2

21 0 0
                                    

Masaya akong pumunta nang classroom. Ahehe. Sana magkita uli kami ni kuya pogi.

Naaalala ko pa kung ano yung itsura niya. Maputi, matangos, makapal ang kilay, mukhang badboy na mabait. Yung tipong -ayiieee! Basta alam niyo na iyon!

Pagkapasok ko, umupuo na ako sa seat ko at napatingin sa katabi ko. 

Vincent Leo Theodoro Maximo Juani- Ay napasobra na pala.

School hearttrhob, babaero, jerk, at kung ano ano pa. Yung mga cliche na description nasa kanya nang lahat, simot walang palya.

Napairap na lang ako nang lihim. Jusko po! Salamat at magsesem break na. Ikaw ba naman laging makakita nang naglalampungan. It's like everyday  'single-ka?-mamatay-ka-sa-inggit'

Yumuko na lang ako at sinuot yung earphones ko.

Unang kanta, here's to the heartbreaker.

Pangalawa, jar of hearts.

Pangatlo, pansamantala. Hayss. 

Akala mo naman heartbroken, eh wala ngang lovelife...

Napatigil lang ako sa pakikinig nang may narinig akong hiyaw mula sa katabi ko. Siguro may dumaan na chics. Nevertheless, tumingin pa rin ako. 

Tumingin ako sa labas pero ala naman akong -ehem- nakitang maganda.  Oo na, nagsalita. 

Babalik na sana ako sa pagkakayuko, kayalang bigla na lang umuga nang malakas yung upuan ko, muntikan na tuloy akong mahulog.

Kunot noo akong tumingin sa likod ko at,        gosh! 

Si kuyang pogi! 

Goodness, ang wapoise ko pa naman kasi sabog yung buhok ko galing sa pagkakayuko.

" Uhm, sorry miss " nawala yung inis ko at napalitan nang hiya at kilig.

Inayos niya yung upuan ko dahil medyo lumihis at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. 

Balak ko sanang tanungin siya kung anong ginagawa niya pero naunahan na ako nung isa ko pang katabi.

" O Lean, anong ginagawa mo dito? " presko niyang tanong habang nakaakbay dun sa isang babae. Kilala ko ito eh, si girl of the week. Akala niyo kilala ko talaga noh? Ahehe. Well, kilala ko talaga, transferee, Leah Avendano. Siyempre maganda, sexy, -insertclichequalities-

" Sit in lang. " simple niyang sabi. Jusko, kailan ko pa naging hobby makinig sa usapan nang may usapan? Ngayon lang. 

Move on na ako sa'yo Wade, naiinlabs na ata ako ka- uh, kay kuyang pogi. Ang lalim nung boses niya, bagay sa bad look niyang itsura. 

" Pakilala mo naman ako sa kaniya babe" malambing na sabi ni Leah.

Kahit nakayuko lang ako, nafiffeel ko ngang nakalimutan na ni Vince si Leah. Siguro nga close silang dalawa ni kuyang pogi, ang damii nilang usap eh. Okay lang, ang gwapo naman kasi nung boses ni kuyag pogi.

" Ah! Nga pala, Lean si Layla, La- " napaangat ako nang tingin nang nagsabi nang maling pangalan si Vince. Jerk talaga.

Bored akong tumingin sa nag-aalburotong mukha ni Leah na nagwalk-out. Sanay na ako sa ganitong eksena, sa dami ba naman niyang babae.

" Anong nangyare dun? " tanong ni Lean.

Nakaharap ako ngayon kay Vince na nagpipgil nang tawa. 

" Hindi naman kasi Layla, pangalan niya eh. Si Layla,last week pa yun." ngayon naman ay nagpupunas na siya nang luha.

" Ayaw kang tantanan? " alam niyo yung this awkward moment na nasa gitna ka nang dalawang nag-uusap. 

" Yup." yabang.

" So what's her name?" kinuha ko yung cellphone ko for props. 

" Dianne " pfft! asshole.

Nakita ko naman sa peripheral vision ko na tumango tago si Leanmylabs. Siguro hindi niya talaga kilala yung girl.

" Guys, ala daw si prof. wala ring binigay na assignment! " sigaw nung isa naming kaklase.

Inayos ko na yung gamit ko at gusto ko nang pumunta sa cafeteria. Kumukulo na tiyan ko kanina pa, hindi ko lang pinansin kasi chumichismis pa ako. (>_>)7

At dahil nga hindi ako makaharap kay Leanmylabs  -kilig + hiya-  puro si Vince nakikita ko.

Mukhang may malalim na iniisip toh ah. 

" Katy? Laura? Lei? Sh*t " bulong niya na dinig ko naman.  Siguro inaalala niya yung pangalan ni girl. tsk.

Buti pa ako, ako na nakasaksi nang kalandian niya, kabisado lahat nang naging babae niya. Paano ba naman, puro popular, kung may  medyo di sikat man, maganda pa rin.

" Vince" napaharap siya sa akin " Leah, Leah Avendano"

Tapos tumayo na ako at umalis. Pero Napatigil ako sa pinto nung narinig ko yung boses niya.

" Ah! Oo nga pala. Thanks Nikki! " 

Rather BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon