[Luhan's POV]
Makalipas ang sandaling minuto ng state of shock namin, ay napag desisyonan ni Amber na pakain muna kami.
Syempre sabi niya wag daw kaming maghihiwalay-hiwalay so kabit-bisig kaming pumunta sa kusina.
Chanyeol: "Hindi ka pa pala nakakapag luto."
Amber: "Ah oo, pasensya na. Dumating kasi kayo."
At agad namang nag-activate ang cooking mode ni Kyungsoo pero ang hinawakan niya ay ang baba ni Kris.
So Kris was like.. Σ( ° △ °|||)︴
Kris: "Teka! get off your hands with my galakshified baba!"
Kyungsoo: "Oh, sorry! Kala ko kasi pedeng ipanggayat ng sibuyas, ang talim kasi."
Inabot ni Kai kay Kyungsoo ang kutsilyo. At agad naman siyang naggayat ng sibuyas at bawang sa loob ng labinlimang segundo.
Sehun: "Wow hyung! ang galing mo talagang humawak ng mga dangerouth weapon."
Ngumiti naman si Kyungsoo kay Sehun. Bat ganun, ang squishy-squishy ni Kyungsoo? Ang laki laki laki laki laki laki laki laki ng mata niya, ang liit niya tapos heart-shape pa yung nguso niya at ang laki talaga ng mata niya. Kaso nga lang sadista.
"Sa tingin niyo ba mahahanap natin ang mga dokumento sa loob ng isang araw," tanong ko. Lahat kami ay nasa dinning table maliban kina Kyungsoo, Kai at Chanyeol na nagluluto.
Chen: "Malamang sa alamang, hindi. Kitamz tanghali na pero, kakain palang tayo."
Umin: "So mag-oovernight tayo?"
Suho: "Okay lang naman siguro, linggo naman bukas. Di ba?"
Ang lahat ay tinitigan si Suho at unti-unti itong natutunaw sa kinauupuan nito.
Baek: "Hoy matandang hukluban! Nakalimutan mo na ba? Pinangakuan mo kami ng libreng date!"
Suho: "Oo, pero pwede naman natin i-move yun."
Baek: "Eh kung i-move ko kaya yang ilong mo sa noo mo? matutuwa ka ba?!"
Tumayo si Amber dahil nagkakaroon na ng di kanais-nais na agawan ng teritoryo ang bansang China at Pilipinas sa West Philippine Sea, pero hindi naman talaga dahil doon. Tumayo siya dahil magsasandok na siya ng kanin. Luto na kasi.
Pero habang nagsasandok si Amber ng kanin, nag-aaway sina Suho at Baekhyun ay biglang may narinig kaming kumalabog sa taas at ang mas boom tamerd pa dun, may babaeng kumakanta ng london bridge.
Tao: "Wahhhhhhhhhhh! Naririnig niyo ba yon? May multo! Umalis na tayo dito!"
Namumutla na kaming lahat sa takot at tumingin kami kay Amber for further explanations, kaso mukhang namumutla din siya sa takot.
"Amber! Ano yon?" tanong ko since ako naman ang pinaka manly.
Amber: "Huh? Ah Eh, ewan ko! baka white lady."
London bridge is falling down, falling down, falling down. London bridge is falling down, falling down, falling down my first
****
Sa tapat ng pinto ng kusina ay may naaninag kaming naka itim na babae na may mahabang buhok pero walang harap kasi nakatalikod. Bumababa ang black hair creature sa hagdanan.
*Swooosh!*
Binato ni Kyungsoo ang black hair creature ng kutsilyo. Pero tagusan lang ito sa katawan ng black hair creature. At sumigaw kaming lahat.
Ang lahat ay nagpapanick na at nagbunton lahat sa ilalim ng lamesa.
"Narinig niyo ba yung last line ng kanta? Mali yung lyrics niya! Multo ba talaga siya?" Pasigaw na bulong ko sa mga ka-member ko.
BINABASA MO ANG
EXO [ParangNormal Activity]
FanficIn which EXO forms a club. A troublesome club that makes the world upside down.Dumb. Dumb and more dumbness. [Tagalog]