Kapag nandyan si CRUSH. Ano nga ba ang kadalasan nating ginagawa kapag nandyan na si CRUSH? Eto ang mga eksenang kadalasang nangyayare kapag nakikita natin ang ating mga CRUSH. Eto na... Eto na... Eto na... Eto na talaga... Eto na nga eh. Sabi ko nga.
1. Kapag Nandyan Si Crush, Kung Makangiti WAGAS.
2. Kapag nandyan si crush, todo iwas. Pero pag wala, Todo hanap.
3. Kapag nandyan si crush,di mo mapigilang lumingon.
4. Kapag nandyan si crush, tingin + NGANGA. Minsan tulo laway na nga eh, diba?
5. Kapag nandyan si crush, kunyare walang paki. Pero sa loob loob... I know you know. Hahahahaha!
6. Kapag nandyan si crush, ngumiti pero not in front of him. Act like you don't care, pero kinikilig pala. TO THE MAX!
7. Kapag nandyan si crush, minsan nagtutumbling ka na. Pero syempre alangan naman na umeksena ka na, syempre puso mo magtutumbling hindi ikaw.
8. Kapag nandyan si crush, kung makapagHAMPASSS sa katabi mo WAGASSS! kung tratuhin parang di na tao eh.
9. Kapag nandyan si crush, kung makatingin kulang nalang matunaw eh. Kulang nalang din na susunggaban mo na siya.
10. Kapag nandyan si crush, take a deep breath, inhale. Exhale. Upang di mataranta at sabay balik sa I-don't-see-a-thing-mode. Di ba?
11. Kapag nandyan si crush, minsan, deadma lang kasi ayaw mong ipahalata na crush mo siya.
12. Kapag nandyan si crush, frozen. Yung tipong di na nagalaw, then mamaya-maya hihingi nalang ng tubig sabay alis.
13. Kapag nandyan si crush, Syempre PANIC! Di mo alam gagawain mo pag nakakasalubong mo sa campus.
14. Kapag nandyan si crush, TATAHIMIK ang taong MAINGAY at BABAIT ang taong MAKULIT.
15. Kapag nandyan si crush, pinipigilan ang kilig. Kulang nalang eh sumabog ka na. BOOM!
16. Kapag nandyan si crush, todo titig ka, pero kapag si crush naman ang tumingin sayo todo iwas ka.
17. Kapag nandyan si crush, poker face ka pa rin kahit kilig na kilig ka na.
18. Kapag nandyan ang crush, nahihiya. Pero kapag umalis naman, nanghihinayang.
19. Kapag nandyan si crush, dedma, pag nawala na nagagalit kasi bakit nawala siya.
20. Kapag nandyan si crush, takpan mo na ang bibig mo dahil siguradong mapapangiti ka kahit malayo pa siya. Wag ka mgpahalata.
21. Kapag nandyan si crush, hindi ka mapakali, numininja moves ka pa.
22. Kapag nandyan pa si crush, straight face minsan susungitan ko pa siya. Pero pag kayo kayo na lang ng tropa mo, super smile at may pa-blush blush ka pa.