Chapter 1-Rainfall

20 3 4
                                    

Maria's POV

"Hoy maria! Tulungan mo naman tong mga kapatid mo! Aba! Kita mo na ngang gipit tayo andami mo pang pinaggagastusan! Nako naman Maria! Maawa ka naman sakin!" Napayuko nalang ako. Gusto ko siyang sisihin. Dahil kung hindi niya inuubos sa bisyo yang pera namin. Edi sana may pangkain pa kami ngayon. Tapos sakin niya pa ibubuntong.

"Opo mama." Napailing siya..

"Hay nako Maria! Wag ka nang pumunta diyan sa ano ba yun? Stage play ba yun? Ah basta! Wag kanang pumunta dahil wala tayong pera!" Napa-angat ako ng tingin.

"P-Pero mama graded po yun." Inis niya akong tinignan.

"Ay nako! Wala akong pake kung bumagsak ka pa dahil diyan! Basta hindi ka pupunta! Tapos! Umakyat kana nga dun nabi-bwisit ako sa mukha mo!" Nakayuko nalang akong umakyat sa kwarto at nilapag ang bag ko sa kama.

Nagpalit naman ako ng pambahay dahil kakauwe ko lang galing sa school.

Tinignan ko ang wallet ko at napabuntong hininga.

Paano nato? Graded yung stage play na yun kaya kailangan kong pumunta dahil gagawa kami ng reaction paper. Atska pamasahe ko pa. Tapos may mga babayaran pa ako sa school. Pangkain pa pala namin.

Napapikit ako sa sobrang lumo. Ay basta! Hindi ako pwedeng sumuko.

Napadilat ako ng biglang bumuhos ang ulan.

Napatulala ako dito at biglang nasaktan.

Anong nangyayari sakin? Bakit ako umiiyak?

Bawat patak ng ulan ay nagdudulot ng hapdi sa aking dibdib. Bawat patak ng ulan ay nagmi-mistulang maliliit na karayom na tumatarak sa aking puso.

Tuwing umuulan lagi nalang ganito.

"Maria! Bumaba ka nga rito! Gagamitin namin yang kwarto mo!" Napatingin ako sa pintuan ng marinig ko ang sigaw ni Mama.

Magbi-bisyo nanaman siya.

Dinala ko ang mga gagamitin kong libro at papel para sa gagawin kong mga assignments. Bukas na pala ung stage play. Sana makasama ako di dahil gusto kong magkaron ng mataas na grade. Dahil gusto kong manuod. Yun lang yun.

Bumaba na ako dala dala ang mga gamit ko.

Nakita ko sa baba ang tito ko,pinsan ko na babae at mga lalaki na anak ng tito ko, tapos may isang matandang babae na may dalang foil at kahon.

Napaiwas nalang ako ng tingin.

"Bantayan mo muna nak yan sila Vien. At may gagawin lang kami sa taas." Napatango nalang ako.

Bakit ba inuubos nila ang mga pera nila dahil lang sa bisyo na yan? Bakit ba inaaksaya nila ng buhay nila para lang diyan?!

Ilang oras pa ang nakalipas at natapos ko na lahat ng ginagawa ko. Paalis na rin sila Ate Kas,tapos na kasi sila.

Umakyat ako sa taas para magpahinga pero mausok pa. Kaya naman binuksan ko ang bintana ko para lumabas yung usok.

Pinagpag ko rin ang higaan ko at inaayos ko ang gamit ko para bukas. Buti nalang at nagpapadala yung Tita ko na nasa abroad ng pam-paaral ko at ng mga kapatid ko dahil wala namang trabaho si mama at hiwalay na rin sila ni papa.

Nang maayos na ang lahat ay humiga na ako para magpahinga. Agad rin naman akong nakatulog dahil sa pagod.

"Gresa!" Agad akong napangiti ng makita ko si Familo.

"Familo, mahal ko!" Agad ko siyang sinalubong ng yakap at ganun rin siya.

"Kamusta ang trabaho mo?" Ngumiti siya. "Maayos naman, mahal ko." Tumango ako at pumasok na kami sa bahay kubo.

"Nagluto ako para sayo." Sabi ko at inihanda ang sinangag. Natuwanaman siya.

"Ang bango naman neto, mahal ko!" Natawa ako sa reaksyon ng kaniyang mukha. Habang pinagmamasdan ko siyang kumain ay nakarinig ako ng sunud-sunod na putok ng baril. Napatigil siya sa pagkain at napalingon sa labas.

"Mahal dito kalang at titignan ko kung anong nangyayari sa labas ha?" Pipigilan ko pa sana siya pero nakaalis na siya. Kumabog ng malakas ang dibdib ko ng marinig ang tatlong putok ng baril malapit sa pintuan namin.

Nakita kong naka-handusay na siya sa sahig at punong-puno ng dugo ang kaniyang katawan.

Napatakbo ako papunta sa kaniya at kasabay noon ang pagbuhos ng ulan.

"Familo!" Umiiyak kong saad. Hinawakan ko ang kaniyang mukha at humingi ng saklolo.

"Sakloo! Mga kapitbahay! Saklolo!" Inakay ko ang aking irog sa aking mga hita.

"Fa..familo.." Tumulo ng sunud-sunod ang luha ko ng ngumiti siya.

"Mahal na mahal kita Gressa, magkikita pa tayo hanggang sa m-muli, Mi amore."

********

Unexpected FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon