Ten
Zachary...
He's so excited to go back in the Philippines. Sinabi niya sa asawa niya na nadenied ang petition nila para sa permanent residency niya sa pilipinas pero ang totoo approve siya. Gusto lang niyang surpresahin ang asawa niya sa biglaang pagbabalik niya.
Sobrang miss na miss na niya ito kaya nga hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon agad siyang nagpabook ng flight pabalik ng pilipinas para lang makasama na niya ang asawa niya.
Pero hindi niya inaasahan na siya pa pala ang masu-surpresa dahil walang tao sa unit niya ng dumating siya. Kahit ang mother-in-law niya at ang nurse nito wala doon.
"Hello, ate did you know where is my wife?"tanong niya sa ate niyang si Avery.
Maging kasi ang mga ito hindi niya sinabihan ng totoong pagdating niya sa bansa.
"Yeah, shes at the hospital right now"malungkot na sagot nito sa kanya.
Napataas naman ang dalawang kilay niya, is there something wrong happen?. The last time they talk malungkot lang ang asawa niya dahil hindi siya makakauwi agad.
Kaya naman nagtataka siya kung ano ang nangyayari, alam naman niyang walang schedule ng therapy ang biyanan niya kapag ganitong gabi.
"Is there something wrong that I didn't know?"takang tanong niya dito.
"Is it my mother-in-law?"dugtong pa niyang tanong dito.
Narinig niya ang malalim na buntong hininga ng kapatid niya sa kabilang linya. Kaya naman alam niyang may hindi magandang nangyayari. Kinakabahan na siya, tama lang na umuwi na siya agad. Kailangan siya ng asawa niya nararamdaman niya ito.
"No, its Tanya"maikling sagot nito.
Pakiramdam naman niya sinikmuraan siya ng pagkalakas lakas sa narinig niya.
"You're in-law's are all here in our house. Only Tanya is there at the hospital"sabi pa nito.
Mariing napapikit naman siya bago tumayo sa pagkakaupo sa kama nila ng asawa. Kailangan na niyang makapunta sa ospital ngayon para makasama na niya ang asawa niya.
"What hospital?"seryosong tanong niya dito.
Agad namang sinabi ng ate niya kung nasaan ang asawa niya.
"Wait Zach, are you coming?"nag-aalalang tanong sa kanya ng kapatid.
Hindi pa nga pala nito alam na nasa bansa na siya.
"Yes!"
Bahala na, kahit hindi na niya masurpresa ang mga ito kailangan niyang makita ang asawa niya as soon as possible.
Hindi na niya hinintay pang sumagot ang ate niya kaya naman agad siyang nagtungo sa ospital kung nasaan ang asawa niya. habang nasa biyahe siya pinagdadasal niyang sana maayos ang kalagayan ng asawa niya.
"Where's the room of Tanya Wilson?"nagmamadali niyang tanong sa nurse sa information desk.
Natulala pa nga sa kanya ito ng ilang segundo bago siya sinagot.
"I'm sorry sir but the visiting hours is already finish you can go back tomorrow to visit the patients"magalang na sagot nito.
Mariing napapikit naman siya sa sinabi nito sa kanya. hindi naman niya bibisitahin ang asawa niya, sasamahan niya ito sa ospital, babantayan.
"She's my wife, she's alone right now. I'm not here to visit her, nanditow akow para bantayen sya"naiinis na niyang paliwanag dito.
Nanlaki naman ang mata nito, halatang hindi makapaniwala sa sinabi niya. hindi niya alam kung sa sinabi niyang may asawa niya o sa pagtatagalog niya. basta ang mahalaga sa kanya ay mapuntahan na niya ngayon ang asawa.