CHAPTER THREE
INIP na si Third sa mahabang biyahe. Inip na rin siya sa mabagal na takbo ng panahon. Gusto na niyang magkaroon ng lisensiya para makapagmaneho na ng sariling sasakyan, pero dalawang taon pa ang kailangan niyang bunuin. Ibinaling na lamang niya ang atensyon sa tanawin sa labas.
Dalawang taon na ang lumipas mula ng huli siyang magbakasyon sa Pampanga. Noong nakaraan kasi ay nagyaya ang Mommy niya sa Palawan. Kahit kailan ay hindi nito trip ang buhay sa baryo kaya ni hindi ito sumasama sa kanila ng Daddy niya tuwing nagbabakasyon sila sa bahay ng Lolo niya.
Ang tagal na pala niyang hindi nakita si Timmy. Naglaro sa alaala niya ang malungkot na mukha nito bago niya ito iniwan noon. Napangiti siya sa alaalang iyon.
Past four na ng hapon nang makarating sila sa Floridablanca. Halos paliparin niya ang bisikleta papunta sa bahay nila Timmy. Siguradong matutuwa ito dahil matagal na silang hindi nagkikita. Pagdating sa tapat ng bahay ay kahit paano na lamang niyang binitawan ang bisikleta sa lupa at tinakbo ang saradong pinto.
“Timmy!” Pagbukas ng pinto ay natawa pa siya sa naging reaksyon ng babae.
Nanlaki ang magagandang mata nito. Her long, thick lashes flickered up and down. Her mouth fell open. Tapos ay para itong na-engkanto na nanatiling nakatingin na lamang sa kanya.
Inalog niya ang balikat nito at niyakap nang mahigpit. “Miss mo ako, no?” natatawang tanong niya nang pakawalan ito.
“Kailan kayo dumating?”
“Naku naman! Sagutin mo muna ang tanong ko.”
Umismid si Timmy. “Ako ba naalala mo habang nasa Maynila ka?”
“Iyong tanong ko ang sagutin mo.”
Matagal na tinitigan muna siya nito bago sumagot. “Syempre naman, miss na miss na kita.”
Natutuwang inakbayan niya ito. “Sabi ko na nga ba! Alam kong sabik na sabik kang makita ako.”Inilayo niya ito at pinagmasdan mula ulo hanggang paa. “Teka muna, dalagang-dalaga ka na, at...”
“Ano?”
“Bakit parang gumanda ka yata nang kaunti?”
Sumimangot ito bigla. “Ang yabang mo naman. Palibhasa magandang lalaki ka, akala mo kung sino ka na kung manlait.”
“Eto naman, masyadong pikon. Race tayo!”
Naghabulan sila hanggang sa marating nila ang ilalim ng malaking puno ng mangga sa gitna ng palayan. Sa tabi nito ay isang abandonang kubo na tinatawag ng mga taga-roon na white house, dahil sa puting pintura nito. Kinatatakutan ang kubong iyon dahil binabahayan daw ng white lady na pinangalanang Mariang Kulot, dahil sa mahaba at kulot nitong buhok. Pero ang lugar na iyon ang paborito nilang dalawa dahil sa lilim ng mayabong na puno.
Ibinagsak ni Timmy ang katawan sa lupa. Tumaas-baba ang dibdib nito dahil sa pagod. Ang mga tili at halakhak nito habang hinahabol niya kanina ay nagpapatunay na isa pa rin itong bata na mababaw ang kaligayahan.
Nang mapagmasdan niya ang kabuuan ng babae na nakalatag sa damuhan ay sandali siyang napaisip. Maaaring napaka-inosente pa nito sa napakaraming bagay, pero hindi na ito bata sa panlabas na kaanyuan. Ang umbok sa dibdib nito ay nakabakat sa suot nitong T-shirt.Bigla siyang nakaramdam ng pagkailang sa pagkakatitig dito.
Kung ikukumpara sa mga naging syota niya sa Maynila ay bubot pa si Timmy, pero may kakaibang hatid ang murang alindog nito na nakapagpainit sa pakiramdam niya.Hinihingal pa rin siya sa pagod, pero minabuti niyang umakyat sa puno ng mangga para lumayo sa dalagita.
“Bumangon ka diyan at saluhin mo ang mga sinusungkit ko.”
Napilitang bumangon ang babae.
“Ayusin mo naman ang pagsalo, ano ka ba?”
“Hindi ako marunong sumalo.”
“Ikaw kaya ang umakyat dito?”
At umakyat nga ang loka!
“Hoy! Baka mahulog ka.”
“Laking probinsya yata ako. Bumaba ka na at...”
“Baba ka, baba!” Inis na bulyaw niya dito. Para namang kaya niyang tumingala sa itaas kung ang makikita niya ay ang mahahaba at mahuhubog nitong binti na nakalitaw mula sa maluwag na shorts nito.
“Ang gulo mong kausap!”
Pagbaba niya ay nagsimula siyang magbalat ng manibalang na mangga at iniabot sa dalagita. Sarap na sarap naman ito sa pagsipsip sa makatas na prutas, may tulo-tulo pa sa gilid ng mga labi nito.
“Bakit?” takang tanong nito nang mapansing nakatitig siya dito.
“Wala bang nanliligaw sa ’yo dito?”
“Wala. Ikaw siguro madami ng girlpren sa Maynila, ano?”
“Selos ka na naman? Halika nga dito.” May dinukot siya mula sa bulsa ng walking shorts. Isang pares ng kuwintas na gawa sa itim na tali. Ang palawit ng mga ito ay magkahating puso na gawa naman sa clear glass. Isinuot niya ang isa kay Timmy at isinuot naman sa sarili ang isa pa.“O, hayan, nasa 'yo na ang kalahati ng puso ko. Iingatan mo 'yan, ha? Huwag mong babasagin.”
Niyuko nito ang palawit at wala sa loob na nilaro ng mga daliri. “Ang ganda!” Kumikislap ang mga mata nito nang tumingin sa kanya. “Salamat, Third. Ikaw na lang yata ang nagmamahal sa akin.”
“Sino naman ang may sabi sa 'yo na mahal kita?”
Biglang nagkalambong ang mga mata nito.
“Biro lang, ano ka ba?” hinampas pa niya ito sa balikat. “Maganda ka, Timmy. Siguradong madami ang nagkakagusto sa ’yo sa school. Gusto ko’y ako lang ang boypren mo.”
“Hindi naman kita boypren. Ang bata-bata ko pa kaya.”
“’Di ba’t sinabi kong hihintayin kitang lumaki? Pero magmula ngayon ay opisyal na girlpren na kita, kaya huwag ka na magpapaligaw sa iba,” pilyong sabi niya. “Ano, ayaw mo ba? Sige ka, madaming aagaw sa akin sa Maynila.”
“Sige na nga!” mabilis na sagot nito.
Isang pilyong ngiti ang sumilay sa mga labi niya. “Puwede ko bang halikan ang girlpren ko?”💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓
“HA? Sira ka ba?” Totoong nabigla si Timmy sa hinihingi ng lalaki.
“Bakit? Sa pisngi lang naman. Ako ang unang boypren mo, kaya dapat ako din ang unang halik mo. Una at huli...”
“Umuwi na tayo.” Binitawan niya ang hawak na mangga, saka siya tumayo mula sa damuhan. Hinugasan niya ang mga kamay sa maliit na hukay na dinadaluyan ng tubig mula sa irrigation pump.
“Isa lang, Timmy,” pangungulit pa rin ni Third.
Pagharap niya ay nasa likuran na pala niya ito, at walang sabi-sabing ninakawan siya nito ng halik sa pisngi. Napasinghap siya bigla. Itinulak niya ito palayo. Pero nang makabawi siya sa pagkabigla ay mabilis nitong inilapat muli ang mga labi sa pisngi niya. Bago pa siya makapag-react ulit ay nakalayo na ito. Dire-diretso itong tumulay sa malawak na palayan.
“Lasang mangga!” saka ito tumawa nang malakas.
“Madaya ka talaga! Sabi mo isa lang!”
“Eh, ‘di ibalik mo sa akin ang isa, halika!”
Siya naman ang humabol dito. Pagdating nila sa dulo ng palayan ay magkahawak-kamay nilang nilakad ang daan pauwi sa bahay nila. Hindi na pumasok si Third dahil dumidilim na ang paligid.
“Maaga ako pupunta dito bukas. Pumasyal tayo ulit sa plaza.”
“Sige, salamat.”
“Salamat saan?”
“Sa kabaitan mo sa akin.”
Ngumiti ito. “Salamat din. Dahil sa ’yo ay nagiging masaya ang bakasyon ko dito.”
Bago matapos ang summer break na iyon ay nagpaalam na si Third na babalik ng Maynila. Itinuon niya ang paningin sa tuktok ng burol sa ‘di kalayuan, kung saan sila nag-uunahan sa pag-akyat tuwing umaga. Hindi niya gustong makita nito ang lungkot sa mga mata niya.
“Kinakausap kaya kita, bakit po ba ang layo-layo ng tingin mo?” Hinawakan nito ang baba niya at sapilitang iniharap ang mukha niya dito. “Iiyak ka na naman? Hindi ka na bata, Timmy. Hindi na bagay sa ’yo ang uhugin, nakaka-turn off iyon.”
“Nakakainis ka!”
Kinabig siya nito payakap sa dibdib nito. “Iyong mga bilin ko sa ’yo, ha? Lagi mong ikakandado ang pinto kapag nag-iisa ka lang sa bahay, huwag kang magpapagabi sa daan, at huwag na huwag kang magpapali...”
“Opo! Ilang ulit mo na kaya sinabi iyan.”
Natawa ito at bahagya siyang inilayo sa dibdib nito para dampian siya ng halik sa pisngi. Hindi pa ito nakuntento doon, muli siya nitong kinabig at marahang dinampian ng halik sa mga labi. Natawa ito nang mapasinghap siya nang malakas.
“Hindi mo na talaga ako makakalimutan niyan, Timmy. Hanggang sa muli nating pagkikita...”💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓
BINABASA MO ANG
Fall All Over Again
Romancepublished under PHR 2013 (Modified version) Why did I kiss you? Dahil gusto ko... Because I'm dying to kiss you every time I see you. Batang paslit ka pa lamang ay pinapangarap ko na ang mga labing iyan. Look how lucky can I get." 💓💓💓💓💓�...