Chapter 4-Past and Present

15 3 2
                                    

Maria's POV

Nagising na ako pero hindi parin ako dumidilat. Bakit? Dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi ko makita sila mama. Na baka mapunta nanaman ako sa panaginip na yun.

"Ano bang nangyare sa kaniya?" Narinig ko ang boses ni Mama kaya napadilat ako. Bumuhos sa mga mata ko ang sunod-sunod na luha.

"M-Mama." Agad ko siyang niyakap ng mahigpit at umiyak.

Nagtaka naman ang lahat ng nasa paligid namin.

"A..Ate ano nangyari sayo?" Tanong ng bunso kong kapatid. Niyakap ko lang din siya at pinaghahalikan ang pisngi nito.

"Pinag-alala mo ako ng sobra Maria!" Sabi ni Mama at niyakap din ako. Natuwa naman ako dahil kahit papaano ay nag-aalala siya sakin.

"Maiwan ko muna kayo." Sabi ng doctor at lumabas na rin ang iba kong kaklase.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ni mama at hinawi ang mga buhok na humaharang sa mukha ko. Napailing ako.

"Hindi ko alam mama, pero nanaginip daw ako. Nanaginip ako, nasa isang lugar daw ako na parang probinsiya. Basta nakatira daw ako sa bahay kubo. T-Tapos.. tapos wala daw kayo dun. Hindi ko kilala ang mga tao dun. Akala ko.. akala ko totoo yun." Hindi nagsalita si mama at niyakap nalang ako.

"Uuwi na tayo anak." Tumango ako. Inayos ko ang sarili ko at uminom ng tubig. Pumasok naman ang doctor na may dalang reseta.

"Siguro ay na-overfatigue ka lang. Atska kulang ka rin sa tulog at kain. Uminom ka rin ng vitamins para mas lumakas ang resistensiya mo. Ito ang vitamins na iinumin mo." Napatango ako at kinuha ang binigay niyang reseta.

"Maraming salamat doc." Tumango ang doctor at umalis na kami nila mama.

Ilang sandali pa ay nasa bahay na kami at pinagpahinga na ako ni mama sa kwarto.

Agad akong humiga sa kama at napatulala sa kisame.

Ano.. ano yung napanaginipan ko? Bakit parang totoo? Bakit pakiramdam ko napunta talaga ako sa lugar na yun?

Kinuha ko ang notebook ko na walang sulat at sinulat dun ang napanaginipan ko.

Hindi ko alam kung bakit pero, nanaginip ako na nagising daw ako at nasa bahay kubo ako, may isang babae na sinigawan ako upang bumangon. Tapos wala ako ni-isang kilala sa kanila pero tinatawag nila akong Heilagressa. Hindi ko naman pangngalan yun, pero.. pero bakit nila ako tinatawag na ganun? Tapos pumunta daw kami sa palayan. May nakita akong lalaki na nakasakay sa kabayo. Naka-polo siyang checkered at naka-tokong. Nililipad rin ng hangin ang buhok niya. Ginoong Familo. Yun ang pangngalan niyang natatandaan ko, hindi ko alam kung bakit pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko noon, tapos sumikip ang dibdib ko at nawalan ako ng malay nang magtagma ang aming mga paningin.

Binaba ko ang ballpen ko at isinipit yun sa loob ng notebook. Tinabi ko yun sa bag ko at nahiga nang muli.

Bakit.. bakit parehas ang nangyari sa panaginip ko at sa nangyari sakin ngayon? Bakit ganun? Pero magkaiba naman ng tagpuan. Magkaiba ng mga tauhan. Magkaiba ng pangyayari. Pero.. pero bakit parehas na parehas ang mga nararamdaman ko?

Kinuha ko ang cellphone ko at nag-open ng Messenger. Nakita ko ang ilang chat ng mga kaibigan ko pati narin ang nagkakagusto sakin na si Mike.

Lahat ng chat nila ay patungkol sa kung okay na ba ako, magpagaling daw ako, kesyo ano nangyari ano ganyan.

Una kong binuksan ay ang group chat namin nila Bea.

Marielle: Hi guys! Okay na ako. Salamat pala sa kanina. Pasensiya na naabala ko pa kayo.

Na-seen naman ito ni Bea at agad nag-chat.

Bea: Waaaaaahh! Maria! Huhuhu pinag-alala mo kami tae ka! Huhuhu ate maria wag kana ulit mawawalan ng malay ah!

Napangiti ako.

Marielle: Oho inay hahahaha!

Pagkatapos ay sunod kong binuksan ang kay Mike.

Marielle: Hi mike! Okay na ako,sorry napag-alala ko pa kayo.

Agad naman niyang na-seen at agad siyang nag-reply.

Mike: Mabuti naman! Pinag-alala mo ako ng husto maria!

Sabi niya at nag-send ng umiiyak na emoji. Natawa nalang ako.

Biglang umulan at sumikip nanaman ang dibdib ko.

Nag-out muna ako at hindi na nagpaalam sa kanila.

Agad akong naupo at hinabol ang aking hininga. Tinignan ko ang ulan sa labas.

Anong nangyayari?

Bumaba ako upang uminom ng tubig at nagulat ako dahil tahimik sa bahay. Nasan sila mama?

Pagkapunta ko ng kusina ay nakita ko ang sulat na nasa lamesa.

'Pasensiya na anak hindi na ako nagpaalam, pupunta kami ngayon ni Reizel sa Tita Aly mo. Baka bukas ng umaga na kami makauwe, gusto sana kita isama kaso kakagaling mo lang sa hospital. May mga pwede kang iluto diyan sa ref ha? Mag-iingat ka.'

Napabuntong-hininga nalang ako. Binuksan ko ang ref at kinuha ang pitchel. Kumuha rin ako ng baso at uminom ng tubig.

Ano bang nangyayari sakin?

Nagulat ako ng biglang may kumatok sa pintuan.

Inilapag ko ang hawak kong baso sa lamesa at pinuntahan ang pintuan.

Nang buksan ko ito ay wala namang tao, sumalubong sakin ang malamig na simoy ng hangin.

Isasara ko na sana ng may nakita akong papel na nakalapag sa harap ng pintuan namin. Kinuha ko ito at sinara na ang pinto.

Umupo ako sa sofa at binuksan ang sulat.

"Ang nakaraan ay nakatakdang mangyari ulit."

Yun lang ang nakasulat. Ah..okay?

Hindi ko nalang pinansin at inilagay ko nalang ito sa may lagayan ng magazine namin.

Aakyat na sana ako ng bigla itong umilaw at nagulat ako dahil natagpuan ko ang sarili kong..

Nakahiga sa papag habang nasa loob ng isang silid na hindi pamilyar sakin.

******

Unexpected FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon