[Kyungsoo's POV!]
Tumalon sa bintana ang walangya kong anak. Hindi ko man lamang nahigit ang paa niya nang maibalibag ko.
Naglatag ng banig si Suho-hyung sa gitna ng sahig sa kadahilanang hindi kami kasya sa upuan. Umupo ang member ayon sa feel nilang position.
Tao: "Wow! dumadami ang pamilya natin!"
Dumadami nga ata kami? Pero okay lang mas madaming tao, mas madaming pupuk-pukin. Si Kai, hinahabol si Jimin sa labas. Si Kris nakahiga sa couch, ayaw niya sa banig, not his style daw. Si Chanyeol naman nakikipagtalo kay Baek.
Chanyeol: "Yah! Baek tigilan mo na nga yang pag iipit mo sa buhok niya. Ginagawa mo siyang babae!"
Baekhyun: "Wapakelz! Abutin mo na lang yung sanrio sa bag ko!"
Sumunod naman si Chanyeol kay Baek. At tumulong na din siya sa pag iipit kay V.
Xiumin: "Bakit nga pala iniiwasan ka ni Jimin?"
V: "Ano kasi-- Ahh! Mom ang sakit mong mag-ipit!-- nakita ko siyang nakikipaglandian sa senior namin."
Kyungsoo: "Mana kay Kai."
Baek: "Eh ano naman ngayon?"
Chanyeol: "Teka anak! may malanding ugnayan ba kayo ni Jimin"
Namula na si V at inilagay niya ang dalawang palad niya sa magkabilang pisngi na parang tinatakluban ang natural blush-on sa mukha niya.
V: "Enebe Ded! Ye meyk me blesh!"
Chanyeol: "Aba, lintek na bata to ah, ang landi mo!"
Papaluin sana ni Chanyeol si V, ngunit agad naman tinulak ni Baek si Chanyeol kaya nagpagulong-gulong ito. Tiningnan ko si Chen at agad naman niyang na-sense ang nais kong iparating. Binuksan ni Chen ang pinto ng clubroom at tumayo ako para igulong si Chanyeol palabas ng clubroom. Hinulog ko siya sa may hagdanan at inilock ang pinto para wala nang kontra-bulateng member.
Baek: "Waaaah! thank you mare!" At niyakap niya ang nakamana ng kalandian niya. At kiniss naman ng malanding anak ang kanyang ubod ng landing nanay sa pisngi.
Lay: "Bat nga ba kayo napunta sa panahon namin?"
Magandang tanong. Bakit nga sa panahon kung saan nabubuo pa lamang ang kkaebsong family, pwede naman nung kapanahunan ni Doraemon na nakikipag gyera siya noong dekada sisenta. O kaya naman noong pupugutan na ng ulo si Marie Antoinette, mas gusto ko yun.
V: "May time gem nga kami, pero hindi nito kontrolado kung saan namin gustong panahon pumunta. No choice kami."
Luhan: "Pero nawawala daw yung time gem ni Jimin. Ano bang itsura non?"
BINABASA MO ANG
EXO [ParangNormal Activity]
FanfictionIn which EXO forms a club. A troublesome club that makes the world upside down.Dumb. Dumb and more dumbness. [Tagalog]