Chapter 6- The girl

10 3 1
                                    


Maria's POV


Kinaumagahan nagising ako, tumingin ako sa orasan at magfa-Five palang ng umaga. Naisipan kong bumaba at tignan kung nandiyan naba sila Mama. 

Hindi ko parin makalimutan yung kagabi. Paanong nangyari yun? Paanong nakakapunta't nakakabalik ako sa nakaraan?

"Ma?" Tawag ko nang makababa ako pero walang sumasagot. Kaya nagpunta ako sa kwarto nila ni Reizel. Nakahinga ako ng maluwag dahil nandiyan na sila. Bumalik nalang ako sa kwarto ko at nag-handa para mamaya pagpasok ko.



Makalipas ang ilang oras ay magpa-5:35am na. Bumaba na ako't nakaayos na. Hindi naman ako nagsusuklay kaya keri lang.

Pagbaba ko ay may mga pagkain ng nakahanda. 

"Good morning ma! Reizel!" Sabi ko at nagbeso sa kanila. Pinaggigilan ko pa si Reizel at kinagat ang pisngi niya.

"Ate!" Natawa nalang ako sa mukha niya. 

"Hay nako! Baka lumaylay ang pisngi niyang kapatid mo! Umayos ka nga." Natawa nalang ako kay mama. Umupo ako sa lamesa at nagsandok na. Hindi parin mawala sa isip ko yung sulat kagabi. Hays, pagkatapos kasi nitong umilaw bigla nalang siyang nawala ng parang bula. 

"Kamusta ang pakiramdam mo? Kaya mo na bang pumasok?" Tumango nalang ako habang kumakain.

"Medyo okay na ako ma, ako pa malakas kaya ako!" Napa-tsk nalang siya. Muli akong tumawa. Binilisan ko ang pag-kain ko at nilapag na yung plato ko sa lababo.

"Bye ma ma papasok nako, ingat kayo ni Reizel." Tumango lang siya at di na ako pinansin. Hayy nako.

Nag-bike ako papuntang school at tinignan ang relo ko. 5:56am palang pala. Aabot pa ako sa Flag Ceremony namin na 6:30am pa. Habang nagpe-pedal ako hindi ko maiwasang masarapan sa nalalanghap kong hangin. Hayyy, ansarap matulog!

Kumanan ako sa may stop-light dahil doon ang way papuntang school. Nadaanan ko naman ang isang maliit na bahay na medyo makaluma ang istilo. Pero maganda siya. Napangiti ako ng makita ko yun, ito kasi ang nagpapasaya sa umaga ko. Parang wala lang, ang ganda lang sa paningin dahil may mga ganito pa palang bahay.

Bago pa ako makalagpas ay may biglang sumigaw sa loob nun.

"Nandito siya! Malapit siya dito!" Napa-tigil ako sa pag-pedal. Huh? May nangyayari ba sa loob? Gusto ko sanang kumatok at tanungin kung ayos lang ba sila, kaso ang creepy naman nun diba?

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan at bumungad sakin ang dalagang babae na may kahabaan ang buhok.

"Ayun siya!" Turo niya sakin at biglang lumabas ang isang lalaki sa likod niya. What the hell? Lumingon ako sa likod ko, kanan,kaliwa kung meron pa siyang ibang tinuturo pero ako lang talaga. Shet, nakakatakot naman 'to.

Magpe-pedal na sana ako paalis ng bigla nanaman siyang sumigaw. "Saglit lang! Kailangan kitang makausap!" Nilingon ko siya ng may halong pagtataka. Pano niya ako nakilala?

Di ko alam kung lalapit ba ako or aalis nalang dahil nakakatakot talaga siya -,- napaatras ako ng konti ng bigla siyang tumakbo papunta sa direksyon ko at tinignan ako ng diretso sa mga mata.

"Mag-iingat ka. Huwag kang magpadala sa mga nangyayari sa nakaraan, hindi kana dapat pang bumalik sa nakaraan. Maraming mangyayaring hindi mo inaasahan kapag nasira mo ang nakaraan." Mas lalo akong nagulat sa sinabi niya. H-How did she know?

"A-Anong.. p-panong.." hinawakan niya ang dalawang balikat ko. "Kapag bumalik ka sa nakaraan sa oras na lumitaw ang bilog na buwan, hindi kana makakaalis pa. Ang nakaraan ay nakaraan. Hindi na dapat pang binabalikan. Mag-iingat ka. Pigilan mo ang sarili mong pumunta punta sa nakaraan. Dito ka nararapat. Hindi mo na dapat binabalikan ang dating ikaw. Ang dating buhay na meron ka." Naguluhan naman ako. Ano? Dating ako? Bat sabi ng matanda sa nakaraan demonyo ako? Tapos sabi naman dito dating ako yun? Putragis.

"Naguguluhan ako. At paano mo nalaman?" Tumingin siya sa kuya niya. "Maagang nabuksan ang isipan ko na nabuhay na pala ako sa nakaraan, at nakakakita ako ng hinaharap. Nakikita ko ang mga pangitain na dapat pigilan. Alam kong mali iyon ngunit, kailangan kong mapigilan ang kung ano mang mangyayari sa hinaharap." Hindi ako makapag-salita. Lumapit naman ang lalaki dito samin at inabot sakin ang kwintas na may kulay pulang bilog. Itim ang kwintas at may pendat itong pulang bilog.

"Wag mong tatanggalin yan, isuot mo palagi yan upang maiwasan ang pagbalik-balik mo sa nakaraan." Tumango ako. "Pwede bang pumunta ako rito mamaya pagkatapos ng klase ko at mag-usap tayo?" Sabi ko sa dalagang babae. Ngumiti naman siya. "Hihintayin kita."




Nandito na ako ngayon sa school at hindi parin mawala sa isip ko ang sinabi ng babaeng yun. Hindi ko alam pero, makikita ko ba siya sa nakaraan? Parte ba siya ng buhay ko? O Ano ba? Naguguluhan na ako. 

Recess time na at pagkalabas ko ay sinabayan ako maglakad ni Mike papuntang canteen.

"Kamusta kana? Bakit pumasok ka ngayon? Baka mapano ka." Umiling ako at ngumiti. 

"Kaya ko na. Ako paba? Hahaha." Ngumiti siya sakin. "Ang ganda mo haha." Kinunutan ko siya ng noo. "Aba't nambobola kaba ha?!" Sabi ko sa kaniya. Natawa naman siya at umiling. "Siya sige na, kinamusta lang kita hahaha. Nakatingin satin sila Bea." Napalingon ako sa likod namin at nakita ang naghihikgikan sila Bea. Napairap nalang ako. "Okay bye." Sabi ko at kumaway sa kaniya. Agad naman na lumapit sila Bea.

"Ajuuju, yan ah ate marielle ah" natawa nalang ako kay Dairy.

"Gago ka putangina mo, pinag-aalala mo kaming hayop ka okay kana ba?" Nag-poker face ako sa harap ni Bea. "Grabe salamat sa pag-aalala. Na-touch ako sa sinabi mo. Nakakaiyak." Sabi ko at tumango-tango pa. Natawa naman sila. Hays.



Ilang oras pa ang nakalipas at tapos na ang klase namin. Agad naman akong umalis ng classroom at dumiretso sa pinag-tatabihan ko ng bike ko. "Salamay kuya!" Sabi ko kay kuyang guard at nag-pedal na paalis. Habang naagpe-pedal ako ay nakita ko siya sa malayo. 

Nakita ko si Alexander. Hindi ko napansin na babangga na ako kaya naman nawala sa balanse ang bike ko at natumba ako sa lupa. Nagkagasgas naman ako sa braso ko at agad na nagdugo. 

Napailing nalang ako. Hays, katangahan nga naman oh. 

Nagulat ako nang makitang tumatakbo siya papunta sa gawi ko. Aalis na sana ako ng bigla siyang sumigaw. "Maria!" Napapikit nalang ako at nilingon siya. Kita ko ang pag-aalala sa mukha niya ng makalapit siya dito.

"Okay ka lang ba? Aish! Nagdudugo ang braso mo." Dinukot niya yung panyo niya at tinali sa nagasgas kong braso. "Ano bang nangyari sayo? Gusto mo dalhin kita sa hospital? May masakit paba sayo?" Nakatingin lang ako sa mukha niya. Kamukhang-kamukha niya talaga si Familo. "W-Wala. Okay lang ako salamat." Sabi ko at tinayo ang bike kong bumagsak. 

"Pero.." nginitian ko nalang siya. "Kailangan ko nang umalis. Salamat." Sabi ko at sumakay na sa bike ko. Ramdam ko naman ang pagkirot ng talampakan ko dahil siguro sa kanina. Aysh, pero gayun pa man ay nag-pedal parin ako. Malapit naman na ako sa bahay nila. 

Pero hindi pa ako nakakalayo ay biglang humabol si Alexander.

"Maria! Ang kwintas mo!" Natigil ako at biglang kumalabog ang dibdib ko.

Shit no. 

Pagkalingon ko ay...


Nagulat ako. Dahil...wala nanaman ako sa panahon ko. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon