Cyd

13.6K 339 14
                                    

CHAPTER  FIVE

NAG-IINUMAN ang tropa nina Cyd sa inuupahan niyang apartment sa isang subdivision sa Pampanga.  Kalilipat pa lamang niya dito noong nakaraang buwan.  Ang condo unit niya sa Malate ay pinaupahan naman niya sa mga pinsang nag-aaral sa UP Manila. 

Masarap ang pakiramdam ng independent at malayo na sa metikulosong mga mata ng ina niya.  Kahit kasi matagal na siyang bumukod ng tirahan ay lagi pa rin itong nakabuntot sa mga ginagawa niya noong nasa Maynila pa siya.  Minsan nga’y gusto na niya itong bigyan ng apo, para lang mawala na ang atensyon nito sa kanya.

Kumpleto ang grupo ngayon dahil Sabado ng gabi.  Naging classmates at katropa niya ang mga ito noon sa isang sikat na kolehiyo sa Maynila.  Taga-Pampanga lahat ang mga ito, kaya na-engganyo siyang tanggapin ang alok ng bestbuddy niyang si Marcus na makisosyo dito sa negosyo. 

Dating medical representative ng isang multi-national drug company si Marcus.  Siya naman ay ilang taon na ring nagtrabaho sa negosyo ng ama niya sa Maynila, ang Prime Care Pharmaceuticals. Gamit ang kanilang sariling savings at loan sa bangko ay magkatuwang nilang itinayo ang negosyo dito sa Pampanga.

“Paki-lipat mo nga sa RKFM. Oras na ni Natasha.” 

Ang nobya ng isa nilang katropang si Rommel ay isang DJ sa local radio station dito sa San Fernando.

“Hindi ka pa ba nagsasawa sa boses ng girlfriend mo?  Ako nga kulang na lang takpan ko ng packaging tape ang bibig ni Nicole dahil natutuyo ang utak ko kapag nagsimula ng magbunganga,” reklamo ni Marvin. 

“Pinababati ko kasi sina Marcus at Cyd.  Para naman ma-promote ang business nila.”

“Ano iyon, department store?  Ipahiram mo na lang si Tasha sa amin.  Sa ganda ng girlfriend mo, tiyak na makakabenta ‘yon ng milyon.”

“Ayoko nga, baka masulot pa sa akin ‘yon.”

“Takot ang loko!” 

“Good evening, folks.  This is once again your DJ Tasha for another episode of ‘It’s a Date’.  We have our sweetheart on the line.  Hello?”

“Hello.”

“Can you give us your name, Sweetheart?”

“I’m Apple.”

“Taga-saan ka, Miss Apple?”

“Villa Isabelle.”

“Lapit lang pala.  What is your ideal mate?”

“Someone who has a sense of humor and a sense of responsibility.”

“And handsome, I suppose?” dagdag ng DJ.

Tumawa ang babae sa linya.  A very sexy laughter that matches her husky voice. 

“Yes, of course.”

“Miss Apple is in search for her ideal mate.  It could be you! What are you waiting for, guys? Line one is now open.”

“Sexy voice,” komento ni Cyd.

“Syempre, girlfriend ko iyan, eh,” proud na sagot ni Rommel.

“Hindi si Tasha, ugok!”

“Hello to my buddies who are listening right now.” 

Binanggit ni Tasha ang mga pangalan nila. 

“Marcus and Cyd are the gorgeous bachelors behind St. Matthew Medical Enterprises.”

“Parang gay bar ang pino-promote ng loka.”

“We have our first caller on the line!”

Fall All Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon