EPILOGUE

278 2 12
                                    

Tinanggap ng mas maraming fans si May bilang asawa ni John, although meron pa rin siyang mga haters, talo naman sila ng mga nagmamahal na fans ni John.

Nakatira na sila ngayon ni John sa sarili nilang bahay, merong kalakihan ito para sa kanilang dalawa pero sinabi ni John na hindi lang naman sila ni May ang titira doon kaya nagpasadya talaga siya ng bahay na malaki. Three Storey ito, sa itaas ang studio niya, sa second floor ang mga master's bedroom, guest room, nursery room, collection room, lahat na ng rooms! XD

Sa first floor and living room, dining room, recieving are, entertainment room, library kung saan nandoon lahat ng mga libro ni May mula noong college na nagagamit pa din niya minsan. Encyclopedias, Health Guide Books, at marami pang iba. Halos educational at ginagamit ni May sa trabaho ang nandoon.

Nag-resign na din si May sa trabaho niya, kagustuhan ni John. Para daw siya lang ang asikasuhin nito at ang bahay nila, pati na ang mga magiging anak nila.

Four months na silang kasal, masayang-masaya si May, minsan hinihiling niya na kung panaginip lang ang lahat ay wag na muna siyang magising.

Madalas kapag day off ng mga kaibigan niya ay pinapasyalan siya doon, nagrereklamo din kasi siya na naiinip sa bahay. Minsan pumapasyal siya sa mga in-laws niya at nakikipagkwentuhan kay Melody. Tapos doon na siya susundin ni John after work.

One morning, 9AM palang nandoon na sina Rovz, Anne, Jho at Nikki magsho-shopping daw kasi at magpapa-spa.

"Ang aga nyo aa." smiled John habang pababa siya ng hagdan, papunta na siya sa trabaho.

"Oo, magpapaganda kami!" smiled Nikki.

"Magaganda na kayo.." sabi ni John.

"We know right?!" sabi ni Anne.

"Mabibihis muna ko. Bahala na kayong mangalkal ng makakain sa kusina." sabi ni May sa mga kaibigan niya.

"Alrighty, go ahead. Bilisan mo aa? Baka abutin ka pa ng isang oras dyan!" biro ni Rovz.

"Oo na po." said May at tumungo sa hagdan. "Bye, John."

Ngumiti si John at humalik sa pisngi ni May.

Napahinto si May, nakaramdam siya ng pagbaliktad ng sikmura niya. Tinutop niya ang bibig niya, at tumakbo paakyat sa kwarto nila.

Biglang nag-alala si John, nakita niya kasi na parang namumutla ang asawa niya.

"Ano pang tinatayo-tayo mo dyan?!" asked Anne. "Sundan mo asawa mo! Baka napano na yun!"

Agad na sinundan ni John si May.

Nag-ngitian naman ang mga babaeng naiwan sa ibaba.

Nagsusuka si May sa bathroom nila. Tumakbo agad si John sa banyo para tingnan kung anong nangyayari kay May, pawis ito at namumutla. Hinahagod niya sa likod ang asawa niya.

"Okay ka lang?" nag-aalalang sabi ni John.

"Okay lang ako." sagot ni May, inaalalayan siya ni John papunta sa kama nila.

Silence.

Pinupunasan ni John ang pawis ni May.

"Wag kana kayang sumama sa kanila? Pahinga kana muna." said John.

"John." said May.

"Hmnn?"

"8weeks... kambal."

John was speechless.

"Hindi kaba masaya?" asked May.

Ngumiti si John.

"O-Of course I am!" said John and hugged his wife. "Binigla mo naman kasi ako e..."

 ----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 "Distance never separates two hearts that really care because true love doesn't mean being inseparable; it means being separated and nothing changes." 

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

*END*

Thank you for reading! Pati dun sa mga nakabasa na dati nito, salamat sa pagbabasa ulit! Sana nagustuhan nyo yung ibang edits na ginawa ko :">

And dun sa mga supporting characters! Thanks you, girls for letting me use your names. Sana napakilig ko ang bawat isa sa inyo. 

Natapos ko din ang story na i-post for 19days! Yehey!

Here are the names of this story's characters:

MEL JOHN MAGNO as JOHN

ME as MAY :">

MEL MAR MAGNO as MAR

NIKKI ESTRADA as NIKKI

ARKIN DEL ROSARIO as ARKIN

ANNETTE PAMINTUAN as ANNE

AJ MUHLACH as ADRIAN

ROVZ TOLENTINO as ROVZ

CALEB SANTOS as CALEB

JHOANNA MARIE JOSE as JHO

with the special participation of AKI TORIO's name as HIDEAKI

and the other: FICTIONAL CHARACTERS na po :D

If you still have time. Kindly read my new story entitled, "THE ONE" with new characters and new concept :) Thank you guys and godbless! :D

Just copy and go to this link below :D

OR

just click the EXTERNAL LINK ^^,

http://www.wattpad.com/story/2038785-the-one-%E2%99%A5

LOVERS from the PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon