Kabanata 4

22 1 0
                                    

INIS na inis na nilamukos at tinapon sa sahig ni Dawn ang ipina photocopy niya sa subject nilang ICT, nasa isang vacant room siya ngayon kung saan dito na rin ang susunod na subject niya na Basic Math 3A, kahit kasi maisaulo niya ang Control and Command Key ng computer ay alam niyang babagsak pa rin siya pagdating sa application sa computer dahil hindi niya naman kabisado ang keyboard nito at wala naman siyang laptop o computer na pwedeng mapagpraktisan man lang sa bahay kung pupunta naman siya sa isang computer shop ay hindi niya rin kaya ang babayaran niya doon kahit sa isang oras lang sapat lang kasi sa pangkain at pamasahe ang ibinibigay sa kanya ng nanay niya. Naiiyak na napayupyop na lang siya sa armchair ng kinauupuan niya dahil sa labis na habag sa sarili.

MAAGANG pumasok sa eskwelahan si Richard, gusto niya kasing tapusin ang pag compute ng grades ng mga estudyante, malapit na ang deadline nito para sa midterm kaya medyo busy siya sa araw na iyon. Dahil alam niyang walang umuukopa sa room ng una  niyang klase para sa araw na iyon ay agad agad niyang tinahak ang pasilyo patungo roon. Nasa may pinto na siya ng mapansin niya ang isang estudyanteng babae na nakayupyop sa armchair ng upuan nito habang nagkalat ang buhok na nakatabing sa mukha nito.Naisipan niyang lapitan ang babae para tanungin kung okey lang ba ito. Hindi pa man siya tuluyang nakakalapit ay narinig niya na ang impit na hikbi nito. Napadako ang atensiyon niya sa isang bagay sa may paanan nito,  ang nilamukos na papel. Agad niya iyong pinulot at ibinuka iyon upang alamin ang nilalaman niyon.

"ICT Control and Command Key".

Mga salitang nabasa niya sa papel.

Bahagya pa niyang niyugyog ang balikat nito.

"Miss, okey ka lang ba?".

Doon ito nag angat ng tingin at parang gulat na gulat na tumingin sa kanya. Magulo ang may kahabaan nitong buhok na halos matakpan na ang buong mukha nito na hilam sa luha, halatang kagagaling lang nito sa pag iyak, ngunit magkaganun pa man ay hindi niyon nabawasan ang kagandahan nitong taglay.

Nang makabawi sa pagkagulat ay dali dali itong nagpunas ng mukha gamit lamang ang mga kamay, marahil wala itong dalang panyo, inayos rin nito ang magulong buhok sa pamamagitan ng pagsuklay ng kamay.

Agad niya naman itong inabutan ng panyo, kahit medyo nagulat din siya dahil si Dawn pala ang babaeng iyon. Atubili pa ito kung kukunin ba ang panyo o hindi.

"Sige na kunin mo na malinis yan."

"Salamat po sir." Nahihiyang inabot nito ang panyo at nag ayos ng sarili.

"May problema ba? Bakit ka umiiyak?".

Tinuro nito ang papel na hawak niya.

Napakunot naman ang noo ni Richard at binasa ang nilalaman ng papel.

"Naku ang dali lang nito A-Z Control Command sa computer, Bakit nahihirapan ka bang isaulo ito?"

"Kahit naman po maisaulo ko yan babagsak pa rin ako pagdating sa performance di ko kasi kabisado ang keyboard tsaka wala po kaming computer s bahay na pwede kong practisan, kung sa computer shop naman po di ko po yun kaya sapat lang po kasi sa pamasahe at pang kain ang ibinibigay ng parents ko sa akin eh."

Biglang may naisip na ideya si Richard na makakatulong sa dalaga.

"Ganito na lang, may laptop ako kaso nasa bahay pwede ko yun na dalhin dito, since vacant mo naman siguro pag ganitong oras and wala rin akong klase before your class sa BM3A pwede ko sayo ipahiram at tuturuan pa kita kung paano gamitin, kung okay lang sayo."

"Naku sir wag na po nakakahiya naman sa inyo."

"Dawn ano ka ba wala yun, I insist!"
Pero sir—

"Wala ng pero pero, Im your professor by the way and that's an order." Pagputol nito sa kung ano pa mang sasabihin ni Dawn.

Nahihiyang napatango na lamang ang dalaga kay Richard.

"By the way, where are you're friends? Bakit nag iisa ka yata dito?" Nagtatakang tanong ni Richard dito.

"Ahm may klase po sila ngayon, magkaiba po kasi ang sched namin sa English 3 kasi po late enrolee ako."

"Ah I see, thats good." Masiglang sabi ni Richard dito na ikinakunot ng nuo ng dalaga.

"Ano pong good doon?"

Dahil sa tanong na iyon ng dalaga ay parang ngayon pa lang rumehistro sa kanya ang sinabi niya dito.

"Shit Richard huwag mong ipahalata na gustung gusto mo siyang masolo." Sita ng isang bahagi ng utak niya sa kanyang sarili.

"Ahm wala yun, good kasi siyempre magkakaroon ka ng time na maka pagconcentrate sa pagkakabisado sa keyboard kasi walang kaibigan ang manggugulo sa iyo." Napapakamot sa ulo na palusot niya na lamang dito, kahit ang totoo ay gusto niya lang talaga itong masolo at makilala pa ng mabuti di niya alam kung bakit intresadong intresado siya dito.

Samantalang tango na lang ang naisagot ng dalaga sa kanya na parang hindi kumbinsido sa palusot na nahabi niya.

SIMULA ng araw na yun ay madalas ng magkita ang dalawa bago ang klase nila sa BM3 upang turuan si Dawn kung paano gumamit ng computer. Dahil na rin sa paggabay ni Richard ay nakabawi at tumaas ang marka niya sa subject na ICT.

Ngayon nga ay pareho silang nasa vacant room na iyon, si Richard habang nagtse check ng exams ng mga estudyante niya sa iba't ibang subject habang si Dawn naman ay kinakalikot ang laptop niya.

Paminsan minsan siyang napapasulyap dito at napapangiti, waring napansin naman iyon ng dalaga.

"Sir ah kanina ka pa pasulyap sulyap sa akin may dumi po ba ako sa mukha?" Pabirong tanong ni Dawn.

"Wala naman, ang sarap mo lang kasing titigan, nakakawala ng pagod." Nangingiting sagot ni Richard.

"Sus talaga si sir, ako pa talaga ang binola mo, siguro may pinopormahan ka no kaya ako ang pinagpapractisan mo." Kantyaw niya naman dito.

"Naku, wala ah, ikaw lang sapat na." Kunwari ay biro niya dito pero sa loob niya ay totoo iyon, because as the days and months passed by he realize that he is madly and deeply falling inlove with his student pero bilang isang taong may mataas na pinag aralan alam niyang bawal ang isang student-teacher relationship sa eskwelalan dahil nakasaad iyon sa batas hindi lamang ng eskwelahan kundi pati na rin sa batas ng pamahalaan, kaya pilit niyang iwinawaglit ang nararamdaman niya dito.

"Sir naman eh! Pero seriously po thank you sa lahat, sa pagpapahiram ng laptop kahit  pa apple ang tatak at pinakamahal pa ang laptop niyo ay pinahiram niyo pa rin ako at salamat rin po sa pagtya tiyaga niyong turuan ako, hindi po ako makakakuha ng mataas na marka kung hindi po dahil sa inyo."

"Ano ka ba wala yun it's my pleasure to help you!". Ang totoo kasi niyan ay sa lahat ng oras na tinuturuan niya ito ay aliw na aliw siya dito, parang may espesyal itong katangian na wala sa ibang mga babaeng nakakasalamuha niya, yung pakiramdam na parang ang bilis ng oras pag kasama mo siya, in short he likes Dawn inside and out.

"Ganito na lang po sir, meryenda tayo mamaya, treat ko pasasalamat ko na rin sa inyo, tsaka ano ba yang ginagawa mo at mukhang busy ka ata baka po may maitulong ako."

"Sure sabi mo yan ah!, eto ba mga test paper ng estusyante di ko pa tapos tsekan ang dami kasi eh."

"Alam mo sir akin na ang key to correction, tulungan na kita."
Magkaharap na nag tsek ng test paper ang dalawa habang masayang nag kukwentuhan. Dahil sa pagtuturo ni Richard kay Dawn ay mas naging malapit sila sa isa't isa.

My Unfaithful ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon