Kabanata 2

35 0 0
                                    

PAGKAKITA ni Richard sa isang grupo ng mga estudyante na parang may pinagtitripan na kaklase ay saglit siyang tumigil sa di kalayuan sa mga ito. Nakita niya ang isang babaeng nakayuko at medyo magulo ang ayos ang napapagitnaan ng mga ito, parang tahimik na umiiyak ang babae base na rin sa pag alog ng mga balikat nito. Sa naobserbahan niya ay parang pinagtutulungan ito ng mga kaklase nito. Maya maya ay nakita niyang itutulak na ang kawawang babae ng isa sa mga bully nito kaya hindi na siya nakapagtiis na manood lamang, dali dali siyang lumapit sa mga ito at niyakap ang kawawang babae upang hindi ito tuluyang mapasubsob sa sahig. Muntik pa silang mabuwal na dalawa kung hindi niya naibalanse ang kanyang katawan, samantalang ang mga nambully dito ay nagulat pagkakita sa kanya at dali daling nagsialisan.Dumaan ang ilang minuto na tahimik na nakasubsob lamang ito sa kanyang dibdib. Ng hindi na siya makatiis sa pananahimik nito ay siya na mismo ang bumasag sa kanilang katahimikan.

"Miss, are you okay?". Doon lamang ito nag angat ng tingin sa kanya at awang ang mga labing nakitingin lang sa kanya. Sa tantiya niya ay nasa dalawa hanggang apat na taon lamang ang pagitan ng mga edad nila.Bata pa siya sa edad niyang 21 at maaaring nasa 17 pataas na ang edad ng babae.Makinis ang mukha nito, at nagtataglay ng hindi gaanong makakapal na labi na parang makopa sa natural nitong kapulahan, mahahaba rin ang pilik mata nito na binagayan ng medyo may kalakihan nitong mga mata na nagbigay dito ng parang inosenteng dating at ang ilong nitong sobrang tangos na lalong nagpatingkad sa kagandahan nito na aakalain mong anghel ang nasa harapan mo kung hindi lang sa magulong buhok nito. Ng mapagtanto ang ginagawa niyang pag obserba sa mukha nito ay parang natauhan siya, mabuti na lang ay tulala pa ring nakatitig sa kanya ang babae kaya tinanong niya ulit ito.

"Miss, okay ka lang ba?, wala bang masakit sayo?"

Doon niya napukaw sa pagkakatulala ang babae at namumula itong napayuko.

"Oo, okay lang ako, salamat pala sa pagsalo sa akin kung hindi dahil sayo baka basag na ang bungo ko ngayon. Sige alis na ako late na ako sa next subject ko eh" Agad na tumalikod ang babae at dali daling umalis matapos na magpasalamat sa kanya habang siya naman ay wala ng nagawa kundi tanawin ang papalayong babae kahit gusto niya pa sanang makipagkilala dito, ng mawala ito sa kanyang paningin ay saka niya naalala kung bakit siya naroon sa lugar na iyon.

"Shit"
Tumingin siya sa kanyang relo.

"15 minutes late na ako!", dali dali siyang naglakad papunta sa direksyong tinahak ng babae kanina.

PAGDATING ni Dawn sa classroom kung saan ang subject niyang Math ay naabutan niya ang dean nila sa halip na ang instructor nila sa subject na ito. Nagbigay galang siya dito at humingi na rin ng paumanhin sa pagiging late niya at nagtatakang umupo sa bakanteng upuan katabi ng apat niyang kaibigan. Pasimple at pabulong siyang nagtanong sa mga ito.

"Uyy bakit si Dean ang nandito?Nasaan si Mam Manlangit?"

Sasagot na sana si Ann Mary na katabi niya lamang ng biglang may kumatok sa pinto. Lahat ng tao sa silid na iyon ay napabaling ang tingin sa tapat ng pintuan. Gulat na gulat na napatingin si Dawn sa taong nakatayo mismo sa harap ng pintuan.

"Transferee siguro ito at kaklase namin sa Basic Math."  Naisip ni Dawn.
Napukaw lamang siya sa malalim na pag iisip ng magsalita ang Dean of Education nila.

"Okay class, again good morning! I'm here to tell you something, you're instructor in this subject,Mrs. Manlangit has resigned due to this matter I am glad to present to you you're new instructor in this subject."

Tumingin muna ito sa may pintuan bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"Mr. Gomez please join me here and introduce yourself to them."

Ng makalapit ito ay saglit na nag usap ang dalawa at agad na ring nagpaalam sa kanila ang dean.

Samantalang umugong naman ang bulung bulungan ng mga estudyante  sa silid na iyon. Natigil ang lahat ng magsalita ang lalaking tinawag ng dean na Mr. Gomez.

My Unfaithful ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon