Paano nga ba magMOVE ON?

6.1K 49 9
                                    

Napapagod ka na bang umiyak?

Napapagod ka na ba kakaisip sa kanya?

Napapagod ka na bang masaktan tuwing naaalala mo siya?

Nasstress ka na ba?

Relax. Relax lang. Gusto mo sugurin natin kung sino mang 'siya' yan? Tara!

Dejoke lang. Bad yun. Haha. Ok, back to reality. Gusto mo mabawasan ang bigat ng nararamdaman mo?

Ok, ganito yan. Tumayo ka, medyo yuko ka, then ikot ikot ikot ka ng ikot ng ikot ng ikot hanggang maka20 kang ikot tapos tayo ka ng deretso then 1, 2, 3... HEAD BANG (15x)

Rak!

Kung nahihilo ka na, stop ka na. Kung hinde pa, sige lang.

Para di sasakit ang ulo mo, uminom ka ng 5 tasa ng kape tapos matulog ka. Ayos ba? Pero syempre di ka makakatulog nun, kape nga diba? Hahaha. Choz. Pero kung gagawin mo yung mga yun, bahala ka na. Hahaha.

-

" Paano ba mag move on?"

Umiyak ka – Iiyak mo lang, hindi masama umiyak, pag sobrang sama na ng loob mo, minsan masarap umiyak, kahit lalaki ka pa umiyak ka lang, nakakagaan yun ng pakiramdam. Syempre sa tagong lugar ka umiyak or sa mga friends mo. Minsan masarap pag may humahagod sa likod mo habang umiiyak ka.

Magdasal ka – Humingi ka ng strenght kay Bosing para kayanin lahat ng pagdadalamhati mo. Without the help of God we can do nothing sabi nila. Thank him kahit sa heartaches pasalamatan mo sya, tapos mag sumbong ka sa kanya, lahat ng nararamdaman mo sabihin mo sa kanya. Magugulat ka nalang dahil pag katapos mo mag pray ang gaan na ng pakiramdam mo.

Libangin mo sarili mo – Meaning wag kang mag focus sa kakaisip sa heartache mo, kasi the more na iniisip mo lalo ka lang mahihirapan.

Develop new skills or learn new skill – Focus mo nalang ang atensyon mo sa ibang bagay, tulad ng pag aaral ng bagong skill, pwede ka ding mag blog, matuto mag drive, mag aral kang mag luto kung di ka marunong.. that way makakalimutan mo na yun misery mo may bago ka pang natutunan.

STAY AWAY FROM HIM – Lahat ng memories nya itapon mo na kung gusto mo mag move on, kasi the more na nakikita mo mo mga gamit nya, maalala mo pa din sya, pati number nya burahin mo na sa phone mo, para hindi kana ma tempt na i text sya. Basta kung gusto mo maka move on dapat lahat ng bagay na nakakapag paalala sa kanya iwasan mo na.

Free will – Sarili mo lang ang makakatulong sayo. Dapat kung gusto mo kalimutan ang isang tao, meron kang sapat na kakayanan na gawin yun. Dapat talagang gusto mo. Kasi kahit sundin mo lahat ng sinasabi ko kung hindi ka pa ready, di ka talaga makakamove on. Lahat may rason, kaya dapat may rason ka din bakit mo gusto gawin ito.

Love yourself – Para masabi mo sa sarili mo na karapat dapat kang mahalin, mahalin mo muna sarili mo. Paano ka mamahalin ng tao kung sarili mo ayaw mo? Love yourself ika nga , magpaganda/ magpagwapo ka. Improve yourself. Tapos ngumiti ka.. yan ang pinaka murang pangpaganda/pangpagwapo.

Maging mapagpasensya sa sarili mo – Okey lang magwala , magalit,okey lang umiyak, natural nasaktan ka kaya ka nagkakaganyan.. hindi naman kaagad agad isang iglap lang eh mawawala agad yun feelings mo, na sa isang iglap lang mag di disappear agad ang heartaches.. yan si heartaches matindi kung kumapit yan… minsan kahit nililibang mo na sarili mo bigla yan papasok para palungkutin ka.. it takes time sabi nga.. okey lang yan… hindi ikaw si superman na kapag nasugatan eh gagaling agad.. unti unti yan.. pero ipaalala mo palagi sa sarili mo na makaka move on ka din.

Maging matatag at stay positive – Sakit sakitan fever -natural lang masaktan kapag yun pag -ibig na binuhos mo nang sobra eh hindi mo na uli makukuha sa kanya, yun mga pinagsamahan nyo eh mabubura na.. okey lang masaktan pero wag kang umarte na ikaw lang ang biktima. . syempre naman may mga taong umeffort talaga para mag work out ang relasyon pero sa wala din pala mapupunta ang saklap diba? Pero that’s life instead of acting like a victim kelangan maging

strong tayo .. stay positive ika nga.

Humanap ka ng kausap – alam ko masakit ang pinagdadaanan mo, pero kung sinasarili mo lang lahat ng iyan nakow! May posibilidad na mabaliw ka. Tawagin mo ang mga friendship.. mahirap mag isa kaya wag mo paikutin ang mundo mo sa isang tao.. dahil kapag ito ay nawala sa yo disaster ang labas non.. Makipag kaibigan ka sa mga totoong tao pwede mong mapagsabihan ng nararamdaman mo. Pwede mo rin ito isulat sa papel nakakatanggal din yun ng stress.

Open your eyes- Minsan masarap lumabas tapos mag observe ng ibat-ibang tao.. may kanya kanyang problema, magugulat ka nalang ay mas mabigat pala problem nya saken pero she can take it lightly. Hindi lang ikaw ang dumadanas ng lungkot, paghihirap na nararamdaman kanya kanyang level ika nga.

Bagong buhay- leave the past behind.. kung pwede i refocus mo yun buhay mo.. mag hanap ka ng bagong interest , yun trabaho mo pag butihin mo lalo, relasyon mo sa family mo.. o relasyon mo sa Panginoon. May sinasabi ba SYA sayo? ano ba ang binubulong sayo? Baka kasi hindi ka nakikinig sa KANYA kaya laging palpak ang lablyf mo may tinuturo sayo pero nakapikit ka at yun gusto mo lang tignan ang tinitignan mo. Minsan masarap rin pakinggan kung ano ba sinasabi NYA after all ang Panginoon lang naman nakakapag pagaling sa lahat ng sakit na pwede mong maramdaman dahil SYA ay healer..

Look forward – marami pang i ooffer ang life sayo.. may darating pa, sabi nga kapag may nagsara may magbubukas din. At kapag dumating yun time na yun yakapin mo ng mahigpit at sasabihin mo eto na yun!

credits to its owner :)

Random PostsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon