six

11.6K 398 9
                                    

Six

Tanya...

Kahit na anong pilit niya hindi pa din siya nasunod, si Zach pa din ang nasunod sa pagdadala ng nanay niya sa Manila. Ang nakakainis pa talaga tumawag pa sa kanya si Ana para lang makumbinsi siya nitong dalin niya sa Manila ang nanay niya.

Sa unang buwan na kasama niya ang nanay niya sa Manila naging maayos naman dahil kumuha ng nurse si Zach para sa nanay niya. hindi din tumagil ang binata sa pagsusuyo sa kanya, habang tumatagal din mas natututu na itong magtagalog.

Nakikita niya ang effort nito sa pangliligaw sa kanya. Kaya naman balak na niyang sagutin ang binata sa darating na week end.

Hindi na siya nagta-trabaho bilang isang erotic dancer, ayaw na talaga ni Zach na bumalik siya doon. Kaya naman full time na siyang mananahi ni Ana, pero kahit na ganon hindi sumasapat ang kinikita niya doon para sa pang-araw-araw nilang gastusin.

"Tanya"tawag sa kanya ni Zach.

As usual sinundo na naman siya nito sa apartment nila para ihatid sa trabaho niya at ang nanay naman niya ay ihahatid nito sa ospital kung saan ito nagte-therapy.

"Zach"masayang bati niya dito.

"I two news for you"seryosong bungad nito.

Nakakunot ang noon a tiningnan niya ito, mula ng manligaw na ito sa kanya hindi na siya nito ginamitan ng seryosong mukha ngayon nalang.

"Ano naman?"

"One is I talk to Malik if he can sponsor your sister's education and he agree so next school year the two of them can transfer here in Manila so that you don't have to worry about them being in the province. Is it okay with you, isa pa less gastos right?"nakangiti na ito habang nagsasalita.

Heto na naman ang lalaking ito inunahan na naman siya sa desisyon sa pamilya niya pero, sanay na siya dito palagi naman itong gumagawa ng paraan para mapagaan ang buhay niya. hindi naman siya dehado sa mga desisyon na ginagawa nito. panalo pa nga siya kasi lahat pabor sa kanya.

"Okay"simpleng sagot niya dito.

"Two, is a bad news"nakasimangot na ito ngayon.

May mood swing ang loko ngayong araw, daling magbago ang mood, kanina seryoso, tapos naging masaya ngayon naman malungkot.

"Bad news, bakit naman?"

"My visa will expire next week...meaning I have to go back in the US"

Malungkot ngang balita, biglaan naman yata.

"Bakit biglaan?"

"Kala kow naapprove ang visa extension kow ditow, but they rejected it because I'm already overstaying here. I also extended my vise twice before."malungkot na balita nito.

Hindi naman siya makapagreact sa sinabi nito sa kanya, wala naman kasi siyang alam sa mga ganitong bagay.

Hanggang sa maihatid siya nito sa trabaho hindi na siya kumibo pa. maging si Zach hindi na din kumibo pa, wala na din sigurong maisip na sabihin sa kanya.

Magtatanghalian ng dumating sa shop nila si Ana kasama ang kapatid nito. may mga dalang pagkain pero syempre may dalang bagong designs na tatahiin nila.

"Ana"tawag niya sa kaibigan.

"Yes?"

Nag-alangan siyang lumapit dito, ang itatanong kasi niya dito ay kung ano ba talaga ang lagay ng papel ni Zach ngayon. Hirap naman kasing kay Zach magtanong baka di na naman sila magkaintindihan na dalawa.

MY FORIEGNOY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon