3

20 0 0
                                    

A/N : hindi ko po alam ang pinagsusulat ko tungkol sa college. Sinearch ko lang yan.

~~~~~

'Thanks Nikki Thanks Nikki Thanks Nikki' 

Asaaar!!!

I have a confession to make.

Crush ko si Vince.

Crush ko dati si Vince.

Last year ko siya nakilala.  Magkaklase kami sa college math. Eh medyo sabit ako dun, tapos siya mr. knows it all,  kaya nagpaturo ako sa kanya. Yun yung time na hindi ko pa alam na popular siya. Basta ang alam ko lang, mabait, gwapo at matalino siya.

Then the next thing I know, gusto ko na siya. Masaya ako kapag kasama siya, kahit puro sakit sa ulo ang napag-uusapan namin.

Marami rin akong naririnig na rumors tungkol sa kanya pero isinawalang bahala ko. It's just, masyado akong nakulong sa stupid kong idea about him. Hindi rin naman kasi ako malisyosong tao. 

Pero lahat nang bagay may hantungan. Just like my idea of him. 

Pero take note unrequited pa rin yan. Oo na, ako na kawawa. Kaya kung may expert man sa unrequited chu chu na yan, ako na yun.

So, simula nang naliwanagan na ako, lumayo na ako. And dun ko nakita yung flaws. Nawala yung feelings. Moved on. End of story.

At dahil sa nagkwento ko ay nagcrave tuloy ako sa ice cream. Ahehe. 

Pumunta na ako sa pinakamalapit na parlor shop, umorder tapos umupo. Buti na lang pala medyo mainit kaya binilisan ko yung paglakad, kundi baka wala na akong naupuan. @_@''.

Nangangalahati na ako nang ice cream nang nakita kong pumasok si... Leanmylabs!

Nagkunwari akong may tinitignan sa cellphone. 

Ayiiiee!

Lihim rin akong tumitingin sa kanya, kaya bigla yung kaba ko nang nilibot niya yung tingin sa buong lugar at nagkatitigan kami.

Dali dali akong tumingin sa cellphone ko at may pinagpipindot pindot pero dahil sa panginginig nang kamay ko, sa kilig at kaba, nabitawan ko iyon at nahulog sa sahig.

Sh*t!  Turn off!

Ahuhu. Nakakahiya, nagkatanggal tanggal kasi tapos pinagtitinginan pa ako nang ibang tao.

 Waaaah! Kill me now!

Nakayuko lang akong inaayos yung phone ko, nakakahiya, nakakahiya, naka-

" Nikki, right? " tumingala ako at nakita ko si Leanmylabs. Mabilis naman akong tumango.

Goodness! Buti pala ay nagpolbos ako kanina. 

" Can I seat with you? " anoraw? can he? 

" Kung ayaw mo okay lang " hindi ko namalayang matagal na pala akong nakatitig sa kanya.  Napapikit ako nang madiin at sinenyasan siyang umupo na.

" Sorry, stressed lang " pagdadahilan ko na medyo totoo rin naman.

" Don't worry and by the way, thanks " dream come true! Letse, makwento nga ito kay Trina mamaya with matching hampas hampas pa!

Ngayon lang ako nagpapasalamat na mabagal akong kumain, walang halong landi. 

Medyo tahimik pala siya kaya medyo awkward din pero keri lang.  Halos sabay rin kami natapos kumain, tapos magkasabay din kami maglakad pabalik sa university. 

Pero dahil pedia yung kinukuha niya -natanong ko lang kanina- naghiwalay din kami nang landas. Bakit kasi ang layo nang building nang medicine students?

Hihi, ang gwapo niya sigurong pediatrician. Tapos yung mga anak namin, pagnagkasakit siya na bahala. Ehehek!  

Rather BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon