"Oh Dawn, anak napaaga ata uwi mo ngayon wala ka na bang klase? Tanong nito sa kanya sabay sulyap nito ng tingin sa kakatalikod pa lamang na si Richard.Hindi pa man siya nakakasagot ay nagtanong na naman ito, "Sino yung kasama mong naghatid sayo boyfriend mo ba yun?Dawn naman eh di ba sabi ko sayo wala munang boyfren boyfren huwag ka ng gumaya sa mga ate mo alam mo namang ikaw na lang ang inaasahan ko eh! Mahabang litanya nito sa kanya.
Tila naeeskandalong nag angat ng tingin sa ina si Dawn na halatang namumula ang mukha dahil sa pinagsasasabi ng nanay niya tiyak na narinig ito ng binata dahil hindi pa naman ito tuluyang nakakalayo.
"Ma naman eh, pwede po bang pagsalitain niyo muna ako grabe yung tanong niyo eh sunud sunod ni hindi ako makasingit para magpaliwanag at tsaka pwede po bang doon na lang tayo sa loob mag usap nakakahiya sa mga kapitbahay ang lakas pa naman ng boses niyo." tila naiiritang sabi niya sa kanyang ina sabay lingon sa papalayong motor ng binata.
Ng makapasok sa bahay ay agad na nag usyuso ang ina "Dawn diretsahin mo nga ako, sino yung lalaking naghatid sa iyo boyfren mo ba yun?" tanong nito sa kanya habang tila problemadong nakakunot ang noo.
Kahit namumula ang mukha dahil sa pinagsasabi nito ay agad siyang sumagot. "Ma hindi ko po boyfriend yun di po ba nangako ako sa inyo na magtatapos ako ng pag aaral at iaahon ko pa kayo sa hirap bago mag-boyfriend———
Hindi pa man siya nakakatapos magsalita ay sumingit na naman ito sa kanya. "Kung ganun sino yung lalaking kasama mo at bakit ka niya hinatid dito?"
Hindi malaman ni Dawn kung sasagutin ang tanong ng ina, kung sasabihin niya kasi ang rason kung bakit magkasama sila ni Richard ay tiyak na mag aalala lang ito sa kanya kaya sa mahabang sandali ay namayani ang katahimikan na agad na binasag ng kanyang ina.
"Ano tinatanong kita! Sumagot ka naman!"tila naiinis na turan nito.
"Ma ano kasi——ahm ano poh—nauutal na di mawari kung sasabihin ba sa ina ang kamalasang nangyari sa kanya hanggang sa napahagulhol na lamang siya ng maalala na naman ang nangyari sa kanya sa araw na iyon.
Doon tuluyang lumambot ang ekspresyon ng mukha ng nanay niya at kaagad siyang nilapitan sabay hagod sa kanyang likod.
"Dawn may problema ka ba, ano nabuntis ka ba ng lalaking iyon kaya ka nagkakaganyan?" eksaheradang tanong ng nanay niya ngunit bakas pa rin ang pag aalala para sa kanya sa tinig nito.
"Ma naman eh! Hindi po—kasi po ma muntik na po akong—" hindi niya na naman natapos ang sasabihin dahil napahagulhol na naman siya dahil sa nangyari sa kanya.
"Dawn! Sabihin mo nga sa akin ano ba talagang nangyayari sayong bata ka?!" tila hindi na nakapagtimpi ang nanay niya at nasigawan na siya.
"Muntik na po akong ma gang rape ma!" hindi na napigilang bulalas ni Dawn habang patuloy sa pagbuhos ang masaganang luha sa kanyang pisgi.
Tila gulat na gulat naman ang kausap sa isiniwalat niya dito wala itong maapuhap na salita at tanging pagbuka't sara lang ng bibig ang nagawa.
Kaya ipinagpatuloy niya ang sinasabi, "dinukot po nila ako ma at muntik ng gahasain! At yung lalaki pong pinaghinalaan niyo na boyfriend ko't nakabuntis sa akin ay siya lang namang nagligtas sa akin at hindi ko rin po siya boyfriend ma teacher po siya sa school at estudyante niya ako!" puno ng luha na paliwanag ni Dawn sa ina.
Tila doon lang nakahuma ang ina mula sa pagkakatigalgal "Sorry anak hindi ko alam patawarin mo si mama kung nahusgahan agad kita at yung instructor, mo okey ka na ba? Naku dapat pala tayong magpasalamat doon sa sir mo bakit hindi mo man lang pinatuloy sa bahay natin at ng napasalamatan ko naman sa kabutihang ginawa niya?!"
"Ma alam kong ganun ang magiging reaksiyon niyo, alam kong mag iisip kayo ng hindi maganda kapag pinatuloy ko siya dito, tsaka nahihiya rin ako sa kanya pag pinatuloy ko siya dito sa bahay natin."
"Anak naman eh, maiintindihan ko naman kung ipapaliwanag mo sa akin kung bakit mo siya kasama, ang ayaw ko lang yung maglilihim ka sa akin. Sige ganito na lang para makabawi tayo sa kanya sa kabutihang ginawa niya imbitahin mo siya dito sa bahay at ipagluluto natin siya."
"Ma hindi ba nakakahiya naman ata sa kanya eh ang liit lang ng bahay natin eh tsaka baka hindi po siya sanay sa ganitong lugar?"
"Naku anak eh kung mayaman jan yun hindi na yun magtuturo sa eskwelahan niyo kaya okay lang yan, imbitahin mo siya dito sa bahay bukas bilang pasasalamat na rin natin sa kanya."
Wala ng nagaw si Dawn kung hindi ang tumango na lamang sa ina kung siya lang ang masusunod ay ayaw niya sana sa ideya ng ina ngunit dahil sa mapilit ito ay sumang ayon na rin lang siya.
Kanina pa nakahiga si Richard ngunit hindi siya dalawin ng antok sa tuwing ipipikit niya kasi ang mga mata niya ay nakikita niya ang mukha ni Dawn at naalala niya kung paano nagkulay kamatis ang mukha nito ng mapagkamalan siyang boyfriend ng nanay nito hindi pa siya nakakalayo noon ng magtanong ang nanay nito na ikinalingon niya sa mga ito at kitang kita niya ang pamumula ng mukha ng dalaga na lalong nagpatingkad sa kagandahang taglay nito hindi niya tuloy maiwasang hindi mapangiti dahil sa alaalang iyon.
Gusto niya sanang tumuloy sa bahay nito at makilala ang miyembro ng pamilya nito ay hindi niya na ipinaggiitan pag nirerespeto niya ang desisyon ng dalaga kahit pag may munting kirot siyang naramdaman sa kanyang dibdib. Ewan niya ba hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya sa tuwing nakikita niya kasi ang dalaga ay parang buo na ang araw niya, ito lang din ang bukod tanging babae na makakapagpangiti sa kanyang di niya alam kung bakit nakakaramdam siyang ganoon at kay Dawn pa. Magaan din ang loob niya dito sa unang sulyap niya pa lang kay Dawn at banyaga sa kanya ang mga nararamdaman niya sa dalaga dahil unang beses na nangyari ito sa kanya lalo na ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso kapag nakikita niya ito.

BINABASA MO ANG
My Unfaithful Professor
FanfictionPaano kung mainlove ka sa isa sa mga estudyante mo? Ititigil mo ba ito o hahayaan mo na mas lumalim pa ang lihim mong pagsinta kahit alam mong sa huli ay siya rin ang masasaktan?.... A CharDawn Fanfiction