13

12 0 0
                                    

Bakit ba hindi ko makuha yung kilay?

Urggh!.

 Tinignan ko yung mga lukot na papel sa tabi ko. Sinubukan ko magdrawing para madivert yung attention ko pero ang hirap pala. Tapos nakakahiya pa yung ginawa ko kahapon. Ahuhu.

Nasa panibagong papel na ako nang may umakbay sa akin at sa amoy pa lang niya ay alam ko na kung sino to.

 “Hey Babe”  presko niyang sabi at agad naman akong nandiri. Dali dali kong tinanggal yung braso niya sa balikat ko at sinamaan siya nang tingin. 

Sa dami nang gusto kong sabihin at iexplain hindi ko alam kung saan sisimulan.  Napahilamos na lang ako sa mukha ko sa sobrang frustration at napahinga nang malalim.

“ Vince Vince Vince “  hinga nang malalim Nikki. ~Whoosh~

“ Yes babe? “ sinamaan ko agad siya nang tingin na ikinatawa niya lang. Asar talaga.

“ Seryoso, hindi talaga yun yung gusto kong kalabasan nung nagyari kahapon. Okay? “

“ Ako din naman eh, Hindi ko akalain na mahuhuli tayong naghahalikan ni ate Stef “ he shrugged at biglang tumawa nang tumawa. Nakakainis, kaylangan niya pa bang ipaalala yun? Buti nga hindi kami sinumbong ni ate Stef pero ang akala talaga nito may secret relationship kami,kaya lang ayaw daw naming sabihin sa parents naming kasi masyado pa kaming mga bata. Sinubukan kong magpaliwanag pero hindi naman siya nakikinig at yung si panget naman hindi ako tinutulungan mag-explain. Tahimik lang na nakangiti, gustong gusto ata na nagdurusa ako eh.

“ Torrid “ nginisian niya ako at pakiramdam ko namumula na yung mukha ko. Bihira lang ako magblush pero kung ganito lang din pala ang  dahilan nang pag blush ko e mabuting wag na lang.

“ Leche ka! Ikaw na nga tong tutulungan ikaw pa nantritrip! “ pinalo ko siya nang pinalo nang sketchbook na hawak ko.

“ H-Hoy ah, nakakasakit ka na. “ dinedepensahan naman niya ang sarili niya gamit ang kanyang braso.  Pero na guilty naman agad ako dahil masyaong malakas yung pagpalo ko sa kaniya.

“ Hmp! Pero ito seryoso na talaga, promise promise. “ huminga ako nang malalim at tumingin sa kanya nang seryoso, mukha naming effective kasi bigla ring sumeryoso yung mukha niya.

 Bago pa ako makapagsalita ay bigla rin siyang nagsalita.

“ I’m not going to play your little game Nikki. I treat you as a friend at bukod pa dun ayaw ko nang madagdagan pa ang kasalanan ko sa’yo. “ tumayo siya at  mukhang magwawalk out pero hinawakaan ko agad yung damit niya para hindi siya makaalis.

“ Sa tingin mo ba hindi ko naisip yon? Gosh, para saan pa at tinawag nila akong matalino no? Mali yung kahapon, dapat hindi kita hinalikan at siyempre dapat hindi mo rin ako hinalikan pabalik sira ulo ka talaga eh. “

“ But my real point is gusto kitang maging kaibigan, well yun talaga sasabihin ko kaya lang sabi mo friend na yung tingin mo sa akin, kaya bestfriends na lang tayo. Ahehe. “ napakamot ako sa batok ko nang narealize na medyo ang gulo pala nang sinabi ko.

“ Nagets mo ba? Parang ang gulo kasi nang sinabi ko eh. “ napatawa na lang ako sa pinagsasabi ko. Hindi naman siguro magtatampo si Trina kung dalawa silang bestfriend ko diba?  Magkaiba naman sila nang gender kaya baka ayos lang.

Pumunta ako sa harap niya kasi hindi ko alam kung anong nangyayare sa kanya. Ni hindi pa siya humaharap o sumisilip man lang sa akin.. His’ jaw’s clenched at nakakunot ang noo. Bigla tuloy akong kinabahan, I mean may mali ba akong nasabi?

“ Hey, kung ayaw mo edi joke na lang. Kalimutan mo na lang… ahehe? “ Bumaba yung tingin niya at nagtama ang mata namin. Pumikit siya at napailing habang nakatingin lang ako sa kanya na nalilito. Lalo pa akong nalito nang dahan dahan siyang napangiti.

“ Oy. “

“O-Oy. Nababaliw ka na ata e”  mukhang galit kanina tapos ngigiti.

“ Okay, nice one Nikks “ sabi niya bago ako inakbayan at hinila. Tss ang weird talaga nito kahit kaylan. Tsaka bakit ba to nakaakbay?  Oo ba o hindi?

“ Teka, saan ba tayo pupunta? “ naguguluhang tanong ko. Mukha kaming pupunta nang kitchen pero baka hindi naman. Baka pagsinabi ko sa kanya na sa tingin ko sa kitchen kami pupunta siguradong sasabihin niya na puro pagkain na lang laman nang utak ko dahil sa mga baby fats ko na sobrang konti lang naman talaga. Bwiset.

After ilang liko liko – I swear kapag nagkabahay ako, wala masyadong pasikot sikot., medyo matatakutin pa man din ako – nakarating na kami sa kitchen at hindi niya pa rin tinatanggal yung braso niya. I won’t mind naman kasi ako itong nag-offer nang friendship tapos ako pa yung hindi open sa ganitong bagay? Napakaunfair ko naman kung ganon. Pero hindi ko pa rin alam kung oo ba o hindi yung sagot niya.

Nawala yung unfair unfair sa isip ko nang nakita ko na lahat sila ay nakaupo sa dining at nagsisimula nang kumain. Inalis ko agad yung pagkakaakbay ni Vince sa akin at humiwalay sa kanya. Buti na lang at busy sila sa pagkain at pagkwekwentuhan.

Agad akog umupo doon sa vacant seat na natitira sa dulo at sumunod naman si Vince at umupo doon sa tapat ko. Akala ko hindi na kami mapapansin na dumating dahil sobra silang engross doon sa pinaguusapan nila e.

“ O andyan na pala kayo. Pinag-uusapan nga pala naming pumunta diyan sa may open mic. “ pagbibigay alam ni ate Bianca.

Tumango naman ako at sinabing sasama.

“ Oooh~ Open mic. Siguradong alam nila yun. Ewan ko lang ha pero baka hindi rin kasi masyado silang busy. “ Humalagapakpak naman nang tawa si ate Stef at napahigpit yung hawak ko sa kubyertos. Tiningala ko silang lahat at nakitang pati sila tito at tita napatigil sa pagkwekwentuhan at nagtatakang nakatingin kay ate Stef.

“ Ano bang pinagsasabi ko? Wala wala. “ may pa kaway kaway pa nang kamay si ate Stef nang ginawa niya yon.

Kumain na lang ako at di nagtagal ay naiba na ulit yung topic nila kaya medyo nakahinga na ako nang maluwag.

Lihim ko na lang sinamaan nang tingin si ate Stef at bigla kong narinig ang mahinang tawa ni Vince. Tumingin ako sa kanya at nakitang umiiling na nakangiti ito habang naghihiwa nang bacon niya. Ako ba yung tinatawanan niya?

Lalong kumunot yung noo ko nang napatingin siya sa akin na may maliit pa rin na ngiti. Gwapo bwisit.

Kinindatan niya ako dahilan kung bakit naiinis ako sakanya ngayon. Naagaw naman uit ni ate Stef yung atenson namin nang tumili siya nang pagkalakas lakas.

“ Kilig much! “

Rather BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon