7

10 0 0
                                    

" Kuya's inlove with mom"

Huh? 

" Mon, natural lang yon. " ano naman secret dun? maypasusupense pa. The children should love their mothers. Wala na dapat issue dun, except na lang kung hindi talaga maganda ang relasyon.

" It's not tha- "

" Yeah Mon, natural lang iyon. I love Luisa, what's wrong with that? " sabay kaming napalingon ni Mon sa nagsalita... si Vince.

Luisa? Wow, first name basis. 

" K-kuya, k-kanina ka pa ba diyan?" nagtaka naman ako sa tono nang boses ni Mon, she seems scared.

" Maybe? maybe not? " o-kay? I feel that there's really something wrong.

" May problema ba? "  sumingit na ako dahil ako mismo, feeling awkward.  Palipat lipat ang tingin ko sa kanila, si Mon nakayuko lang at pinaglalaruan ang mga daliri niya habang si Vince naman ay naka halukipkip na nakatingin kay Mon. 

" Ang takaw mo talaga, Nikki "   nalipat ang atensyon naming tatlo sa kakarating lang.

 Si kuya...

 Gosh! Si kuya nga! Napangiti ako nang malapad, una dahil saved by the bell ika nga nila at pangalawa ay dahil nandito na si kuya at...

" AY! Ate Jenny! " niyakap ako ni ate Jenny, bestfriend ni kuya si ate Jenny, close na rin siya sa pamilya namin, gusto ko sana sila para sa isa't isa pero that's another story.

" Nga pala, kuya, ate Jenny, si Mon at Vince, anak sila ni tita Luisa. " pagpapakilala ko. Nagbatian naman sila na parang wala lang, nakangiti na ulit si Mon at Vince, nakakapagtaka man ay isiniwalang bahala ko na lang. Ano nga ba naman ang alam ko diba?

Sinabi naman nila kuya na pinapunta sila nila tita dito para kunin yung mga pagkain at sa garden daw kami kakain. Tinulungan naman namin sila, kami nila ate Jenny at Mon ang tagadala nang mga utensils at si Vince at kuya sa mga kaldero and such.

Nauunang maglakad sina Vince at Mon, kami naman nila kuya ang sabay sabay.

" Mukhang intense kayo kanina ha " napatingin ako kay kuya na nagsalita. Tumango ako na nanlalaki ang mga mata. 

" Aish, sobra kuya. Buti na lang dumating kayo " sabi ko naman. 

" Ano bang nangyare? " tanong naman ni ate Jenny. I just shrug my shoulders at sumimangot, hindi ko talaga alam but I'm sure na may malalim na reason pa doon. And the way he called tita Luisa, Luisa seems really strange. Never ko pang natawag nang ganun si mommy, except kung nagbibiruan kami.

Aish! Wag ka na lang makielam Nikki!

Pagdating namin sa garden ay kumpleto na sila at masayang nagkwekwentuhan. Naghain kami at nagsikainan na. 

Rather BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon