7

18 2 1
                                    

Maaga kami nag check out para magpunta dito sa Peoples Park in the Sky.

Mabagal lang kaming naglalakad paahon sa tuktok dahil baka sumpungin si Kai, ubos na rin ang inhaler niya so mabuti na yung maingat. Baka pag inatake siya dito sa ganitong sitwasyon eh malamang sa sky ang diretso niya, kaya naman slowly but surely lang dapat.

"Ano loves..kaya pa?" tanong ko kay Kai na pangiti ngiti lang pero alam kong medyo hinihingal na siya.

"Keri lang loves, yakang yaka" confident naman niyang sagot habang patuloy kami sa paglakad.

Nauuna samin si Ayesha na panay ang selfie at feel na feel ang malakas na hampas ng hangin. Kaya naman kasabay ng pag lipad ng buhok niya ang mayat mayang posing at shut ng camera. Modeling 101 ang peg ng ate mo Yesha. Pak! Ganern!!

Nakarating kami sa pinakataas kung saan mas maganda ang view, tanaw mula rito ang pa zig zag na daan na napaliligiran ng mga berdeng puno kaya naman malakas ang hangin. At gaya ng mga taong pumapasyal dito mag pi picture taking din kami.

Picture dito. Picture doon. Hala sige! patibayan ng panga hahaha. Sa selfie pa lang ni Ayesha nasa 500 na ata. charet! pero hindi naman kami magpapatalo ni Kai, tig 500 din siguro kami. Char!!

Matapos ang ilang minuto naming picture taking ay tinignan namin ang mga kuha naming tatlo.

May japan japan, may sakit ulo pose, sakit tiyan pose, sakit ngipin pose! tuod pose! lahat na ata ng pwedeng makasakit sa mata! Hahaha charot!

Swipe, swipe, swipe.

"Uy ganda ng kuha ko diyan ah" manining ang matang sabi ni Ayesha na nakatingin sa cellphone na hawak ni Kai.

"Naks! buhat sariling bangko eh." komento naman ni Kai sa sinabi ni A.

Nangangamoy Asaran nanaman.

Direstso lang ang tingin ko sa screen. taimtim na nakikinig sa dalawa. Pigil ang tawa.

"Baliw! ibig ko sabihin ang ganda ng pagka kuha ko sa picture natin kase ako yung kumuha! tse!" mahabang paliwanag naman ni Ayesha.

Yun naman pala. Si Kai kasi nang aano.

Minsan talaga kaya nagkakaroon ng misunderstanding dahil sa maling interpretation! xD

"Tampo ka naman agad babe, maganda din naman talaga yung kuha mo.. as in ikaw." pang aalo naman ni Kai kay Ayesha na parang na offend sa biro ni Kai.

Lagot!!

Minsan talaga kahit gaano na kayo katagal magkakasama, may times talaga sa asaran na ma hu hurt ka pa rin or ma ooffend kahit alam mo namang nang bu bwisit lang. Lalo na pag lagi nalang ikaw, minsan mapapaisip ka na lang...

Bakit ganon!??

Sinabon ko naman...

Ayaw Kuminis!!!!

Charot!

But seriously diba mapapaisip ka wait, is this still a joke? or already an insult? sabi pa naman nila jokes are half meant true.. and kaya tayo nasasaktan kase totoo. Pero sabi naman ng iba pag ikaw yun laging trip! ibig sabihin.. mahal ka ng grupo at komportable sila sayo! :D Joke nga lang daw kasi!

Sino ba yang si iba at nila na yan!!? ang gulo! XD

But anyway ... naisip ko lang yun kasi pinag daanan ko ata yun nung college? hahaha. charet!

Nagbati naman agad ang dalawa ni Kai at Ayesha. Hindi naman din kasi talaga masyadong uso samin ang long term break up! cool off siguro pwede?Charot! ganun naman talaga ang magkakaibigan once in a while magkakatampuhan. Arte arte lang ganern!! Papasuyo din.

Crazy TrioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon