Maria's POV
"Hoy Maria! Gumising kana! Naknang! Hindi kaba marunong kumilos?! Anlaki-laki mo na pinagsisilbihan pa kita!" Napadilat agad ako sa sigaw ni mama.
Ay tongaks! May pasok pala ako ngayon!
Napatingin ako sa orasan at nakitang 6:00 na. Sheeeeetsky! 7:00am pasok ko! Kailangan kong maabutan ung Flag Ceremony!
Agad kong inayos ang higaan ko at tumakbo papuntang banyo. Hayaan na kahit malamig ang tubig! Para sa kinabukasan!
Habang nagbubuhos ako ay napapasigaw ako sa lamig.
Mga 5 or 6 mins. Lang ata ako naligo tapos nag-ayos na ako. Nag-toothbrush na rin ako at nagsuot na ng uniform. Kinuha ko ang bag ko at di ko na sinuklay ang buhok ko hinayaan ko nalang kung anong itsura ng mukha ko.
"Ma! Alis nako!" Kita ko ang irita sa mukha niya.
"Ano ba yan?! Ni-hindi ka pa nga kumakain?! Birthday na birthday ko ikaw pa aalalahanin ko? Aba naman!" Napayuko nalang ako.
"O eto baon mo! Pasakit ka talaga sa buhay kainis!" Kinuha ko ang 50 pesos na iniabot sakin ni mama at kumaripas na ng takbo papunta sa labas.
Sumakay ako sa bike ko at tinignan ang relo na bigay ng Tita ko sa side ni Papa.
Sheeett!! 6:20 naaa!!! 6:30 ang Flag Ceremony! Putspahhabyhaxxbfvnnj!!
Binilisan ko pa lalo ang pag-pepedal ko.
Nang makarating ako sa school ay agad kong binilin kay kuyang guard yung bike ko.
"Kuya gary! Ikaw na pong bahala kay vien ha? Maraming salamat po!" Tinanguan niya lang ako habang nakangiti.
Kumaripas ako ng takbo sa papasarang gate.
Pumila ako sa pila ng section namin at nakahinga ng maluwag.
Whooo. Nakarating ako at exactly 6:30. Thanks God!
"Oh, Bat ngayon ka lang maria?" Tanong ni Bea, kaklase ko.
"Ah eh, sorry napasarap tulog ko eh." Napatango siya.
"Buti dumating kana, hinahanap ka ni Ma'am Flores, aawardan ka daw mamaya." Kumunot ang noo ko. "Ha? Para saan?" Nagkibit-balikat siya. Pinapunta naman niya ako sa unahan ng pila para madali nalang daw akong makapunta ng stage. Nakita ko naman si Ma'am Flores na papalapit sakin.
"Hi ma'am!" Nginitian niya ako. Pasimple kaming nag-usap dahil nag-aannounce ang principal ng kung anu-ano. Tapos nagsimula na ang program.
"Aakyat ka mamaya ha? Nanalo ka sa Poem Writing." Nanlaki ang mata ko.
"Hala hindi nga ma'am? Ano pong place?" Nginitian niya ako.
"Chiklet!" Napailing nalang ako. Kahit kailan talaga si ma'am. Habang nagpo-program ay napalingon ako sa kabilang linya kung nasan nakapila ang Sec.2
Nagulat ako dahil may nakita akong lalaki na nakatingin sakin. May kulay pula siyang panyo.
Kumunot ang noo ko nang bigla niya akong kawayan at ngitian kaya nginitian ko nalang din siya.
"Ayan ah teh ah! Sinong nginingitian mo?" Napalingon ako sa katabi kong si Dairy. Natawa nalang ako.
"And now, for the Poem Writing contest! We have Maria Rielle Bautista, champion from Grade 8-Section 1!" Nagsigawan ang mga kaklase ko at tinulak-tulak ako papunta ng stage. Hays naman talaga oh. Natawa nalang ako at nailing. Agad akong umakyat ng stage at nakipag-kamay sa teacher na may hawak ng certificate ko.
"Congratulations." Nginitian ko nalang siya nagsabi ng 'Thank you po.' Tapos ayun nag-picture tapos bumaba na ako ng stage. Pero shetsky lang,ang haggard ko dun bes! Huhuhu
Pagkabalik ko ay sinalubong ako ng mga ngiti ng kaklase ko.
"Awieeeee! Champion si ate marielle!" Natawa ako at umupo nalang ulit sa unahan. Ilang churva pa at nagulat ako dahil tinawag ung lalaking nginitian ko kanina sa stage.
"And for the Champion of Oratorical contest, Let's give a round of applause to Alexander Al Fontamiel from Grade 8- Section 2!" Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ako pero nakita kong tumingin siya sa gawi ko at nginitian ako sabay tingin sa kumukuha ng litrato.
Biglang bumilis ang pintig ng puso ko. What was that?
Matapos ang program at nagkanya-kaniya na ang lahat.
Bumalik na kami sa classroom namin at as usual nag-unahan sa pagkuha ng upuan dahil ayaw nilang maupuan ang bakal na upuan. Gets? Hahaha.
Naupo na ako malapit sa pintuan. Hayy. Panibagong klase nanaman.
"Good afternoon class!" Nagsi-tayuan kaming lahat at bumati sa guro namin.
"Oo nga pala, cancelled ang stage play ngayon. Maybe next next week pa gaganapin. Nagka-program kasi. Atska marami pang hindi nakakabili ng tickets." Napatango kaming lahat. Napahinga naman ako ng maluwag. Makakapag-ipon pako.
Ilang lessons ang diniscuss niya at natapos rin ang klase.
Ganun rin ang ginawa namin sa iba pa. Pagkauwe namin ng Alas Dose ng tanghali ay sobrang tirik na tirik ang araw. Hays, ano ba naman to.
Pagkalabas namin ng room ay nakita ko siya sa may labas.
Nginitian niya ako kaya nginitian ko siya.
Habang papalapit ako sa direksyon niya ay parang bumabagal ang paligid. Bumibilis ang tibok ng puso ko.
Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at naglakad na parang walang nakita.
Pero wala pang dalawang kilometro ang layo ko sa kaniya ay biglang sumikip ang dibdib ko. Napahinto ako sa paglalakad.
"Teh marielle? Okay ka lang?" Napahawak ako sa dibdib ko. Anlakas ng kabog nito, na para bang gustong kumawala sa katawan ko.
"Ahh.." mahina akong napadaing sa sakit.
"Hala ate Maria!" Yung ibang kaklase ko ay nagsilapitan sakin.
Nanghina ang mga tuhod ko at sumasakit ang ulo ko.
Nakita kong papunta rin siya sa direksyon ko. Nagkakagulo na ang lahat dahil sakin.
"Maria!" Tawag niya at mas lalo pang sumakit ang dibdib ko. Tumulo ng tumulo ang luha sa mata ko. Ang sakit-sakit. Sobrang sakit.
"Hala! Ate!" Lumapit sakin si Bea at niyakap ako.
Unti-unti akong nawawalan ng hininga.
Sa kaniya lang ako nakatingin at ganun din siya sakin.
"Maria.." tumingin siya sa mga mata ko at kasabay nun.. ang pagpikit ko at ang paglamon sakin ng kadiliman.
*******