BILANG pasasalamat sa kabaitan ni Richard ay tinupad ni Dawn ang sinabi niya dito na ililibre niya ito at ngayon nga ay nasa gilid sila g plaza kung saan maraming nakahilera ang nagtitinda ng iba't ibang uri ng street foods."Dawn what are we doing here?" Nagtatakang tanong ni Richard habang palinga linga sa paligid.
"Sir di ba sabi ko sa iyo ililibre kita bilang pasasalamat ko sa iyo sa lahat ng tulong at kabaitan na ipinakita mo sa akin?." Paliwanag ng dalaga kay Richard na parang hindi pa rin makapaniwala sa lugar na pinagdalhan niya rito.
"Yes I know that, but I thought that— ugh never mind!" Parang nag aalinlangan pang sabi nito na halatang pinutol kung ano ang gustong sabihin sa kanya at napasabunot na lang sa buhok.
"Sir naman eh parang ayaw mo namang kumain dito eh." Nagtatampong sabi niya sa binata.
Waring napansin naman ni Richard ang pagtatampo niya.
"All right let's eat here, but next time I will be the one to treat you and decide on where to eat okay?"
"Yehey salamat sir" Tara na po!" Masiglang yaya ni Dawn sa binata at hinila na ang kamay nito papunta sa mga nakahilirang street foods.
"Naku kung hindi lang kita mahal eh." Mahinang bulong ni Richard na narinig ni Dawn pero hindi niya naunawaan.
"Ano po yun sir?" Nakakunot ang noong tanong niya dito.
"Ahm wala sabi ko tara libre mo na ako nagugutom na ako eh."
AMINADO naman si Richard sa kanyang sarili na first time niyang makapunta sa mga ganitong lugar, dahil nga sa may kaya sa buhay ang pamilya ay hindi sila pinapayagan na magtungo sa lugar na gaya na lamang kung nasaan sila ngayon ni Dawn.
Kanina nga lang ay nag aalinlangan pa siya sa alok nito na kumain ng street foods, ngunit ng makita niya ang pinaghalong lungkot at disappointment na nakabakas sa mukha nito ay agad siyang napapayag nito na kumain doon para hindi na ito malungkot at masilayan niyang ulit ang maaliwalas na bukas ng mukha nito na isa sa mga nagustuhan niya dito.
Yes he admit the fact that he felt something special for her since the day he saw him crying in that four corners of that classroom and as the days and months passed by it becomes stronger, at ngayon nga ay hindi niya mapigilang maisatinig ang nilalaman ng puso niya mabuti na lang ay hindi nito naintindihan ang mga sinabi niya, kung may prinsipe lang siguro ang mga taong mahilig magpalusot ay siya na iyon.
"Sir ano gusto niyo dito? Dali po pili na kayo kahit ano diyan."
Napalunok naman si Richard ng makita ang nakahilerang iba't ibang uri ng street foods na hindi niya alam kung ano ang tamang itawag sa mga ito."Gaya na lang ng sa iyo." Napakamot na lang siya sa kanyang ulo.
Habang ang dalaga naman ay parang sa nay na sanay na itinuro ang mga gusto nito.
"Ate dalawa nga pong tig sampung kwekwek." Turo pa nito sa mga hugis bilog na kulay orange.
"Tsaka po tigdadalawang isaw, helmet, at buntot ng baboy samahan niyo na rin po ng maanghang na sawsawan at dalawang choco shake." Turo pa nito sa iba pang gusto nito. Habang inaayos naman ng tindera ang mga itinuro nito sa ihawan at nagblend ng order nitong shake.
Ng maluto at maiayos sa lalagyan ang mga pagkain ay siya na ang nagpresentang magdala ng mga iyon habang ang dalaga naman ang nagdala sa dalawang shake habang naghahanap ng bakanteng upuan sa plazang iyon.
Ng makakita ay agad nitong inilapag ang bitbit at komportableng naupo.
"Pasensiya ka na po sir ah, kung dito lang kita kayang ilibre, Tara na po kain na po tayo." Hinging paumanhin nito sa kanya sabay dampot ng kulay orange na nasa isang disposable na baso na tinawag nitong kwekwek kanina.
"Ano ka ba wala yun no, but can i have a favor from you?"
"Sure po basta yung kaya ko lang ah, ano po ba iyon?" Tanong nito sa kanya habang nginunguya ang kwek kwek.
Hababng siya naman ay nagdadalawang isip kung sasabihin ang nais niya at dumampot na rin ng kwek kwek.
"Masarap pala ito." Hindi mapigilang maibulalas ni Richard ng matikman ang kwek na nagpakunot naman ng noo ni Dawn.
"Seriously sir, parang ngayon lang kayo nakatikim niya ah."
Natahimik na lang si Richard sa komento ng dalaga dahil sa totoo naman talaga ang sinabi nito.
"Ano nga po pala yung favor na hihingiin niyo sa akin?"
"Pwede bang kapag nasa labas tayo ng school huwag ng sir ang itawag mo sa akin?"
"Bakit naman po?" Parang naiilang sa pinupunto ng usapan na tanong ng dalaga.
"And isa pa pala yang ka po-po mo sa akin, Dawn hindi pa naman siguro ako matanda sa paningin mo para gamitan mo ng po and were not even in school, so please stop calling me sir and dont also use the word po when we are outside the school premises, please let's be casual to each other were friends right, so please first name basis tayo kapag nasa labas ng school you can call me Richard or whatever you want huwag lang sir." Mahabang litanya ni Richard na nakapagpalapad ng ngiti ng kaharap.
Di mapigilang mapangiti ng malapad ni Dawn sa mahabang paliwanag ni Richard.
"Hay naku lo, nag english na naman po kayo nosebleed na naman po tuloy ako sa inyo." Biro niya dito ikinasimangot ng binata.
Agad naman na napansin ni Dawn ang pagkakabusangot ng mukha ng kaharap, na lalong nagpalapad ng mga ngiti niya.
"Hala napikon ka ata si-r ay este Richard pala, joke lang yun peace na tayo ha." Napapahagalpak pa ng tawa na sabi ni Dawn sabay peace sign kay Richard.
Napansin na lamang ni Dawn na parang natulala ang binatang kaharap na ipinagtaka niya, baka dahil sa pang aasar niya dito kaya natulala ito, kanina lang kasi ay nalukot ang mukha nito sa pang aasar niya dito tapos ngayon naman ay natulala at para malaman kung bakit ito natulala ay agad niyang niyugyog ang balikat nito at nagtanong.
"Richard okey ka lang ba?, May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan?, Uyy kausapin mo naman ako oh please lang." Tanong niya dito habang walang tigil sa pag yugyog sa balikat nito.
PARANG nahimasmasan naman sa pagkakatulala si Richard dahil sa mga yugyog ng magandang dalaga sa kanyang harapan. Alam niyang nagbibiro lang ang dalaga sa kanya kanina pero di niya maiwasang bumusangot ang mukha dahil sa biro nito. Pero nawala agad ang inis niya ng hindi na siya nito tawaging sir at gamitan ng po, na siyang dahilan kung bakit siya napatulala dito na waring hindi makapaniwala na tinawag siya nito sa pangalan niya.
Ng makabawi mula sa pagkakatulala ay agad siyang ngumiti ng matamis dito.
"Dawn pwede pakiulit ng sinabi mo? Pkease." Nangingiting pakiusap niya rito.
Habang ang dalaga naman ay napakunot ang noo at waring nagtataka kung bakit ganun na lang siya makangiti.
"Sabi ko kung ok ka lang ba natulala ka kasi kanina at parang hindi ka naman nakikinig sa akin eh." Tila nagtatampong sabi nito sa kanya.
"Sorry na, pero gusto ko ulit marinig yung tinawag mo sa akin kanina pwede pakiulit?"
"Ah yun ba, di ba yun yung gusto mong itawag ko sayo?"
"Oo naman gusto kong marinig ulit na tinatawag mo ako sa pangalan ko." Hirit niya pa sa dalaga habang inuubos ang chocolate shake sa baso, ngayon lang siya nakatikim ng mga street foods at ang totoo ay sobrang nasarapan siya sa mga ito kaya walang natira s mga inorder ni Dawn sa kanya.
"Sige na nga ang kulit mo din no, okey, Richard, Richard, Richard, pero dahil mahaba ang pangalan mo Chard na lang itatawag ko sayo." Paulit ulit na banggit ng dalaga sa pangalan niya.
Lalong lumapad ang ngiti ni Richard sa narinig, isa na ata ito sa mga pinakamasayang pangyayari na naranasan niya sa kanyang buhay, ang makasama ang taong palihim niyang iniibig dahil alam niyang hindi sila pwede, estudyante niya ito at siya naman ay professor nito.
BINABASA MO ANG
My Unfaithful Professor
FanfictionPaano kung mainlove ka sa isa sa mga estudyante mo? Ititigil mo ba ito o hahayaan mo na mas lumalim pa ang lihim mong pagsinta kahit alam mong sa huli ay siya rin ang masasaktan?.... A CharDawn Fanfiction