ITINAKIP ni Cyd ang jacket nito sa likod ni Ember at inakbayan siya papasok ng bahay.
“Hmnn... I can smell her roast beef already. Ipakikilala muna kita bago tayo mag-shower. Tiyak na matatagalan bago tayo makababa ulit,” he smiled naughtily. Dinala siya nito sa kusina.
Nakatalikod ang ginang at abala sa pagluluto.
“We’re here!” Ipinatong ni Cyd ang pinamili sa mesa.
Pagharap ng ginang ay halatang nagulat ito. “Ano'ng ginagawa dito ng babaeng iyan?” Ibinagsak nito ang hawak na sandok at pinatay ang kalan. Nang muli sila nitong hinarap ay nagbabaga na ang mga mata nito sa galit.
Napakapit si Ember sa braso ni Cyd.
“Mommy, this is Ember. ‘Di ba’t sinabi kong ipakikilala ko sa 'yo ngayon ang girlfriend ko?”Lumipad ang mga mata nito sa nagtatakang anak. “Hindi ko matatanggap ang babaeng 'yan.”
“What is wrong with you?” nag-aalalang tanong ni Cyd.
“Layuan mo ang anak ko! Hindi kita matatanggap sa pamilyang ito!”
“Mommy!”
Lumapit ang aristokratang babae at pahablot na tinanggal ang jacket na nakatakip sa kanya. Kasunod no'n ay hinila siya nito at pilit na itinaas ang blusa niya.
“What are you doing? Bitiwan mo siya, Mommy,” awat ni Cyd sa ina.
“Hindi ako maaaring magkamali. Ikaw ang anak ng babaeng iyon.” Saka nito iniharap kay Cyd ang mga peklat niya sa likod. “See? Nakuha niya 'yan nang gabing mahuli ko ang malanding ina niya at ang walanghiya ama mo na magkasama!”
Napaatras si Cyd. Lalong tumindi ang pagkabigla. “Ikaw ang may gawa niyan, Mommy? My God!”
Pilit na kumawala si Ember mula sa pagkakahawak ng ginang. Tumakbo siya palabas ng bahay, hindi pansin ang malakas na pagtawag ni Cyd. Nasa labas na siya ng gate nang mahabol siya nito.
“Ember! This is all a big mistake. Imposible ang sinasabi ni Mommy.”
“She's right. Inamin ng Nanay noon na may relasyon sila ng lalaking iyon. I didn’t know that it was your Dad.”
“Ember...”
“Ang nangyari sa amin ng pinsan mo ay puwede pa, but this thing with your parents... Hindi talaga tayo para sa isa’t-isa.”
“No, Ember. I lost you once, I can’t lose you again this time.”
Bumagsak ang mga luha niya. “Hindi sapat ang pag-ibig para burahin ang pait ng nakaraan. Goodbye, Cyd.”
Sumunod na araw ay lumipad siya papuntang Singapore. Hindi siya nagbigay ng paliwanag nang magpaalam siya sa ina. Magbabakasyon muna siya sa poder ng Kuya Bimbee niya na isang engineer doon. May permanent resident status na ito doon kasama ng buong pamilya nito.
****************************************************************
Guyz, this is the part where Cyd refused to go back to Pampanga for a while, and the time he met Daphne, from book one 😊
Let's take a short break from here muna, and start with Ethan's story @My Sweet Misery 😉😊😁
BINABASA MO ANG
Fall All Over Again
Romancepublished under PHR 2013 (Modified version) Why did I kiss you? Dahil gusto ko... Because I'm dying to kiss you every time I see you. Batang paslit ka pa lamang ay pinapangarap ko na ang mga labing iyan. Look how lucky can I get." 💓💓💓💓💓�...