[Chanyeol's POV]
Umalis ng apartment si V, pupunta daw siya sa school para hanapin yung Jimin na yun.
Chen: "Yeol, nananaginip ba ko? Kamukha mo yung bata kanina!"
Chanyeol: "Ano ba! Kinukulam tayo Chen! Pinapasok tayo ng masamang espirito."
Sinuri namin mabuti ang refrigerator ngunit wala namang kakaiba dito. Bukod sa wala nang laman.
Chen: "Tara, pumasok na tayo! guni-guni lang natin yon."
-School-
Normal routine sa klase ni Miss Taenggo. Walang nakikinig maliban kay Kai.
Sa tabi ko, nakita ko si Baek na may dinodoodle. Peace sign.
"Ano yan Baek? Peace sign?" tanong ko sa kanya habang patuloy pa rin siya sa pag dodoodle.
"Pangalan to ng future son ko."
Ang weird naman ni Baek. Pano yun, tatawagin niya yung anak niya na Peace? Hi peace! I love you Peace. Peace be with you.
"Bakit Peace ang naisip mong ipangalan sa kanya?"
Tumigil sa ginagawa niya at tumingin sakin ng ubod ng sama.
Baek: "Hindi Peace!"
"Huh? Eh ano?"
Baek: "V!"
Natulala ako sa sinabi ni Baek. V.V.V.V.V.V.V.V.V.V.V.V. Saan ko ba narinig ang pangalan na iyon? Hindi ko maalala.
Since cleaner kami ni Kai kami lang ang natira sa classroom dahil ang lahat ay nasa clubroom na.
Kai: "Hyung, may sasabihin ako."
Sa totoo lang, may gusto din akong sabihin kay Kai. Yung tungkol kay V.
Kai: "May weird na nangyari sakin kaninang umaga."
Tumigil ako sa paglilinis at umupo para makinig sa sasabihin ni Kai.
Kai: "Pag gising ko may bata na mejo kinulang sa height sa kwarto ko."
"Bata?"
Kai: "Hindi naman bata, mga matanda lang ako ng isa o dalawang taon."
Parang familiar yung story.
"Tapos? Teka galing ba sa refrigerator yung bata?"
BINABASA MO ANG
EXO [ParangNormal Activity]
FanfictionIn which EXO forms a club. A troublesome club that makes the world upside down.Dumb. Dumb and more dumbness. [Tagalog]