Chapter 5- History Repeat Itself

17 3 3
                                    

Maria's POV

Nakatulala akong nakahiga ngayon dito sa silid na hindi pamilyar sakin.

Anong nangyayari?

B-Bakit.. P-Paano?

"Heilagressa?" Napalingon ako sa pintuang bumukas.

Napaupo ako sa kinahihigaan ko.

Sino siya?

"Ayos ka lang ba?" Pilit kong tinititigan ang mukha niya pero hindi siya pamilyar sakin.

"Pinag-alala mo ako ng sobra kanina." Nakatitig lang ako sa kaniya. Nahalata niya siguro na hindi ako nagsasalita at nananatiling tahimik lang.

"Ayos ka lang ba anak?" Nagulat ako ng marinig ko anh binanggit niya. Anak? Anak niya ako?

Mukhang alam ko na kung nasan ako.

Bumabalik ako sa nakaraan.

Nakaraan ko.

Nakaraan ng lahat.

At tuwing may nararamdaman akong kakaiba, pagsikip ng dibdib ko, o pag natutulog ako.

Napupunta ako dito, at bumabalik rin sa panahon ko.

"A-Ayos lamang p-po ako." Tumango siya at nginitian ako.

"Pasensiya na sa inasal ko kaninang umaga." Nginitian ko lang ulit siya. Nilibot ko ang paningin ko at tinignan ang bawat sulok ng silid.

Ano nga bang ugali ni Heilagressa? Paano siya magsalita? Paano siya kumilos?

"Na-Nasaan po tayo?" Nilibot rin ng babae ang kaniyang tingin sa silid.

"Nasa isang silid ka dito sa hacienda ni Ginoong Familo." Nanlaki ang mata ko, yung lalaki. Kung hindi ako nagkakamali.. K-Kahawig niya si Alexandre!

"P-Po? B-Bakit po tayo nandito?" Hinaplos niya ang buhok ko.

"Noong nahimatay ka kasi anak kanina, hindi namin alam ang gagawin namin. Nagulat na lamang kami ng mag-presinta si Ginoong Familo na dalhin kana muna namin dito sa hacienda nila." What?! Hacienda?!

"Pinatingin ka niya sa kilala niyang Doktor. At ang sabi ay kulang ka raw sa resistensya, dahil na rin sa panahon." Napatango nalang ako. Ayan din ang sinabi saki  ng doctor sa panahon ko diba? Kung tama ang hinala ko, kung anong nangyayari dito.. nangyayari rin sa panahon ko?

Napalingon kami ng Mama ko sa panahon na 'to sa pintuan ng may kumatok.

Nagulat ako ng masilayan ko nanaman si Alexan.. este Familo.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Nginitian ako ni mama at nag-paalam na aalis muna siya. Pipigilan ko na sana siya pero agad na siyang nakalabas.

Lumapit sakin si Ginoong Familo at nginitian ako.

"Ayos kana ba?" Tumango ako. "Mag-iingat ka sa susunod ha?" Tumango lang ulit ako. Nagulat ako ng bigla siyang tumawa. "Nakakatawa ka binibini." Kumunot naman ang noo ko. Sasagutin ko na sana siya kaso naalala ko na nasa ibang panahon pala ako kaya kailangan kong mag-ingat sa bawat kilos ko. Kaya inirapan ko nalang siya. "Nagbibiro lamang ako haha." Ang gwapo niya shet.

Wait what?! Arghh!






Ilang oras pa ang nakalipas ay naglalakad kami ngayon ni Ina pauwe. Napagdesisyunan kong Ina nalang ang itawag ko sa kaniya dahil ganun ang nababasa ko sa ibang kwento noong unang panahon. Ayun nga, naglalakad kami ni Ina pauwe nang may makasalubong kaming matandang babae.

Tinignan niya ako at nagulat ako dahil bigla niya akong nilapitan.

"Ang nakaraan ay nakatakdang mangyare ulit!" Nagulat ako ng bigla niya akong tinignan ng masama.

"Mga masasamang pangyayari, maraming mamamatay, maraming magdudusa, hindi pwedeng maulit ang nakaraan! Tumigil kana, tumigil kana!" Nagulat ako ng wala na si ina sa tabi ko. Saan siya napunta?

"Tumigil kana bago pa mahuli ang lahat!" Nagulat ako sa sigaw ng matandang babae.

"A-Anong hong sinasabi n-niyo?" Niyugyog niya ang balikat ko at sinamaan ako ulit ng tingin.

"Hindi ka dapat naririto! Hindi ka dapat napunta sa panahong ito! Isa kang demonyo!" Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Demonyo? Hindi ako demonyo!

"Marami ka nang nakuhang kaluluwa! Marami ka nang nabiktima at nabihag sa 'yong ganda! Pero demonyo ka! Demonyo!" Tinulak niya ako at napaupo ako sa sahig.

"A-Ano pong sinasabi niyo? H-Hindi ko ako demonyo." Lumapit suya kaya gumapang ako papaatras.

"Ang hinaharap ay hindi dapat manggulo sa nakaraan. At ang nakaraan ay hindi dapat magbago kundi maraming mawawala sa hinaharap!" May kung ano siyang binigkas at nagulat ako dahil..

Natagpuan ko ang sarili kong nakatayo na dito sa bahay habang nakatingin sa umiilaw na sulat.

Pakingshit. Anong nangyayari?!

******

Unexpected FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon