11

17 0 0
                                    

What's wrong with her? Hindi ba dapat magalit siya sa akin? Doon naman magaling ang mga babae eh, plotting revenge and all.

 Or... is this part of her plan?

~~~~~~~~~~~~

Acting like something never happened, hindi ko alam na magiging madali lang pala. Medyo takot pa rin akong lumapit sa kanya but I'm trying my best to be casual around him.

Katulad na lang ngayon...

"Vince, paabot nung rice" see? Being casual to him is not talking that much to him, kaya no worries.

HIndi naman siya nagsalita at pinasa na sa akin yung rice, nagthanks ako then back to hindi pagpapansinan kami. 

Mabilis akong kumain nang lunch dahil maliligo pa ako at magboboy hunting kaming mga girls, kahit na ang excuse nila ate Bianca sa boyfriends nila ay girl bonding na totoo naman kasi girl bonding naman talaga to! Ahoho so excited!

Sana maraming moreno, yun pa naman talga yung type ko, tapos matatangkad at medyo makapal yung kilay, at syempre yummy!    Naalala ko nung sinabi ni mommy na one month kami dito, may malaking part sa akin na ayaw ko, pero ngayon, siguro kung walang Vince sa picture, sobra sobra ko nang saya. 

Hindi naman ganoon kalaki yung galit ko sa kanya, it's just that ilang araw na akong nagprepretend at napupuno sa isip ko yung hatred kaya ayan!   Tandaan, ang feelings parang utot, kaylangang nilalabas kundi nako!

Pagkatapos kumain ay inexcuse ko na agad ang sarili ko, sila ate kasi nauna nang maligo bago kumain. 

Kailangan malinis at looking fresh! Naisipan kong magsuot nang faded shorts at simple v neck na shirt, then flip flops. Ayaw ko naman masabihan na nageffort, sa harap kasi nila ate, mukha akong di interisado sa mga ganitong bagay pero ang totoo e game na game ako!  

Pagkalabas ko nang cr ay naabutan ko sila ate Bianca na nagmemake up, jeez, isa yan sa mga bagay na hindi ko talaga makakasundo. Hanggang powder lang ako eh.

" Ate, bakit kayo nagmemake up, paano pagnabasa edi kakalat?" balak ko sanang gamiting yung word na smudge kaya lang baka mali yung kalabasan kaya wag na lang, baka mapahiya pa ako eh.

"Light lang naman, tsaka hindi naman kami maliligo, tara Niks, ikaw naman" yaya sa akin ni ate Stef. Lumaki naman yung mata ko at agad na umiling. No way noh, mabilis rin kasi ako magkapimples kaya dapat maingat.

"Ano ka ba, nineteen ka na! Act like one." mataray na sabi ni ate Stef.

"Act like one, psh. Tsaka make up? gusto ko, magustuhan ako nang isang  lalake sa kung ano talaga ako. E sa hindi ako pala make up e"  and to tell you guys, ang hirap kaya bago mawala ang pimples ko!

"Light lang naman, pero kung ayaw mo edi wag. Baby, ikaw pa rin ang da best, wag ka makikinig kay Nikki ha" naka puppy look na sabi ni ate Stef sa make up kit niya. Napailing na lang ako at nagsuklay na lang.

Rather BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon