HALOS isang linggo na rin simula ng magturo si Richard sa eskwelahang pinapasukan niya at halos lahat ng estudyante ay nakagaanan niya na ng loob maliban kay Dawn na napansin niyang parating nakayuko at tahimik lang. Nag aangat lang ito ng tingin kung tinatawag niya ito at kung may pinapasagutan siya dito. Alam niya ang kilos nito dahil halos buong atensiyon niya ay nakatutok dito kahit pa nagtuturo siya, mabuti na lamang ay walang nakakapansing estudyante sa ginagawa niyang pagtitig kay Dawn di niya alam kung bakit parang minamagnet ang kanyang paningin papunta rito.Nang matapos ang klase nila at naglabasan na ang ibang estudyante ay agad niyang tinawag ang atensiyon ni Dawn habang nagliligpit ito ng notebook nito.
"Ahm Miss Dawn, Can I talk to you for a while?", agad namang nagsilabasan ang apat nitong mga kaibigan.
"Ah Dawn una na kami ah kita na lang tayo mamaya." Paalam ng mga ito bago tuluyang lumabas, tango na lamang ang naisagot ni Dawn sa mga ito.
"Tungkol po saan, Sir?" Takang tanong naman nito sa kanya.
"Di ba ikaw yung nasa hallway?"
"Ano pong nasa hallway?" Kunot ang noong balik tanong ng dalaga sa kanya na parang hindi nito alam ang tinutukoy niya.
"Yung binubully?" Dahil sa sagot na ito ni Richard ay naunawaan ni Dawn ang pinupunto ng usapan.
"Ah yun po ba? Naku wala po yun." Balewalang sagot nito sa kanya
"Dawn bullying is a serious matter, dapat nireport mo sila sa guidance counselor para hindi na maulit pa." Concern na paliwanag niya dito."Pag nireport ko po sila eh hindi na nila ako titigilan tsaka ok na po yun ako naman po may kasalanan eh."
"Bakit anong mabigat na kasalanan ang nagawa mo para tratuhin ka nila ng ganun?" Nacurious na tanong niya kay Dawn.
Nahihiyang napayuko na lamang ang dalaga sa tanong niya dito.
Sasabihin niya ba dito na kasalanan niya dahil tanga siya, na bobo siya? O dahil sa hindi siya marunong gumamit ng computer sa kadahilanang mahirap lamang siya at wala silang ganoon?.
Waring naramdaman naman ni Richard ang pag aatubili ng dalaga na magkuwento sa kanya.
"Ahm, Im sorry if you don't want to share it to me it's okay, Naiintindihan ko."
Doon napaangat ng tingin ang dalaga at parang nahihiyang nagsalita.
"Kasi po kagrupo ko sila sa computer subject ko na ICT, eh nagkataon pong wala akong alam sa mga control keys kahit nga po yung mga basics di ko alam eh kaya ayon ng may ipagawa at ipapapindot sa amin yung instructor namin mali mali yung napindot ko, ayon po galit na galit sila sa akin, ako daw po ang dahilan kung bakit ang baba ng grades namin sa ICT!" Puno ng hinanakit na kwento ni Dawn.
"Ano ka ba huwag mong masyadong damdamin yun wala kang kasalanan dun kaya nga tayo nag aaral para matuto di ba, just continue to learn and explore things around you, at the end of the day you will realized that you have learned something, committing mistake is just a part of life that makes us stronger and better person. Just keep practicing sabi nga nila practice makes perfect!" Mahabang litanya ni Richard kay Dawn gusto niya kasing mabawasan man lang ang dinaramdam nito.
Samatalang napapangiti na lang si Dawn dito."Grabe sir! Ang haba po nun ah, nosebleed po ako sa inyo." Nangingiting biro ni Dawn. "Pero sir, seriously, sobrang thank you po talaga sa pagsagip niyo sa akin muntik na po akong mapasubsob sa sahig noon kung hindi kayo dumating, tsaka po sa advice niyo ngayon sobra pong napagaan niyo ang loob ko."
"Ano ka ba wala yun, basta kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako."
"Salamat po tlaga sir, sige po mauna na ako." Paalam niya dito saka lumabas ng classroom.
Napatango na lang si Richard sa dalaga habang tinatanaw ang papalayong bulto nito.MAGAAN ang loob na lumabas si Dawn sa silid na iyon, bagamat labis siyang nagtaka na nailabas niya ang kinikimkim na hinanakit sa kalooban niya at take note sa isang tao pa na halos isang linggo pa lang niyang nakilala, hindi kasi siya basta basta nagkukuwento ng tungkol sa personal na buhay niya maliban na lang kapag ang mga magulang niya na ang nagtatanong mismo sa kanya, maging ang mga kaibigan niya ay hindi alam ang pinagdaanan niya, maging ang nangyari sa kanya sa pasilyong iyon ng eskwelahan ay hindi niya rin sinabi sa mga ito.
Pagliko niya sa pasilyo ay agad niyang natanaw ang mga kaibigin niya na prenteng nakaupo sa pahabang upuan katabi ng hagdan na bababaan niya. Pababa pa lang siya ng hagdan ay napapansin niya na ang kakaibang ngiti ng mga ito na ipinupukol sa kanya."Anong meron bakit ganyan na lang kayo kung makangiti at makatingin sa akin?" Kunot nuong tanong niya sa mga ito.
"Uyyy crush ka ni sir ano! Parang ang lakas ng effect mo sa kanya friend biruin mo pinaiwan ka pa niya para lang masolo ka grabe kinikilig ako!!! "
"Oo nga napapansin ko nga rin yang si sir kapag nagdidiscuss o kahit may ipinapagawa siya atin palaging sayo nakatingin! "
"Hala friend anong ginawa niyo ng kayong dalawa lang sa classroom?!!! "
"Nagkiss ba kayo? Ano malambot ba ang labi niya? masarap ba siyang humalik? Dali na friend kwento mo naman sa amin. "
Sunud sunod na tanong ng mga kaibigan niya sa kanya na may kasama pang tili at yugyog sa kanyang mga balikat.
"Teka nga kumalma nga kayo, grabe ang lawak ng mga imahinasyon niyo epekto yata yan ng kakabasa niyo ng mga romance novel eh. FYI lang ha pinaiwan niya ako sa classroom kasi may itinanong lang siya sa akin, tsaka kiss agad?!! Grabe kayo ang beberde ng mga utak niyo. " Kastigo niya sa mga kaibigan na agad namang nakapagpatahimik sa mga ito.
"Mabuti pa mag lunch na lang tayo, gutom lang yan kaya kung anu ano ang naiisip niyo. "
Habang nananghalian sila ay panay ang kwentuhan ng mga kaibigan niya, habang si Dawn naman ay tahimik lang na nakikinig sa mga ito.
"Mga friend alam niyo ba ang usap usapan sa buong campus? " tanong ni Lea sa kanila.
"Oo nga eh kalat na kalat na last week pa." Singit naman ni Ann Mary.
"Oo nga ano kayang pangalan ni ate girl? " Segunda naman ni Angel.
"Ang swerte ni ate girl noh, biruin niyo yun anak lang naman daw ng isa sa pinakamayamang bilyonaryo sa bansa ang nakasalo sa kanya mula sa pagkakabagsak sana sa sahig ng hallway.Di nga kilala si ate girl sa campus tsaka yung guy naman na sinasabing bilyonaryo eh parang binayaran daw yung mga nakakita sa nangyari para hindi siya makilala at pagkaguluhan dito sa campus, gusto ata nung guy ng privacy eh kaya ganun ang ginawa niya." Dugtong naman ni Ria habang si Dawn naman ay tahimik na nakikinig sa kanila.
Dahil sa pinag usapan ng mga ito ay biglang may kumudlit na alaala sa isipan ni Dawn. Ang araw kung saan pinagtulung tulungan siyang awayin ng mga kaklase niya sa ICT kung saan muntik na rin siyang mapasubsob sa sahig ng pasilyong iyon kung hindi lamang siya nasalo ng bago nilang professor ngayon.
"Hindi kaya yung nangyari sa amin ni Sir Richard ang pinag uusapan nila? Pero imposible naman ata yun bakit siya magtuturo dito kung bilyonaryo naman pala siya? Hay naku Dawn wag kang assuming diyan tsaka may bilyonaryo ba na magtatiyagang magtuturo dito kapalit ng kakarampot na kita? Hindi yun si Sir Richard! " Kastigo ni Dawn sa naiisip niya.
"Hoy Dawn! Nakikinig ka ba sa amin? Tsaka bakit kanina ka pa tulala diyan may problema ka ba?. " Untag ni Lea sa kanya.
"Wala naman mga friend may iniisip lang ako, sige kain na tayo. " Masiglang sagot niya dito dahil lahat ng atensiyon ng mga ito ay nasa kanya na. Iba din talaga ang mga kaibigan niyang ito halatang concerned sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Unfaithful Professor
FanfictionPaano kung mainlove ka sa isa sa mga estudyante mo? Ititigil mo ba ito o hahayaan mo na mas lumalim pa ang lihim mong pagsinta kahit alam mong sa huli ay siya rin ang masasaktan?.... A CharDawn Fanfiction