Para sa mga kaka-break lang

1.9K 8 0
                                    

Wag kang matakot umiyak. Hindi masamang umiyak. Babae ka man o lalake. Kelangan mo ring ilabas yung nararamdaman mo. Tulad ng ulap, pag mabigat na yung dala, magsisimula na yang umulan. Hindi mo kelangang itago yung sakit sa sarili mo. Ilabas mo yan nang gumaan loob mo kahit papano.

Maghanap ka ng makakausap. Tawagan mo kaibigan mo. Ilabas mo lahat ng sama ng loob mo sa kanya. Humingi ka ng payo para malaman mo dapat mong gawin. Pag kasi sobra kang nasasaktan o nalulungkot, hindi ka makakapagdecide ng tama. Kelangan mo ng companion para tulungan ka sa problema mo. Hindi ka nagiisa.

Keep yourself busy. Gumawa ka ng kahit na ano. Wag mong bigyan ang sarili mong makapagisip. Pag kasi nagsimula kang mag reminisce sa past, masasaktan ka lang at iiyak ka lang ulit. Gawin mo lahat ng gusto mong gawin. Malaya ka na. Wag mo na syang isipin.

Wag mong ipakita sa kanya na naaapektuhan ka. Pag pinakita mo kasing nasasaktan ka pa rin, hindi lang sarili mo ang pinapatay mo ng dahandahan. Pati yung ex mo, sinasaksak mo na rin. Magdudulot lang yan ng mas malala pang sakit. Masasayang lang luha nyo. Ipakita mong okay ka na para maisip nyang kelangan na talagang mag move on. Hindi pa naman tapos ang buhay mo.



**

Ehem. Sa mga ano dyan.. BH. 

Pero syempre hindi ako BH, nasagap ko lang yan. Baka makatulong ito sa inyo kahit papano. Hehe



credits to the owner :)

Random PostsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon