The next day, 8A.M, May went to Mar's place. She saw John palabas ng gate.
"John," called May. "Goodmorning!" she greeted and flashed a smile.
"May," smiled back John. "Ang aga mo ah?"
"Dinalhan ko ng lugaw si Mar." sabi ni May and showed John the lunch box.
"Ikaw nagluto?"
"Hindi, yung friend ko. Hehehe"
"Pumasok na sya ee."
"Agad?" asked May sadly.
"Uh-uh, meron yata syang exam ngayon e. Di ba nya nasabi sayo?"
"Hmn, he didn't even told me. Ang aga ko pa namang nag-effort para dito! Haist!" medyo inis na sabi ni May. Umalis sya ng maaga kahit na 9:30 pa ang klase nya para lang madalhan ng lugaw ang boyfriend nya pero wala naman pala ito sa bahay nila.
"Di ka pa ba aalis?" asked John.
"Hmnnnn. Gusto mong kumain? Nag-almusal kana ba?? Tara kain tayo!" invited May, na nagpapa-cute.
"Wala kabang pasok?" asked John.
"Later, 9:30. I just came here to give Mar this lugaw churva. Kaso wala naman pala sya e. Sayang naman kung hindi makakain diba? Kaya kainin nalang natin. Ikaw ba, may pasok kana?"
"W-wala! Tara, pasok ka."
8:30 ang totoong pasok ni John, pero hindi nya alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig nya. Ang alam lang nya sa is he wanted to spend time with the girl he was with right now.
Sa loob ng bahay, nasa dining table na sina May at John.
"Baka biglang dumating si Mar.." said John.
"So? Wala naman tayong ibang ginagawang masama e. Much better nga yung dumating sya bigla para makain nya yung lugaw na para naman talaga sa kanya." sagot ni May. "Teka nga, bakit nga pala ang aga mong umaalis?"
"Ano kasi e. Ano.. Aaaa. 8:30 talaga ang pasok ko. Pero nung dumating ka, naalala ko na wala nga pala yung prof ko sa first subject ko ngayon. May seminar daw kasi." sagot ni John na medyo nahirapan pang mag-imbento nung una.
"Ahh, dapat pala pasalamatan mo ko no? Haha! Sino bang prof. mo?"
"Si Sir Buan. GenPsy namin. Dapat last-last sem ko pa to ti-nake e. Kaso nagkasakit ako kaya ngayon ko palang kinukuha."
"General Psychology??" asked May. "Teka nga, prof. ko din si Sir Buan ngayon e. Sa Psychological Statistics e. First subject ko..."
Kinabahan bigla si John at nagsimula ng pagpawisan.
"Ngayong araw?" tanong ni John.
"Yep! First subject ko, hmn. Kung wala kayong first subject ngayon, that means kami din!... Pero wala naman kasing nabanggit samin si Sir na wala sya ngayon e."
Halos mailuwa ni John ang kinakain nyang lugaw pagkarinig ng sinabi ni May.
"Okay ka lang?" asked May worriedly.
"O-oo , ayos lang ako." sagot ni John na pinag-pawisan na. "Ay! oo nga pala, next meeting nga pala sya wala! Nakalimutan ko ulit."
"Ha?" kunot-noong tanong ni May. "Ang gulo mo, dre"
Sabay na pumasok sina May at John ng araw na yon. Dahil walking distance lang ang school sa bahay nina John ay naglakad nalang sila.
"You know Lolo Albert too, right?" asked May.
"Hmn? Oo, bakit? You know him too?" asked John.
"Yep! Family friend sila ng Grandparents ko. Ang galing nga e, bata palang kami may connection na pala kami ng kakambal mo. I thought di ko na sya makikita pa ulit." said May.
BINABASA MO ANG
LOVERS from the PAST
Genç Kurgu11 years ago, there were young-bestfriends, a guy and a girl who build their friendship and unconciously, their childhood-love for each other. They used to play together and call each other as boyfriend and girlfriend. They became so close to each o...