Starting Over

12.3K 295 1
                                    

              CHAPTER EIGHT

NAKATANGGAP ng overseas call si Ember mula sa ina niya.  Kasalukuyan itong nagto-tour sa Europe kasama ni Ted Lacson, at malamang ay matatagalan pa daw bago ito makabalik.  Sinabi niya sa ina ang matagal na niyang balak na bumukod ng tirahan.  Nang payagan siya nito ay mabilis siyang naghanap ng malilipatan. 

Nakakita siya ng isang townhouse malapit sa gift shop niya.  Tahimik ang lugar at malapit lang sa gate ng subdivision.  Niyaya niya si Grace na tumira doon para may makasama siya.  Tuwang-tuwa naman ang dalaga dahil malapit na ito sa pinapasukan. 

Naisipan niyang imbitahan si Cyd sa gagawing blessing ng bago niyang tirahan.

“Hello... who’s on the line?” sagot ng baritonong tinig mula sa kabilang linya.  “Hello?”

“Third?” 

“Timmy?” mabilis na sagot nito.  “What’s wrong?  Are you okay?” halata ang bumangong pag-aalala sa tinig nito.

“Please call me Ember.  And I’m fine.”

“I’m sorry.  Hindi ko lang inaasahan ang tawag mo.  Akala ko ay itinapon mo na ang calling card ko,” natatawang sabi nito.  “Anong meron?  Yayayain mo ba akong mag-date?’ biro nito.

“Oo sana, eh.”

“I thought you’d never ask.”

“Blessing ng bahay ko this Sunday, kaunting salo-salo lang.  You can come if you want.  I mean, if you’re free.  Pero kung hindi ka makakapunta, it’s okay, I...”

“I wouldn’t miss it.  I’ll be the first and last visitor at your doorstep.”

Natawa siya dito. 

“Alam ba ng boyfriend mo na iniimbitahan mo ako?”

“Wala akong boyfriend.”

“Sino kaya sa inyo ni Savannah ang nagsasabi ng totoo?”

“Wala na kami ni Wendell.”
“Oh, I’m sorry... Okay, darating ako.”

“Okay, bye... oh, wait!  Paano ka pala pupunta, hindi mo naman alam kung saan ako nakatira?”

“Leave it to me, baby.  I have my ways.  Bye.”

Matagal ng putol ang linya pero nakatitig pa rin siya sa hawak na cellphone.  She felt young again now that Cyd was back.  Parang wala man ang mahabang taon na lumipas at nakalimutan na niya ang hinanakit niya dito dahil sa pamba-balewala nito sa kanya noon.

Pinaghiwalay sila ng tadhana dahil hindi sila para sa isa’t-isa.  Ngayong nandito na ulit ito, masaya na siya sa alay nitong friendship, at hindi na sila dapat pang lumampas doon.  She would not take the risk of having a failed romance with him.  He was just too precious to lose again.

********************************

SUNDAY morning.  Abala si Ember sa pagluluto para sa okasyon mamayang hapon.  Hindi na siya nagpa-cater dahil hilig niya ang pagluluto, at isa pa, maliit na salo-salo lang naman ang gaganapin.

Inaayos niya ang bulaklak sa vase sa sala nang may mag-doorbell.  Nang pagbuksan niya ito ay guwapong-guwapong Cyd ang bumulaga sa kanya. 

“Hi, lady!  Am I too early?”  May bitbit itong red wine at isang malaking box ng cake mula sa kilalang cake house sa Pampanga.  “I honestly don’t know what to bring,” he grinned. 

“Naunahan ka na ni Sarah dito.”

“Oopps, not counted.  Hindi na 'yan bisita.  Sigurado ako na halos gabi-gabi ay makikitulog 'yan dito.

“Reserved na nga ang kabilang unit, para kapag ikinasal kami ni James ay magkapitbahay na kami ni Ember,” excited na sabi ni Sarah.

“Basta ba hindi iyong asawa mo ang mangangapit-bahay dito.”

“Sira!” Binato nito ng balat ng nilagang mani si Cyd.  “I like you, you know.”

He shrugged his shoulders.  “Everybody seems to like me,” biro nito saka ito ngumiti nang pilyo.  “What’s your menu?”  Nagtuloy ito sa kusina na parang sarili nito ang bahay.  “Don’t tell me na adobong kangkong na naman iyan?” 

Natawa si Ember.  Naalala niya noong pilit niya itong pinapakain ng kangkong noon.  Matapos nitong sipsipin ang sabaw ng adobo ay pasikreto nitong iniluluwa ang kangkong. 

Katulad din noon, tinulungan siya nitong magluto, magligpit at kulang na lang ay mag-igib ulit ng tubig. 

“Doon ka na nga sa sala.  Bisita ka dito, ano?”

“Not anymore.  Madalas na akong makikikain dito.  ‘Di ba, Grace?”  Saka nito kinindatan ang kasapakat na tindera.

Katulad ng sinabi ni Cyd, ito ang huling bisita na nagpaalam. 

“You kept your word.”

Tinitigan siya nito nang matiim.  “I always keep my word, Ember.”
Parang may gustong ipahiwatig ang mga salitang iyon.

“I don’t think so,” mahinang sagot niya, na parang para lamang sa sarili niya.

“I do.”  Saka ito tumango-tango.

“Good night, Cyd.”  Pinili niyang tawagin ito sa ganoong paraan, para hindi na bumalik sa isip niya ang nakaraan.

“’Night.  Thanks for inviting me.”  Kinuha nito ang palad niya at pinisil.  “Just call me if you need anything.”

Nang mawala na sa paningin niya ang sasakyan nito ay doon pa lamang niya isinara ang pinto.   

Sumunod na araw ay nandoon ulit si Cyd sa gift shop.  May dala itong merienda.

“Nag-cover ako sa isang hospital malapit dito, naisipan kong dumaan sandali para mangumusta.”

“Salamat sa merienda.”

“Hey, do you want to come with me this weekend?”

“Saan?”

“I’m not telling you,” may kislap sa mga mata nito na parang ine-engganyo siyang alamin kung ano iyon.  “Pero sigurado ako na mag-eenjoy ka.”

“Sure ka?”

“Sure.  Susunduin kita sa Linggo ng umaga.  Wear something comfortable.  Magbaon ka na rin ng bihisan. Bye...” Saka ito tumalikod na at lumabas.

Fall All Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon