Mar, Vinz, Melody and Yssa were left on the dining are continuing their breakfast.
"Yung girlfriend mo nga pala," sabi ni Melody.
"I'll bring her here sometime," sabi ni Mar.
"May girlfriend ka? May nagmamahal pala sayo" walang pakundangang sabi ni Yssa na parang ikinagalit naman ni Mar.
"Pssst. Yssa" pabulong na saway ni Vinz sa kapatid.
Yssa pouted.
"Sorry," said the little girl.
Mar stood up.
"Papasok na po ako," paalam ni Mar at umalis without looking back.
"BADTRIPPP! Kaaga-aga iniinis ako ng Yssa na yun!" sigaw ng isip ni Mar. Inis na inis sya, masama na nga ang pakiramdam nya, masama pa ang hangin sa bahay nila. Nagmadali nalang syang pumasok sa University.
Around 10A.M, pababa ng building (SJH) nila si May. Kabababa nya lang sa hagdan when she saw Mar sitting on one of the round tables sa lobby. Kumakain ito at parang may hinihintay.
"Mar?" asked May to herself, "wala bang klase ang lalaking to?"
Lalapitan na sana nya when someone called her name.
"May Magno." called Carl.
Si Carl ay high school friend ni Mar. Minsan nakakasama kasi si May sa mga gimiks ng barkada ni Mar kaya kilala na sya halos ng mga kaibigan ng binata. Mayaman si Carl, gwapo at laging updated sa mga gadgets.
"Uy! Carl ikaw pala." smiled May.
"Si Babe mo, inuwi kanina sa bahay. Nila-love-nat." sabi ni Carl.
"Ha? Ano bang nangyari?"
"He fainted. Kala ko nga inaantok lang ang loko kaya nananamlay e. Yun pala masama na pakiramdam. Bago mo nga papasukin ng school yang asawa mo icheck mo muna ang body temperature nya." biro ni Carl sa kanya.
"Adikkk. HAHAHAHA! Ayun kaya -- " naputol ang sasabihin ni May because when she looked back at the table, wala na dun si Mar. Napakunot-noo siya. She was sure that she saw Mar eating there!
"Oh bakit?"
"Ah, wala. Ano. Ahm, alam mo na ba kung pano pumunta sa bahay ng Mommy nya?"
"Oo naman, hatid pa kita kung gusto mo."
"Great! Tara na!"
Hinila na nya si Carl para ihatid sya nito sa bahay ng boyfriend nya. Alam kasi nya na hindi aasikasuhin ng boyfriend nya ang sarili nito. Wala naman syang exam or importanteng gagawin sa mga subjects nya kaya hindi na muna sya papasok.

BINABASA MO ANG
LOVERS from the PAST
Genç Kurgu11 years ago, there were young-bestfriends, a guy and a girl who build their friendship and unconciously, their childhood-love for each other. They used to play together and call each other as boyfriend and girlfriend. They became so close to each o...