Nakatayo ang bruha at ako naman ang napahiga. Ako naman ang pinagtulungan nila, Sundot dito sundot doon! hahaha sige magsundutan tayo! lol.

Pero hindi ako nagpatalo at pinilit makabangon hanggang sa si Ayesha naman ang niyakyak naming dalawa ni Kai at kiniliti ng kiniliti hanggang sa magkanda iyak sa pagtawa. Nagkakasakitan na kami pero tuloy lang. Walang susuko! charet!

Crazy TrioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon