The Date

146 7 0
                                    

[Kyungsoo’s POV]

Nakita ko si Kai, may kasamang babae. Wow, at mukhang masaya pa ang mga walanghiya. 

"K I M J O N G I N!!!"  sigaw ko pero di niya ko kinibo.

(>_<)

Pumunta ako sa slaughter house sa may kabilang kalsada ng park at kinuha ang kutsilyo.

"Hoy! Anong gagawin mo jan?! Ibalik mo yan!" 

Sadist Mode: ON (???)

Lumingon ako habang hawak ang kutsilyo.

"Babalik ako para sayo."

"Ahhh kahit wag na! iyo na lang yan! souvenir! haha ()_() mag ingat ka!" sabi nung lalaki hmmm natatakot ba siya sakin?? 

"Mag ingat pala sila sayo!" mahinang bulong niya.

"Mag ingat ka din!"

"Saken ~(*+?+*)~" dagdag ko.

Bumalik ako sa park at lalong kumulo ang dugo ko sa nakita ko. Hawak ni Kai yung kamay nung creature at ang matindi pa, hinubad niya yung jacket at ibinigay dun sa alien.

Binato ko ang kutsilyong hawak ko. Pls! sana tumama!!! kahit alin man sa kanila pls! 

"KAI ILAG!!!!" sigaw nung bakulaw.

Aba mala scene pa sa movie ah!

"Napaka walangya mo Kai! Bumili lang ako ng cotton candy, nagawa mo na kong ipagpalit sa hampaslupang ubod na panget na babaeng iyan!!!!"

"Kyungbabes, nilamig lang siya kaya binigay ko yung jacket ko!"

Nilalamig?? Aba malamang, naka sleeveless ang bakulaw. Responsibility mo pa ba yun kung lamigin siya? 

"Palusot mo!!!! Ang landi mo talaga! I hate you!!"

Di na kinaya ng aching feels ko kaya tumakbo na ko pauwi ng bahay.

Malapit lang ang bahay namin sa park. At pag dating ko sa bahay, nandun ang Kuya ko sa labas, si Kris. Oo kapatid ko si Kris sa labas, hindi sa labas ng bahay kundi sa labas mismo. Magkapatid kami sa ama. 

Walang nakakaalam nito sa club since wala namang nagtatanong at di kami masyado close. Sa apartment pa siya nakatira, ayaw daw niyang maging pabigat kay papa.

Masarap siyang batuhin, lalo na yung baba niya. 

"Oh, bat ka umiiyak?"

"Napuwing ako, may malaking buhawi jan sa park."

"Asa ka pa! kala mo maniniwala ako sayo! Bat ka ba kasi napuwing?? masyado kasing malaki yang mata mo!"

Lalapitan niya sana ako nang hinagis ko sa kanya yung jacket ko. Naalala ko, wala nga palang utak ang kuya ko. Dumbness ang kanyang number one asset.

"Wala."

Sa sandaling sinabi kong 'wala' agad niya kong niyakap. 

"Hindi ka man comportable na magshare sakin, basta tandaan mo andito lang ang Kuya mo sayo."

Juskoo, hindi ko akalain na ihu-hug him back ko siya. 

Pagkatapos ng nakakadiring scene ko with my Kuya. Namaalam na siya at ako naman ay umakyat na papuntang kwarto. Di na ko kumain, napanuod ko kasi sa mga movie, pag may heartache sila ng lover nila ay wala ng kainan na nagaganap. 

Ilang beses tumawag si Kai pero hindi ko sinsasagot. Syempre, ang ganda kaya ng ringging tone ko, I really like it everytime I heard it. Bish please! I need space.  At di ko namalayan, nakatulog na pala ako.

EXO [ParangNormal Activity]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon