Kabanata 1

55 0 0
                                    

SI Dawn Zulueta ay galing sa isang mahirap na pamilya, ngunit sinisikap ng kanyang mga magulang na mapatapos sya ng pag aaral dahil sa siya na lamang ang inaasahan ng mga itong babangon sa kanilang kinasasadlakang kahirapan. Apat silang magkakapatid at pangatlo siya, maagang nagsipag asawa ang dalawa sa mga ito hindi pa man nakapagtapos sa kolehiyo. Habang ang bunso nilang lalaki ay Grade 9 pa lamang. Siya naman ay nasa 3rd year college na sa pasukan sa isang university sa kabilang bayan, sa kursong bachelor of secondary education major in English. Sa totoo lang ay hindi naman talaga ito ang gusto niyang kurso, pangarap niya noon na maging fashion designer ngunit dahil alam niyang hindi ito kayang tustusan ng kanyang mga magulang kaya sinunod niya na lang ang gusto ng mga ito na kumuha ng education dahil sa mas mura daw ang tuition fee. Dahil sa mahirap lamang ay laging nabubully sa university na pinapasukan niya si Dawn, kesyo ang pangit daw niya, ang dry daw ng hair niya parang hindi daw siya nagsusuklay, di daw siya marunong sa ganito ganyan pero lahat ng ito ay tiniis niya kahit kung minsan ay parang gusto niya ng sumuko.

Unang araw ng pasukan, maagang gumayak si Dawn, sa daan ay nagkasabay sabay sila ng mga kaklase niya sa university dahil ilang metro lang ang pagitan ng kanilang mag bahay at dahil pare pareho ang estado sa buhay ay sila na lang ang naging magkakaibigan. Ngunit minsan ay parang tini take advantage ng mga ito ang kabaitan niya halimbawa na lamang kung may bibilhin o kailangang i photo copy na importante imbes na samahan siya ng mga ito ay mag isa syang pumupunta sa dept store o kaya sa isang shop na ngphotocopy ng kakailanganin nila habang ang mga ito naka upo lamang sa isang vacant room sa eskwelahang pinapasukan nila.
Gaya na lamang ngayon: para siyang konduktor ng tricycle na sinasakyan nila dahil sa mga baryang nilagay ng mga ito sa palad niya siya na daw ang mag abot sa driver ng kanilang mga pamasahe habang ang mga ito ay busy na sa pananalamin at paglalagay ng kung anu anong kolorete sa mukha.

SI Richard Frank Gomez ay galing sa angkan ng mayayaman at kilalang pamilya hindi lamang sa kanilang bayan kundi pati na rin sa buong Pilipinas. Isang business tycoon ang kanyang ama habang ang kanilang ina naman ay tumutulong sa pagpapatakbo ng kanilang mga negosyo. Tatlo silang magkakapatid, dalawang lalaki at isang babae dahil sa siya ang panganay ay siya ang inaasahan ng pamilya na magpapatuloy at magpapatakbo ng kanilang negosyo, ngunit dahil sa pinili niyang kunin ang kursong Education sa halip na Business Ad ay alam niyang nadisappoint niya ang mga magulang niya hindi man ng mga ito sabihin sa kanya alam niya iyon dahil simula pagkabata ay lagi nitong sinasabi sa kanya na paglaki niya ay dapat daw ay sumunod rin siya sa yapak ng mga ito at kumuha ng kursong may kaugnayan sa pagnenegosyo. Ngunit dahil sa passion niya talaga ang pagtuturo ay sinunod niya ang sa tingin niya ay makapagpapasaya sa kanya. At heto na nga siya, after four years ng pagsusunog ng kilay ay agad siyang namasukan sa isang university sa kanilang bayan. Dahil na rin sa kilala ang pamilya at nagtapos ng cum laude sa isang prestihiyosong unibersidad ay agad siyang natanggap kahit kakatake niya lang ng LET at hindi pa lumalabas ang resulta nito. Papalitan niya ang isang instructor na ngayon ay kareresign pa lamang dahil kukunin na ito ng anak na nag migrate sa ibang bansa at doon na permanenteng maninirahan.

Agad siyang dumiretso sa loob ng building ng unibersidad na pagtuturuan niya. Ito ang unang araw niya sa pagtuturo at ayon sa guard na napagtanungan niya nasa silid na raw na pagtuturuan niya ang dean at hinihintay na lamang siya upang pormal na maipakilala bilang bagong instructor ng mga estudyanteng tuturuan niya. Lakad takbo ang ginawa niyang pagpanhik sa hagdan. Pagliko niya sa isang pasilyo ay nakarinig siya ng mga babaeng parang nag aaway.

"TANGA ka kasi! Ang bobo bobo mo !!basic pa lang naman yun di mo magawa !! Bakit pa kasi nakagrupo ka pa namin busabos ka na nga wala ka pang alam!!!"

Walang nagawa si Dawn kundi tahimik na umiyak habang nakayuko habang walang habas siyang nilalait ng mga kaklase niya sa ICT. Inaamin niya naman na wala talaga siyang alam sa mga ganoong bagay, ignorante siya sa mga makabagong teknolohiya pero walang karapatan ang mga ito na lait laitin siya.

Ano iiyak ka na lang diyan?! Lumaban ka lalo tuloy akong nanggigigil sa iyo pati grades namin nadamay dahil diyan sa kagagahan mo! Patuloy pa nitong panunumbat sa kanya.

Ng hindi pa rin nagsasalita si Dawn ay lumapit ito sa kanya at bigla siyang itinulak ng napakalakas, hinintay niya na lamang na tumama ang mukha niya sa sahig ngunit hindi nangyari ang inaasahan niya, sa halip kasi na sa sahig siya mag landing ay napasubsob siya sa dibdib ng isang matipunong lalaki,naamoy niya ang mamahaling pabango nito na nanunuot sa kanyang ilong na nagdudulot sa kanya ng magaang pakiramdam. Habang ang estrangherong lalaki naman na sumalo sa kanya ay nakapaikot ang mga bisig sa kanyang bewang. Nag angat siya ng paningin sa lalaking sumaklolo sa kanya ng bigla itong magsalita. Miss, are you okay?"

******

Hi po nagtry lang po ako gumawa ng story hehehe....undecided pa poh ang plot niyan kaya baka mabago siya or idelet ko....

Btw...advance happy bday mama dawn zulueta...love u poh.....

My Unfaithful ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon