4

19 0 0
                                    

Masaya ulit akong pumunta sa next class ko. Well, alam niyo naman kung bakit. 

 

Kung noon ay nagpapasalamat ako na malapit na magsembreak, ngayon ay looking forward akong matapos ang sembreak.

 

Bukas ay simula na ang sembreak, ano ba naman ang 1 buwan. 

 

Medyo may nagtatanong rin sa aking mga kaklase kung bakit ang saya ko raw, dahil daw ba magsesembreak na chu chu. Hindi ko naman masabing inspired lang, charot! 

 

Though, enjoy naman talaga ako sa course kong interior designing, iba pa rin pag may crush ka ulit, and I can feel the improvement, una sa parlor shop, tapos konting closeness pa, sabay na kami maglulunch o kaya kung kaylan kami parehong free!

 

Advance ba? Ahehe.

 

 

~~~

 

 

Tapos na lahat yung classes ko, pero kahit medyo maaga pa, kaylangan ko nang umuwi dahil mag vevecation kami. Mamayang gabi yung alis namin, then mga pitong oras sa biyahe, tapos magbabarko.

 

Wala tuloy akong time istalk si Leanmylabs. Yung pupuntahan pa naman din namin isla, yun ay ayon sa pagkakaintindi ko kay mommy. Sana naman may wifi. 

 

Pagkadiretso ko sa bahay, ay ayos na ang gamit namin. Excited kasi si mommy, last week niya pa pinaayos sa amin yung gamit namin. Hindi rin naman namin siya masisi kasi, after a long long time ay magkikita kita ulit silang magkakaibigan, siyempre kasama nang pamilya rin nila. 

 

Mamaya maya rin ay pupunta na ang mga kaibigan ni mommy, at kami ang huling susunduin.

 

" Ma, si daddy? " tanong ko. 

 

" Nasa site pa pero sabi niya, pauwi na rin siya " napangisi at iling na lang ako. Paraparaan, sureakong ayaw niya lang maglinis nang bahay dahil isang buwan din kaming wala.

 

Engineer si daddy, tapos si mommy naman arcitect, kaya marami rin ang nagsasabi na it runs in our blood. Mayroon rin akong kuya, landscape archi naman kaya lang nasa ibang bansa kaya hindi makakasama. Namimiss ko na tu- Bweeeck! Namiss ko lang yung corni jokes!

 

Tapos na kami nang dumating si daddy, tumingin tingin pa siya sa paligid. " Linis na lahat de " de as in daddy. Napabuntog hininga siya kaya sabay kaming napatawa. 

 

Sumalampak ako sa sofa, nakakapagod. Hinihintay ko pa si mommy matapos maligo tapos ako naman. Nakakahiya rin naman sa kanila kung amoy pawis ako. 

 

 

~~~

 

 

" Ay naku, mare ang ganda naman pala nang bunso mo "  =_= bata pa lang ako, madalas na nila akong binobola. Pero infairness, dati kasi, may kasama pa yang  'ito na ba si nikki? naku kay gandang bata, ang lusog lusog!' tapos pipisilin pa yung braso ko.

 

" Siyempre! Ano anak?" napatawa na lang ako.

 

 Ayun nagkamustahan lang sila bago naisipang mauna na.

 

Bangag akong sumunod kay mommy - time check: 11 o'clock - pero nagulat ako nang nilapit niya ako dun sa isa pang van. bale dalawang van kasi yun dala nila.

 

" Jan, anak, yung mga bata. Doon sa kabila ang sa amin. Kaylangan makipagbonding ka rin sa kanila " tumango na lang ako kay mommy tapos bumeso, basta gusto ko na lang umupo at matulog.

 

Pagkapasok ko ay  dun na lang sa dulong part may pwesto. Manganakataklob narin yung mga mukha nila, siguro natutulog na. Kaya pala sila tita na lang yung mga bumaba.

 

 Tumabi ako dun sa isang lalaki, kahit na nakatklob yung mukha niya sureness naman ako dun, sa body built pa lang mukhang yummy na eh. Kaya lang, may Leanmaylabs na ako! 

 

Pero feeling ko sweet toh, kasi may nakahiga sa lap niya na cute na babaeng bata.

 

Ano ba yan, uupo at matutulog na nga lang ang dami ko pang iniisip. O-kay! 

 

 

~~~

 

 

Nagising na ako pero hindi pa rin ako dumidilat. Yung feelin na gusto mo paring matulog. 

 

Nafifeel ko na rin na makakatulog na ulit ako kaya lang may humawi nang buhok ko na nakatakip sa mukha ko.

 

I felt it!

 

Unti unti akong dumilat at...

 

 

 

WTH!? 

 

Anong ginagawa niya rito?!

 

Rather BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon