Ang tahimik ng mundo ko ngayon sa school... At pinagtitinginan ako ng lahat. Nagbubulungan din sila. Kahit naman mataas ang standards ng school namin, marami pa ring tsismakerz. Hindi rin naman ako manhid para hindi mahalatang ako ang pinag-uusapan.
Lalo akong nanlumo nung hindi ko makita si Nick. Jay ang tawag sa kanya ng lahat. Ako lang ang naiiba gaya nya na ang tawag sakin ay "Yannie". Nasan na ba sya?
'Fine! Hindi mo ako makikita bukas! Sabihin mo sa Jack mo mag-enroll na sya bukas sa school para sya na lang ang sasama sayo! Tutal masaya ka naman sa kanya eh! Holding hands ulit kayo sa harapan ko!'
Napatigil ako sa paglakad nang maalala ko yung sinabi nya kagabi sakin. Baka naman joke-joke lang yon? Diba?
Right. Convince yourself, Lady. Didn't you see his face last night? He's freakin' serious.
Tama. I saw how ridiculously serious his face was. He really is mad at me, I wonder why.
I stop on my feet at the classroom's door. Nakakabingi ang katahimikan, para akong mamamatay. Wala sa sariling umupo ako sa pwesto ko at sinulyapan ang pwesto ni Nick. Bumuntong-hininga ako dahil wala talaga sya.
Napa-angat ako ng mukha nung may kumalabit sakin. Tinanong ko kung ano kailangan nya at bakit sya nandito sa classroom namin kasi hindi pamilyar sakin ang mukha nya. Napakamot sya sa ulo nya at nasagot ang tanong ko.
'Ano kasi Miss Deya... Hindi dito ang classroom mo. Sa kabila pa po.'
Sinuri ko ang paligid at lahat ng mga hindi ko kilalang mata ang nakatingin sakin. Nag-init ang pisngi ko sa kahihiyan dahil hindi nga ako tagarito. Ngumiti ako nang alanganin sa kanila saka sa babaeng kumalabit sakin na nakasalamin. Ngumiti sila sakin at narelief naman ako dun. Pahiyang pahiya na ako ngayon. Si Nick kasi eh...
Unlike sa iba, nakangiti ang classmates ko pagpasok ko ng room hanggang sa maupo ako. Nakapagtataka naman na nauna pa sakin si Janine dito.
'Psst.'
'Bakit ba, Janine?' walang ganang sagot ko kasi kahit inasahan ko na wala si Nick, nadisappoint talaga ako nung bakante ang upuan nya. Tinotoo nya talagang hindi pumasok.
'LQ? May LQ pala kayo ah.'
I frown. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam na parang may kulang. Na dahil sa isang bagay, tumamlay ako. Na feeling ko kailangan ko yon sa buhay ko.
'LQ ka dyan. Ano ba meaning non? Lovers' Quarrel? Lovers ba kami?' Sana nga lovers kami. 'Janine, beh, bakit di mo tawagin si Enrique? Wala pa naman si Ms. Candigan.'
She roll her eyes. 'Absent daw ang bruha kaya okay lang kahit hindi mo pa tapos yung pinapagawa sayo. Ewan ko ba kasi sayo, Deya. Bakit pumayag ka sa kundisyon ng mangkukulam na yon?'
'Hinamon nya ako, hindi ako umatras. Tama lang yon.'
Hinamon nya kasi ako kahapon. Sabi nya, babagsak na daw ako. Tinawanan ko lang sya na lalo nyang kinainis. Sinigaw nya yung dapat kong gawin para patunayan- which is gumawa ng community.
Siniko ako ni Janine at may iningunguso. Sinundan ko ng tingin yung tinuturo ng nguso nya na ikinagulat ko. Si Jack?! Nandito?! Nakauniporme?! Hawak ang community ko?! Woah. Nagpatransfer sya?
He smirk and walk towards me. Nganga mga classmate ko kasi ang gwapo nya. Cool pa maglakad.
'Sya diba yung third party?'
'Oo. Nakita ko yung picture nung nasa drug store sila at sya nga yon. Mas gwapo pala sya sa personal.'
'Pero ano ang ginagawa nya dito? Hindi naman sya nag-aaral dito.'
'Tangeks! Kita mong suot ang uniform natin at may logo pa, tingin mo hindi dito nag-aaral? Mag-isip ka nga.'
'Hoy mga babae! Manahimik muna kayo! Third party... Muka nyo!'
Hinila ko si Janine paupo habang nakatitig kay Jack. Nakatitig din sya sakin saka nilapag nya sa desk ko yung community.
'Naiwan mo sa kabilang classroom. Ako na ang naghatid since dito rin naman ang punta ko.' He smile. 'It looks great. Just like the video I saw earlier.'
Namula ako sa sinabi nya. Bakit kailangan ipaalala yung away namin ni Nick kagabi? It sucks, really.
'Thanks sa paghatid nito. Pero ano ginagawa mo dito, Jack?'
He chuckle then he smile. 'Nagpatransfer ako dito kaya hindi na kailangang ikaw pa ang magsabi. We already told you that your boyfriend's jealous but you did not listen. What happened? You had an LQ.'
'He's not my boyfriend for the nth time, Jack. And I tell you, he's not jealous. Walang emosyon ang lalaking yon. Saka pwede ba, wag na tayo magbulungan?'
*****
Pinatawag si Jack sa office kasi bigla na lang may sinapak na lalaki sa harap ko. Classmate na namin sya, for real.
Para akong ewan na hindi makausap nang matino mula kaninang umaga. Idagdag pa na tawag nang tawag si Tita Wiwi. Sinabihan ko na lang sya na bukas na nya ako kausapin.
Ano ba gagawin ko? Wala si Nick. Wala rin ako sa mood gumawa ng kahit ano.
'Deya.'
'Hmm?'
Biglang may binato sakin na tissue paper kaya wala sa sariling napalingon ako. 'What the...?' Nakasimangot si Janine, si Rick naman nakangiti. Nawala tuloy yung mata.
'Ayusin mo sarili mo, utang na loob! Hindi por que wala si Jayson, magmumukmok ka na dyan! Sayang ganda mo, beh! Ako ang naiistress sayo eh!'
'Let her be, babe. She's in love and can't help it. Magiging ganyan ka rin sakin. You're gonna miss me when I'm gone.'
Nandiri sa kanya si Janine nung kumindat sya. Napangiti na lang ako sa kanila. I somehow think they're sweet.
'Eww. Maghunus dili ka, Enrique! I'm not gonna miss you when you're gone! Ever!'
'Maiin love ka rin sakin gaya ni Deya kay Jayson.'
In love?
Ako?
Kay Nick?
Watalap?
'Hahahahahahahaha!' Natigil sila sa pagtatalo at tinignan ako na parang nabaaliw na. 'In love? Ako? Hahaha. No. Por que ganito ako, in love na?' Tinitigan nila ako na parang nagdududa. 'Naghiwalay kami na 'di tapos ang away. Natural lang na mag-alala ako. Di pa kami bati at ayokong magalit sya sakin.'
Tumaas ang kilay ni Janine, pero si Enrique, nakangiti abot tenga. Ewan ko sa dalawang ito, ang daming arte sa katawan. Bakit hindi pa nahuhulog sa isa't isa. I'm looking forward in seeing my best friend fall in love ya know? And I will be very much happy if she fall in Enrique. I like him for my best friend.
***
Naglalakad ako mag-isa kasi magkasabay yung lovebirds. Pinilit nila ako na sumabay sa kanila kaso tinanggihan ko. I don't want to disturb their moment alone with his driver, baka dun na mahulog ang isa. And I will be out of place and bitter...
Aamin na ako, okay? Naiinis ako na ewan sa kasitan nila. Kaya ngayon sinipa ko ang bato sa harapan ko . Tch. Nakakainis si Nick, alam nyo ba yon? Syempre hindi kasi di ko randam nararamdaman nyo. Nakakainis sya kasi walang expression mukha nya pero kung makareact kagabi, akala mo pinagtaksilan ko sya. Hayy... Nasaan na ba ang lalaking yon? Hindi ako sanay na ang isang magandang tulad ko ay naglalakad mag-isa sa sidewalk. Pinagtitinginan ako ng mga tao. Why? I'm a teen star.
May humarang na tatlong lalaki sa akin kaya napahinto ako sa paglakad. I look up just to be disgusted. Right in front of me are a beastly-looking men. They are dark and much taller than me. They have that scary beard and scary eyes and really scary smile. I want to scream and run but my mouth was stitched and my feet were glued on on the floor...
BINABASA MO ANG
Please Lie and say... YE S
Teen FictionSimpleng babae pero komplikado ang buhay. Gusto ni Desire Yannie Valdez ang gumawa ng cakes pero ipinagbabawal iyon ng pamilya. Dahil kadalasang wala ang mga magulang, gumagawa sya kahit bawal. One day, dumating ang isang prinsipe. Nabago nito ang b...