Chapter 3-Ang nakaraan

14 3 3
                                    

Maria's POV


Nagising ako at nasa isang lugar raw ako kung saan tahimik, at ang huni lang ng mga ibon ang aking naririnig.

"Heilagressa!" Nagulat ako ng mapansin kong nasa isa akong bahay kubo. Teka, nasan ako? Anong lugar 'to?

"Heilagressa! Ano ba? Bumangon kana riyan!" Nagulat ako ng may biglang sumigaw sa tapat ng kurtinang nagsisilbing pintuan nitong hinihigaan ko. Anong nangyayari?

"Heilagressa ano ba?!" Nanlaki ang mga mata ko ng may pumasok na babaeng medyo matanda na naka-suot ng damit na parang makaluma. May panyo rin siyang parang headband sa noo. Nakapalibot ito sa buhok niya.

"Bat parang nakakita ka ng multo riyan? Gumayok kana't malapit nang dumating si Ginoong Familo, dadalawin niya raw ang palayan. Kailangan tayo roon." Nakatulala parin ako sa kaniya. Ako ba ang kinakausap niya?

"Hoy heilagressa! Bakit kaba tulala riyan? Bumangon kana nga!" So ako nga. P-pero heilagressa? Hindi ko pangngalan yun!

"T-Teka ho, hindi po ako si Heilagressa." Kumunot yung noo ng babae.

"Aba't nahihibang kana ba? Anong nangyare sa'yo? Gusto mo lamang tumakas sa gawain! Halika na't huwag kang magmaktol riyan, hindi bagay sa'yo!" Sabi niya at lumabas na ng kwarto.

Wait. What? Anong nangyayari?

________________________________________________________________________________

Third person's POV

Napabangon si Theresa sa kaniyang higaan at biglang nanginig ang kaniyang buong katawan.

"Theresa! Anong nangyayari sa'yo?!" Biglang namuti ang kaniyang mga mata. Kapag nangyayari sa kaniya iyon ay nakakakita siya ng pangitain.

"M-May isang babae...bumalik siya sa kaniyang nakaraan. Kailangan niyang makaalis doon, kailangan niyang magising sa lalong madaling panahon. Kundi mamamatay siya! Mamamatay siya!" Nagulat ang kapatid niya sa sinabi niya. Biglang bumalik sa dati ang mga mata niya at tumigil na ang panginginig ng katawan niya. Hingal na hingal siyang kumapit sa braso ng kuya niya.

"Kuya, kailangan natin tulungan yung babaeng nakita ko sa pangitain ko. Kailangan natin siyang hanapin..bago pa may mangyaring sisira sa nakaraan." Nataranta ang kuya niya.

"Pero.. saan natin siya hahanapin?" Natigilan silang dalawa at hindi na nakapagsalita.

________________________________________________________________________________

Maria's POV

Nandito kami ngayon sa palayan at hindi pamilyar sakin ang mga nakikitang kong mukha. Pero bakit nila akong tinatawag na heilagressa? Sino si heilagressa? At bakit ba ako napunta dito? Nasan sila mama? Nasan sila Bea? Ang huli ko lamang natatandaan ay hinimatay ako sa school. Hindi ko alam kung bakit ako nandito.

"Andiyan na si Ginoong Familo! Magbigay pugay tayo sa kaniya!" Napatingin ako sa isang magsasaka nang sumigaw siya at nakangiting pumunta samin. Nakarinig ako ng takbo ng kabayo at nakita ko mula sa malayo ang isang lalaki na nakasuot ng parang polo na chekered at naka-tokong. Bukas ang tatlong butones ng kaniyang polo at nililipad naman ng hangin ang kaniyang buhok.

"Mabuhay si Ginoong Familo!" Nagulat ako dahil lahat ng nasa paligid ko ay sumisigaw tapos iwinawagayway ang kanilang sumbrero. Ginaya ko nalang sila at ngumiti ng pilit. Ano bang nangyayari dito? Anong nangyayari sakin?

Nagtama ang aming mga paningin nang huminto ang kabayo niya. Bigla akong napatulala at bumilis ang tibok ng puso ko.

Anong nangyayari? Unti unti akong nawawalan ng hininga at sumakit bigla ang dibdib ko. Napahawak ako dito.

"Heilagressa! Sigaw ng katabi kong babae at sinalo ako mula sa pagkakabagsak ko. Nagsipuntahan ang ibang magsasaka at nakita kong papalapit siya sa direksyon ko.

"Heilagressa!!" teka anong nangyayari? B-Bakit nauulit ang naramdaman ko kanina?

"Gressa.." tawag niya at kasabay nun ang paglamon sakin ng kadiliman. 

Unexpected FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon