~3~Make Him Fall

47 5 2
                                    

Ano nga ba ang tulay? Ako lang naman ang tulay para magkatuluyan sina Mark at Cristine o sa madaling salita ilalakad ko sila kaya heto ngayon kami naglalakad papuntang school. Haha.

"Yung mga kapatid mo?" Tanong ni Mark.

"Ahh, makulit pa rin haha." Sagot ni Cristine.

"Haha, makulit talaga sina Kris at Tine ." Wow ah? Getting to know each other pero na sa family na agad? Ang bilis ah?

Sumingit naman ako sa usapan nila.

"Ah oo, Haha--"

"Excuse me lang ah?may kailangan ako kasing bilhin eh. Kita na kang tayo sa school ah? Bye!"

"Sige." At syempre kunyari lang na may bibilhin ako nuh para hindi ko sila maistorbo.

***

"He is the one who--"

*Kring*

Yes! Bell na! Kanina pa ako gutom na gutom! Hmm, ano kayang kakainin ko?

"Tomorrow we will discuss this again. You can have you recess now. " At para namang mga zombie na nagsilabasan ang mga classmates ko.

Pag dating sa canteen bumili ako ng isang chips, dalawang choco cupcake, dalawang siopao at dalawang bottled water.

"Hi Dziyu! " umupo sa tabi ko si Cristine. Inilagay nya yung pagkain nya sa lamesa.

Tinignan nya yung mga pagkain ko..

"Hindi ka naman gutom na gutom nuh?" Sarcastic nyang tanong. Itunuloy ko lang ang pagkain, gutom na gutom na talaga ako kaya wala syang pake.

Uminom ako ng tubig at kinausap si Cristine.

"Teka nga lang, ano bang nangyari sa getting to know each other nyo? " Nilagay nya sa tenga yung nga buhok na humahawi sa mukha nya.

"Yun nalaman ko yung mga gusto nya ,tapos yung tipo nya rin sa isang babae ." Kinuha ko yung choco cupcake ko at kinain

"Eh ano daw yung tipo nya sa isang babae?" Tanong ko.

"Syempre yung maganda,matalino, matulungin, mahilig kumain--"

"Ano?mahilig kumain? Ano yun gusto nya ng mataba?" Nanglalaking matang tanong ko.

"Hindi yung parang mahilig kumain pero hindi tumataba, mahilig kumain kasi si Mark kay gusto nya daw yung babaeng ganun para daw bestfriend nila yung pagkain." At kailan pa naging mag bestfriend ang isang tao at ang pagkain?

Parang ikaw bestfriend yung pagkain.

Oo na, ako na matakaw. Leche kang konsensya ko. Lagi kang sumisingit eh nuh?

"Alam mo ba ngumiti sakin si Mark. Yieeee! " kinikilig nyang sabi. Pweee, para yun lang.

"Ang gwapo nya talaga." Sakto namang umiinom ako ng tubig at naibuga ko.

"Hala! Mark! " dali dali namang tumayo at pinunasan ni Cristine si Mark.

Teka nga bakit basa si Mark?

...Naibuga ko.

...Naibuga ko.

...Naibuga ko.

...Naibuga ko.

Ano?! HALA!!

*LUNOK*LUNOK*

Tumayo ako.

"Naku, sorry Mark , sorry talaga hindi ko sinasadya. " Sabi ko. Kasi namang si Cristine eh! Sinabi pa naman kasing gwapo si Mark kahit hindi naman!

Hindi ba talaga?

Ewan ko sayo!

***

Pag katapos ang kahihiyan na ginawa ko eh. Humingi ako ng maraming sorry kay Mark. Buti na lang at may extra syang polo nya.

Nahihiya na tuly akong magpakita kay Mark. Pero infairness ah? Nabasa sya nakita ko yung--

"Hoy Ate!" Nagulat naman ako sa sigaw ng kapatid ko.

"Ano ba Dziya!" Sabi ko.

"Nagde-day dream ka kay kuya Mark nuh?" Tanong nya sabay kurot sa bewang ko.

"Ay!leche ka!" Ang sakit nuh ah!

"Yieee si Ate! Pumapagibig!" Sigaw nya habang tumatalon pa.

"Heh, parang kayo nga dyan ng crush mong si Karl--" tinakpan nya yung bibig ko.

"Naku,baka marinig ka ni Manang." Tinanggal ko yung kamay nya.

"Matapos mo akong mmmm... Tapos ganganyanin mo ako!" Tumakbo sya papuntang kusina.

"Hehe!sorry ate!! "

Leche talagang kapatid ko na iyon.

Di bale mag iisip na lang ako kung ano pa ang gagawin ko kila Cristine at Mark.

Mission: Make Him Fall[On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon