Flatscreen TV

155 5 0
                                    

[Chen's POV]

Thursday ng umaga pero parang tinatamad akong pumasok. Nakaalis na si Chanyeol sa apartment dahil susunduin pa niya si Baekhyun. 

Nalulungkot ako, kasi sa umpisa nung kwento kami laging tatlo ang magkakasama. Pero ngayon ako na lang mag-isa kasi may something na sa dalawa kong bestfriend.

Nagbuzz ang phone ko. May nagtext! 

Your L15 service has already expired.To enjoy 1 day of UNLI text to all network ,text L15 to **** now.

Pero nagbuzz ulit ito at may panibagong text na naman.

Fr:Xiumin

Chen, papasok ka ba? nasan ka?

To:Xiumin

Oo, papasok ako. Nasa bahay pa lang.

Tumingin ako sa orasan. 6:50 am. Lol! seven ang start ng klase. Late na ko! Bumangon ako at nagmadaling naligo. Habang kumakain ako, biglang bumukas ang TV. Pero walang nakalagay dito kundi guhit-guhit na gray at maugong ang tunog nito.

Lumapit ako sa TV para patayin ito, sa awa naman ng turnilyo, namatay ito. Hinugot ko ang saksak dahil kelangan naming magtipid ng kuryente. Mahal ang singil ng meralco.

Bumalik ako para tapusin ang ritwal ng pagkain pero nagulat ako nang biglang bumukas ulit ang TV, this time may picture na. Isang balon sa gitna ng malungkot na lugar. Black and white. 

Lumapit ako sa luma at pipitchuging TV namin. Unti-unti may umaangat sa balon. 

"Kelan pa ba kami nagkaroon ng dvd ng The Ring?"

Gumagapang na palapit ang babaeng mabuhok at na overdose ng glutathione. Ang bagal naman niyang gumapang, ganun ba talaga kalayo yung balon?

Nag-intay pa ko ng ten minutes hanggang marating na ng babaeng na-overdose ng glutathione ang harapan ng TV. Lumabas ito sa aming luma at pipitchuging TV. 

Nang nasa harap ko na siya ay may binulong siya sakin. 

Tehhh

Lehhh

Bihhh

Sihhh

Yonnn

"Television??" 

Tumango ang babae. Itinuro ko ang TV namin sa kanya pero umiling lang ito. Ang choosy huh!

"Gusto mo ng bagong TV?"

EXO [ParangNormal Activity]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon