Kabanata 7

33 2 0
                                    

ARAY ko Dawn! Dahan dahan naman ang hapdi eh!" Reklamo sa kanya ni Richard habang ginagamot niya ang mga sugat at pasa nito sa mukha.

"Sorry na, ikaw naman kasi ayaw mong magpahospital kaya tiisin mo na lang ang hapdi." Hinging paumanhin niya dito  habang dahan dahang idinadampi ang bulak sa pumutok na labi nito at iniihipan para kahit papaano ay mawala pansamantala ang hapdi nito.

"Sus gasgas lang naman iyan hindi naman masyadong malala tsaka di ba sabi mo ikaw na lang ang gagamot sa akin at ipagluluto mo pa nga ako eh!." Mayabang na sabi nito sa kanya habang nakataas ang isang kilay at nakatitig sa kanyang mukha.

Nailang naman si Dawn sa uri ng pagkakatitig nito sa kanya kaya umiwas siya ng tingin dito. Pakiwari niya kasi ay parang matutunaw siya sa malalagkit na tingin nito sa kanya.

"Oo na po alam ko naman na kasalanan ko eh kaya sige na ipagluluto na kita." Tila napipikang sagot niya dito.

Nandito sila sa bahay ni Richard ngayon, pagkatapos ng nangyari kanina ay dito sila dumiretso nito gamit ang motorsiklo nito, ito ang nagmaneho habang siya naman ay nakaangkas dito at dahil sa hindi sanay umangkas ay napayakap at napasandal siya sa likod nito na ikinapitlag ng kanyang guro na waring nagulat sa inasal niya ngunit ng makabawi ay tumawa ito na parang tuwang tuwa ito sa kanya kaya di niya napigilang magtanong.

"Bakit parang tuwang tuwa ka pa yata diyan samantalang nabugbog na nga kayo?."

"I-ikaw kasi nakakatawa ka hahaha takot ka palang umangkas sa motor." Sabi nito habang parang pinipigilang hindi matawa.

Doon niya lang narealize na siya ang pinagtatawanan nito, tatanggalin niya na sana ang kamay niya mula sa pagkakayakap dito ng pinigilan siya nito ng isang kamay nito sa pamamagitan ng paghawak sa kamay niya.

"Dont—please let's stay this way for a while." Sabi nito habang lalo pang hinihigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya.

Kahit naiilang sa posisyon nilang iyon ay ipinagkibit balikat niya na lamang iyon at pinagbigyan ang gusto nito.
Hanggang sa huminto ang motor sa tapat ng isang magarang bahay malapit sa unibersidad na pinapasukan nila.

Agad siyang bumaba dahil sa kanina pa talaga siya naiilang sa posisyon nilang iyon, habang si Richard naman ay binuksan ang gate ng bahay at iginarahe ang motor sa harap mismo ng bahay.

Sumunod na lamang siya dito habang abalang iniinspeksiyon ang harap ng bahay. Natigil lamang siya sa ginagawa ng magsalita ang binata.
"Please come in." Sabi nito habang nakatayo sa tabi ng pintuan at nakahawak sa door knob ang kamay.
Agad naman siyang pumasok at umupo sa naroroong sofa.

"Ang laki at ang ganda naman ng bahay niyo, samantalang sa amin itong salang ito ay katumbas lang ng buong bahay namin." Namamanghang sabi niya habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ng sala.

"Ano ka ba hindi to sa amin no, I'm just renting this house, malayo kasi sa university ang bahay namin so para hindi ako ma late ay nag rent na lang ako ng bahay." Paliwanag naman ng binata, ang totoo kasi niyan ay simula ng makagraduate siya ay bumukod na siya sa magulang at dito niya nga napiling mangupahan habang naghahanap noon ng trabaho. Gusto niya rin kasing maging independent at maranasan ang pakiramdam na siya lang ang gumagawa ng sariling desisyon sa buhay niya. Dumadalaw naman siya sa mansiyon nila tuwing week ends dahil na rin sa hiling ng mga magulang niya.

Sa bahay na ni Richard inabot ng tanghali si Dawn ito rin ang nagluto ng tanghalian nila pagkatapos gamutin ang mga sugat niya.

Pagkatapos mananghalian at mahugasan ang pinagkainan nila ay nagpaalam ito sa kanya na uuwi na, dahil siguro sa nangyari kanina kaya hindi na ito pumasok sa klase nito.

"Ahm Chard una na ako ha, uwi na ako baka bukas na lang ako pumasok parang hindi ko kayang pumasok ngayon dahil sa nangyari kanina." Matamlay na paliwanag nito sa kanya marahil ay sariwa pa sa alaala nito ang mga nangyari kaya ganun na lang ang katamlayan nito.

"Hatid na kita." Sabi niya dito habang iginigiya ito palabas ng inuupahang bahay.

"Ano ka ba, huwag na kaya ko namang umuwi ng mag isa eh, Magpahinga ka na lang alam kong pagod ka dahil sa mga nangyari kanina."

"Ano ka ba I insist, paano kung maulit na naman yung nangyari sa'yo kanina at wala ako dun para iligtas ka?."

Napaisip naman si Dawn sa sinabi ng binata, dahil na rin sa sariwa pa sa alaala ang nangyari kanina at sa kakulitan ng binata ay napapayag siya nitong magpahatid dito.

"Diyan na lang sa may waiting shed Chard." Sabi niya dito habang tinatanggal ang helmet sa ulo.
Agad namang itinigil ng binata ang motorsiklo nito sa tapat mismo ng maliit nilang bahay at inalalayan siyang bumaba ng motor.
"Salamat pala sa paghatid at pagligtas sa akin kanina, utang na loob ko sayo ang buhay ko."

"Ano ka ba, wala yun kahit sino naman siguro gagawin din ang ginawa ko."

"Sige una na ako ha! Salamat ulit, tsaka ingat ka sa pag drive." Paalam niya dito. Tatalikod na sana siya ng tawagin siya nito.

"Dawn! Teka lang! Sandali! Hindi mo man lang ba ako patutuluyin diyan sa bahay niyo?" Kakamut kamot sa ulong tanong nito sa kanya.

Agad namang nagdalawang isip si Dawn kung patutuluyin niya ito sa kanilang bahay inaalala niya rin kasi kung baka ano na lang ang masabi sa kanila ng kanyang nanay, unang beses pa lang kasi itong may naghatid sa kanya at isang lalaki pa baka mapagkamalan pa ito ng nanay niya na boyfriend niya.

"Ahm, anu kasi– kasi Chard, hindi anu," pautal utal at nag aapuhap ng idadahilan sa binata na sagot ni Dawn.

"It's okay Dawn, I understand sige mauna na ako." Malungkot na paalam nito sabay talikod sa kanya.

Hindi pa man ito tuluyang nakakalayo sa kanya ng biglang may magsalita mula sa kanyang likuran.

My Unfaithful ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon