The Hauted House part 1

148 6 1
                                    

[Tao's POV]

Nagising ako sa alarm clock na nasa tabi ng kama ko. 5:30 na, kelangan ko ng magbihis.

Ano?! Hindi ko maigalaw ang katawan ko! Gusto kong bumangon pero hindi ko magawa! Sinubukan kong itaas ang isa kong kamay, pero hindi ko kaya. Napapaiyak ako dahil napakahina ko, wala akong magawa sa mga simpleng bagay na ganito.

"Hay ang hirap talagang labanan ng katamaran, makatulog muna ulit. Five minutes lang. Promise!" sabi ko sa sarili ko, wait! sa alarm clock na lang. Sinabi ko sa alarm clock na nasa tabi ng kama ko, mahirap na pag sa sarili baka mapagkamalang baliw ako.

-FEW MINUTESssss latooor-

Nagising na naman ako sa vibration ng cellphone ko. 

*Mama Suho calling*

"Hello????"

Suho: "Tao, asan ka na?!!!!!!"

"Nasa puso mo, ayiehhh!"

Suho: "Hoy palamuning panda, wag mong sabihing nasa bahay ka pa! Bilisan mo na. Iiwan ka na namin."

"Oo, malapit na ko." 

*Call ended*

6:59 am na. Nakalagay sa *ehem* APPLE kong phone. 

"Uy, nagtext si Chen."

Fr: Chen

To: Tao

..goodmorning!..

♡ hab a nays day ♡

-otw to sum1's haws.. gee excited na me-

#gullican'texplainwhatIfeer

"Gm lang pala, may hastag pa. Mag t-trend ba yun?"

Kumain, nag toothbrush, naligo, nagbihis at umalis na ko ng bahay. 

-Sa tapat ng mansion ng kapitbahay nina Suho-

"Sorry, I'm late" bati ko at ngumiti abot hanggang langit.

Nakasimangot lang si Mama Suho. Hmmm I don't care eh eh eh eh eh. 

"Tara na sumakay na tayo, kanina pa ko kinukulit ni Amber." sabi ni Umin-hyung.

Baekhyun: "Mamaya, wala pang bus. Excited much?" 

Umin: "Sabi ko nga,.."

Tumigil ang isang bus at sumakay kami sa loob, alangan namang sa labas. Pumasok kami sa labas. Hmmm weird.

Mga 4-5 minutes ay nakarating na kami sa bahay nila Amber.

"Teka, bat pa tayo sumakay? eh pwede naman pa lang lakarin?" reklamo ko.

Kyungsoo: "Eh sinisipag ka na rin lang namang palang mag-lakad, bat di mo pa gapangin?" 

Kai: "Oi gagapang daw si Tao-hyung pauwi! Haha!"

Thehun: "Hayaan mo na, libre kathi ni Thuho-hyung ang pamathahe eh."

Chen: "Tandaan mo Tao, ang LIBRE hindi tinatanggihan ninuman.Ito'y isang pagkakataon na mahirap hagilapin. Kaya wag na wag mong palalampasin ang opurtunidad na ito. Pasalamat na lang tayo sa mga biyaya na binibigay satin.

"Hyung, yung totoo? may pinaghuhugutan ka ba? ang lalim mo na ngayong mag-isip" sabi ko kay Chen with matching akbay. Gosh! Ang tangkad ko talaga.

Naglakad kami papunta sa gate at nag door bell. Bumugad saming harapan si Amber, mukhang siya lang ang tao sa kanila.

"Hi Eymhver!" heto na naman ang poodle, papansin.

"Bat ngayon lang kayo? Tara pasok kayo." sabi ni Amber at tuluyan na nga kaming pumasok sa gate.

EXO [ParangNormal Activity]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon