MAAGANG pumasok si Dawn sa araw na iyon, may project at takdang aralin kasi siya na kailangang tapusin, at dahil wala siyang pambili ng sariling libro ay kailangan niya pang pumunta sa library para makahiram ng libro na gagamitin sa paggawa ng project at assignment.
Paakyat na siya sa ikaapat na palapag ng gusali ng makasalubong ang grupo ng mga lalaking estudyante na kilalang mga siga siga at badboy ng eskwelahan.
Hindi niya pinansin ang mga ito kahit ang totoo ay takot siya sa mga ito, nakayukong naglakad siya ngunit ng makasalubong siya ng mga ito ay binati siya ng pinakaleader ng grupo.
"Hi Miss Beautiful!" Bati nito sa kanya habang pinapasadahan ng tingin ang buong katawan niya, takot dito ang mga estudyante hindi lang dahil sa maaangas at siga ang mga ito, usap usapan din kasi na kabilang daw ang mga ito sa isang grupo ng mga sindikato na gumagamit at nagsusuplay ng droga sa mga kabataang estudyante sa unibersidad nila.
Kahit ang pamunuan ng eskwelahan ay alam ang likaw ng bituka ng grupo ng mga ito ngunit dahil takot rin ang mga ito sa maaaring gawin ng sindikato ay nanahimik at nagbulag bulagan na lang ang mga ito.
Nanindig ang balahibo ni Dawn dahil sa paraan ng pagbati at pagpasada ng tingin nito sa buong katawan niya.
Tahimik na lalampasan niya na sana ang mga ito ngunit agad na naharangan siya ng mga kasama nito.
"Boss ayaw yata tayong makasama ni Miss Beautiful." Singit ng isa sa mga kasamahan nito habang wala pa rin siyang kibo.
Agad naman nagsipagtawanan ang iba dahil sa sinabi ng isa sa mga ito."Ano ka ba Brandon nagpapakipot lang itong si Miss Beautiful." Sabi nito habang nakangisi sa kanya.
Tatalikod na sana siya sa mga ito ngunit nahablot ng pinakaleader ng grupo ang kamay niya."Uyy easy hindi pa tayo tapos, come with us we will bring you to heaven." Parang baliw na yaya nito sa kanya na ikinalakas ng tawa ng mga kasamahan nito.
Luminga linga siya sa paligid ngunit sa kasamaang palad ay walang ibang tao ang dumaraan doon bihira lang kasing may magpuntang estudyante sa library.
"Ano ba bitiwan niyo nga ako! Hindi ako sasama sa inyo." Protesta niya habang pumapalag sa pagkakahawak nito.
"Aba boss pumapalag." Sabi ng isa na ikinatawa ng lahat.
"Mukhang palaban boss mahihirapan tayo diyan." Singit naman ng isa na sanhi para magtawanan na naman ang mga ito.
"Huwag kayong mag alala kapag natikman na nito ang langit siguradong hindi na ito papalag baka nga ito na mismo ang mag request eh, di ba Miss Beautiful." Sabi ng leader ng mga ito sabay halakhak ng malakas.
"Bitawan mo sabi ako eh!" Palag ni Dawn sa nakahawak sa kamay niya at biglang kinagat ito. Agad naman siyang nabitiwan nito at kakaripas na sana ng takbo ng mahawakan siya sa damit ng isa sa mga ito. Tsaka siya pinaharap nito sa pinaka leader ng grupo.
"Ang lakas ng loob mong kagatin ako ha! Tapos tatakas ka pa, ito ang sa'yo!" Bulyaw nito sa kanya at galit na galit na sinikmuraan siya.
Napaigik na lamang si Dawn dahil sa sobrang sakit na naramdaman pagkatapos tumama ang kamao ng walang awang lalaki sa sikmura niya.
"Dalhin niyo na yan at ng makabawi na ako sa pangangagat niyan sa akin." Narinig niyang sabi nito sa mga kasama habang unti unting dumidilim ang kanyang paligid.
Nawawalan na ng pag asa si Dawn sa kamay ng mga ito tanging sa panginoon na lang siya umaasa na sana ay may tumulong sa kanya kahit alam niyang imposibleng mangyari iyon.
KAPAPARK pa lamang ni Richard ng motor na gamit niya ng mapansin ang isang grupo ng mga estudyante na parang hindi mapagkakatiwalaan base na rin sa itsura ng mga ito. Agad na napukaw ng atensiyon niya ang karga ng isa sa mga ito na walang malay na babae. Hindi niya man makita ang mukha nito dahil sa nakaangulo ang mukha nito sa dibdib ng lalaki ay parang kilala niya ito dahil sa hubog ng katawan nito at base na rin sa malakas na tibok ng puso niya sa tuwing makikita ang babae.

BINABASA MO ANG
My Unfaithful Professor
FanfictionPaano kung mainlove ka sa isa sa mga estudyante mo? Ititigil mo ba ito o hahayaan mo na mas lumalim pa ang lihim mong pagsinta kahit alam mong sa huli ay siya rin ang masasaktan?.... A CharDawn Fanfiction