Kumalat agad yung eksena namin ni Nick Alvarez sa media kaya di na ako nagulat. Pero ang ikinagulat ko ay yung reaction ni Mom. Usually kasi pagagalitan ako pag ganun ang nangyari. Pero rare ang pagtanggap nya sa nangyari. Tuwang tuwa sya na akala mo nanalo sya ng lotto. Niyakap pa nga nya ako at nasilayan ko ulit ang totoong ngiti nya sakin. She seems proud to me...
Pero bakit ganun? Hindi ako masaya. Saka parang may mali. Yung pakiramdam mo, nasa isang lugar ka kasama ang ibang tao tapos pakiramdam mo, lahat sila may alam sa nangyayari, ikaw lang ang clueless?
I shook my head. It's just my paranoia.
"Err.. Itago mo ako Deya!" Naiinis na bulong ni Janine saka nagtago sa ilalim ng desk kasama ang bag para maitakip sa mukha.
"Excuse me? May nakakita ba kay Janine Louise Santiago?"
Napalingon ako sa harap para masilayan ang isang matangkad (hindi sya kapre), maputi (makikita pa naman sya), at cute (di sya aso) na nilalang (malamang tao sya). Nasa gitna sya. At dahil sa inalam ko ang kabuuan nya, di ko napansin na nakatitig sa akin silang lahat.
Isa sa nakakuha ng pansin ko ay ang matalim na tingin sakin ni Nick. Adik yun ah. Ano na naman ginawa ko sa kanya at kung makatitig sakin, parang gusto nya ako lusawin?
Tinarayan ko na lang sya at hinarap yung lalaki. "How may I help you?"
Wow para akong nasa reception desk.
"I was looking for Janine Santiago. I know she's your best friend."
I smile. "Well... I can help you find your girlfriend." Tinapakan ko paa ni Janine kasi kinurot nya binti ko. "You can look under my skirt to find her."
Napangisi ako nung namula sya. Nakarinig naman ako ng kung ano banda sa pwesto ni Nick. Baliw talaga yun... Kung anu-ano ginagawa.
"Pre, pengeng ballpen."
"Ano ba yan, Jay. Taghirap ka ba ngayon at wala kang pambili ng ballpen?"
"Magbigay ka na lang kung meron!"
"Wala. Wala akong spare."
"Hoy baliw! Catch!" I said at binato sa kanya ang ballpen kong keroppi. Bahala syang magtiis sa mapang-asar na ngiti ng green na si Keroppi.
Naku... Ingatan nya si Kero-kero ko! Mas mahal ko yun kesa sa iba.
"See 'ya later, Cutie Boy! I'll drag Janine later!" I said with a wink na sinagot ng isang kalabog galing kay Nick.
Inirapan ko nga yung baliw na yon. Kanina pa sya naiinis sakin. Adik lang kasi ang laki ng problema nya sakin.
********
Bitbit ko na si Janine papunta aa cafeteria na meeting place namin ni Cutie Boy. JOKE :p hila lang. Hindi ko kaya magbitbit ng biik. Ahahaha.
"Di ko nga kasi boyfriend yung bakulaw na singkit na yon! Wag mo ako ipagkanulo sa kanya, beh!"
Natawa naman ako sa kanya. "Bakulaw ka dyan. Gwapo kaya si Rick. Saka ano? Ipagkanulo? Gosh, Janine. Ipagkakanulo kita sa gwapo. Wag ka nga! Type mo naman yung mga matangkad na maputi ala Enrique Yuan eh! Oh, hi Rick!" Kumaway sya sakin kaya napangiti ako.
Lumapit sya samin tapos hinalikan nya pisngi ko. Ahahaha. May GMRC talaga sya. "Hi, Deya. I know I can count on you."
I beamed at him. "Saka na kita sisingilin. Sabihin mo muna kung ano anh pakay mo kay Janine."
"Wait lang, pwede? Invisible ba ako? Hello? Sya may kiss at greet, ako wala?"
Rick glare at her. "May kasalanan ka pa sakin kaya magtiis ka."
"Ahaha. Di ka daw nya boyfriend. Ano ka nya? Fiancee?"
Napaubo naman silang dalawa kaya napatawa ako. Obvious sila kaya alam ko na ang sagot sa tanong ko.
Kumagat ako sa sandwich ko- which is courtesy of Rick. Kaya nga sa cafeteria ang venue ng meeting place namin kasi manlilibre sya. Yeeha!
"Arranged marraige? I'm not a fan of it but I don't say I'm against to it. Given the circumstances, I can feel you two are lucky as one of those. Kasi not all who have that kind of arrangement is happy. Nakakalungkot lang kasi karamihan sa realtionships na ganun ay nagiging one-sided love. Or worse, they gain no feelings at all- love or care or whatever it was. They just ended up unfaithful, hurt, and broken. But by any luck, some endede up loving each other and live happily ever after."
Natawa naman ako sa itsura nila pagkatapos ng mahabang words of wisdom ko. Titig na titig sila sakin na parang hindi makapaniwala sa mga sinabi ko.
Lumunok si Rick bago nagsalita. "Alam mo ikaw, Deya? Alam ko loka-loka ka at may pagkapilya. I just don't expect such words from you."
Uminom ako ng pineapple juice. "Because people just expect what I used to do, Rick."
Sumimangot sya at may alaalang lumalabas sa pinakatago tagong bahagi ng utak ko.
Napatigil ako sa paglalaro at sinilip ang labas ng glass wall namin pagkatanaw ko kay mommy at daddy na nag-uusap sa courtyard kasama yung dalawang couples pati si Tita at Tito na parents ni Janine. May kasama silang dalawang batang lalaki. Siguro same age as mine.
Yung isa, nakasimangot. Yung isa naman mas lalong nakasimangot. I pout. Sayang naman ang cuteness nila kung nakasimangot sila.
Inagaw ko yung barbie doll ni Janine at hinila sya. Nagtago kami sa curtain para sumilip kung ano nangyayari. Nagtatawanan sila pero di nagbago reaksyon nga dalawanag batang lalaki.
Hinila ko si Janine palabas sa back door. At nagtago sa may halaman malapit sa kanila.
Sumitsit ako saka humagikgik nung hinanap nila yung tunog.
Sumitsit ako ulit. This time, tumayo na sila. Hinila ko naman si Janine na nakahawak nang mahigpit sa halaman kaya natumba tuloy. Tumakbo kami sa pool area.
"Ayun sya!"
I'm doomed.
Aatras pa sana ako when I realized that if I do it, malalaglag ako sa pool. Tumakbo sila papunta sakin kaya tumagilid ako. Sayang ang get-up ko dahil nabasa ako. Pero okay na yon kesa malaglag ako gaya nila. Ahahaha.
Napatawa ako nung napansin kong kamukha nya yung isa sa dalawang batang lalaki. Di ko akalaing isa sya sa mga napagtripan ko dati. Palagi pala sila nun sa bahay namin kaya tawa ako nang tawa.
There were times na pinagkakaisahan namin sila. Pinipilit pa nga namin silang maglaro ng hoola hoop, jumping rope, pati chinese garter! Ahahaha. Sinali ko pa nga sila sa beauty pageant namin ni Janine eh! Ahahaha. Bagay sa kanila maging babae. Grabe, nainggit ako sa kanila nun kasi ang ganda nila sa suot nilang dress ko with matching heels pa! Nilagyan ko sila ng wig at make-up at lipstick and tenen!
Napakaganda nilang lalaki.
Childhood friend ko pala si Rick kaya magkasundo kami.
Now, who's the other boy?
biglang nag-ring yung isang phone ko kaya sinagot ko na. Nakakainis lang kasi, kahit nasa school ako, kailangan ko pa rin magtrabaho. And knowing this phone, it's business. Hiwalay kasi ang personal phone ko sa business phone ko.
Oo, ganun ako. Di ko kasi sinasabay sa personal na buhay ko yung trabaho ko. For me, it's a different thing. I'm just professional, that's all.
Si Tita Wiwi yung tumawag, manager ko simula bata ako. Nasabi ko na bang recording artist ako? Hindi ako feeler ah. Singer talaga ako. Isa kasi ako sa mga biniyayaan ng rare na boses.
Pero naging complikado. Dahil singer ako, instant actress na ako. Ganun naman talaga lagi eh. Minsan nga pinapasayaw pa ako. Kainis lang. Para akong robot na maganda.
"Recording studio. Now."
"Di pa tapos ang klase ko, Tita. Saka wala naman yun sa schedule ko eh."
"You already have your excuse letter. And-"
I ended the call.
At bakit naman ako susunod sa kanya? Wala sa usapan yung sinasabi nya.
BINABASA MO ANG
Please Lie and say... YE S
Novela JuvenilSimpleng babae pero komplikado ang buhay. Gusto ni Desire Yannie Valdez ang gumawa ng cakes pero ipinagbabawal iyon ng pamilya. Dahil kadalasang wala ang mga magulang, gumagawa sya kahit bawal. One day, dumating ang isang prinsipe. Nabago nito ang b...