~19~Make Him Fall

30 5 3
                                    

"5 minutes break!"

"Tubig oh." Inabutan ako ni Bam ng bottled water. "Thank you." Ininom ko ito.

"Buti na lang ikaw escort ko nuh? Parang ang awkward kasi kapag iba." Sabi ko.

Tumango si Bam. "Anong si Benji ang escort mo?? Nooo~" sabi ni mom.

"Grabe naman tita." Sabi ni Bam.

"Eh sino yung escort ko?" Nalilitong tanong ko.

Ngumiti si mom. "Secret~" What? May pa-surprise pa!

"Wha--" naputol yung sasabihin ko nagsalita ulit si mom.

"For now, escort mo muna si Benj pero pag debut mo na ay... Secret na yon kung sino ang escort mo kaya kabisaduhin mo ng mabuti  iyang steps. Okay." Dahan dahan akong tumango dahil alam ko naman na hindi na magbabago yung desisyon ni mom.

"Aww. Kawawa naman si Dziyu." Napa tingin ako kay Bam.  Sinamaan ko sya ng tingin.

"Joke lang." Ngumiti sya sakin pero iniripan ko lang sya. Walanghiya.

"PRACTICE ULIT!!"  Ugh, practice na naman.

                               ***

Humiga ako sa kama ko. "Pagod na ako... Yawkona." Bakit pa ang bongga bongga ng debut ko, sabi ko kay mom na kahit magsasalo na lang eh. Hay nako.

Binuksan ko na lang yung cellphone ko at nanuod na lang ako ng mv ng got7.

*knock*knock*

Sino ba yan? Istorbo naman. Part na ng babes ko eh.


*knock*knock*

"Wait lang!" Masyado namang atat. Sino ba yun? Tumayo ako at binuksan yung pinto.

0_______0

"Wahhhh! Kuya JB!!" Sigaw ko sabay yakap sakanya.

"Namiss kita. Hindi ka man lang nag sabi na uuwi ka(o^^o)"

"Para surprise nuh, namiss rin kita couz." Yep, he's my cousin. Nag aaral kasi sya sa korea tska matanda sya sakin.

Pinapasok ko sya sa room ko. "Hanggang ngayon adik ka parin sa got7." Sabi nya.

"Oo naman Kuya!" Syempre forever ako sa got7.

"Ay kuya, pasalubong ko?^__^" Naka ngiting tanong ko.

"Ay oo nga pala. Wait lang kunin ko lang." Lumabas sya para kunin yung pasalubong nya sakin. Yehey! Ano kaya yun? Sana kpop merchandise.

Bumalik sya sa kwarto ko. "Oh nasaan na?" Tanong ko.

"Tadaa!!" Sabay punakita sakin ni Kuya JB yung pasalubong nya."

"Wow! Thank you Kuya." Yinakap ko sya tska binigay nya sakin yung pasalubong nya. Pitong unan lang naman yun na may mukha ng mga asawa ko.



Mayayakap ko na rin sila sa wakas!


"Nagustuhan mo ba?" Tanong nya.


"Yes naman Kuya! Thank you ulit!"


"Tuwang tuwa ka naman. Adik ka na talaga." Sabi nya sabay tawa ng mahina.


Dati pa. Dati pa ako adik sakanila.



                                ***


Ang saya ko kahapon talaga! Yakap yakap ko ngayon yung unan na binigay sakin ni Kuya JB. Grabeng effort yun nuh?

Bumaba muna ako para kumuha ng pagkain. Nakita kong nanonood si Dziya. Napakunot yung noo ko sa pinapanood nya.



"Alex, wag mo namang kaming iwan." Sigaw ng nanay dahil mukhang iniiwan na sila ng asawa nya.



"Bitawan mo ako, Tina. Hindi na kita mahal!!" Sigaw nung asawa nya.



"Tay..." Tawag sakanya ng mga anak nya. Napatingin sya sa mga anak nya pero umalis parin ito



Flashback|



"Honey, paano na yung mga anak natin?!" Sigaw ni mom. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari kaya pinanood ko na lang sila.



Tumingin si dad sakin at sa tyan ni mom. Buntis si mom at malapit na rin syang manganak.




Lumapit sakin Dad. "Dziyu, anak wag kang aalis sa tabi ng mom ha? Aalis si daddy, ikaw muna ang bahala sakanya ha?" Naka luhod na sabi nya sakin.



Naguguluhan akong sumagot. "Saan ka pupunta Dad?" Tanong ko. Naiiyak na rin ako, ayaw kong umalis si Dad.



May lumapit sa kanyang babae at hinawakan sa braso. "Babe, let's go."



Tumayo si Dad at akmang aalis ng nagsalita yung babaeng kasama nya.



"Hindi nya na kayo babalikan! Bubuo kami ng sarili naming pamilya!" Salita nung babae.



"Hindi!! Huwag mo kaming iwan!!" Lumuhod na si mom sa harap ni dad. Tinignan nya lang ito tska umalis.




Tumakbo ako kay mom. Niyakap ko sya. Tumakbo ako sa labas at sumigaw.



"I hate you so much dad!!" Napa hinto sya at tumingin sakin. Nakita kong may pumatak na luha sakanya pero tumalikod ako at bumalik kay mom.



Gabi-gabi laging nag aaway sina mom at dad. Lagi akong umiiyak dahil ayokong nag aaway sila. Nagagalit ako kay dad dahil kagi nya na lang pinapaiyak si mom. Minsan nga hindi ko pinapansin si dad, pinapansin ko lang yung kapatid kong nasa tyan pa lang ni mom.



End of Flashback|




Simula ng iwan kami ni dad ay lalo akong nagalit sakanya dahil hindi nya alam kung gaano kami nasaktan ni mom. Sobrang nasaktan si mom dahil kay dad pero tinuon nya na lang sa pansin sa aming magkapatid.



Naramdam ko na lang na basa ang pisngi ko. Naiyak na pala ako. Bakit ko pa kasi pinanood yun. Umiling na lang ako at kumuha ng pagkain.




A/N:

Merry Christmas!
And Happy 400 reads!

Christmas and 400 reads update.
Salamat sa pag babasa ng story na ito at sa pagsuporta na rin, at dahil dyan bigyan nyo naman ng 25 votes dahil pasko na!!Next chapter is Dziyu's debut!!

Thank you! Saranghae!

Mission: Make Him Fall[On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon