1. Palagi niyang iniimpose na friends lang talaga kayo like “Bez, samahan mo naman ako bez sa mall bez. Pwede ba BEZ?”
2. Kapag sinabi mong, “Tara movie?”, ang isasagot niya ay “Sure.” “Sino pang mga kasama?”
3. Kapag sinabi niyang, “I want us to be more than just friends”, ang ibig sabihin talaga niya dun ay “super bestfriends”.
4. Kapag tinanong mo siya, “Tayo na?” Ang sagot niya, “Mas gusto ko umupo.”
5. Ang hilig niyang mag-I love you sa’yo. Pero may “friend” sa dulo.
6. Kayang kaya niyang ikwento sa’yo ang lahat ng nilalandi niya in full detail.
7. Hindi na niya masakyan ang pagka-clingy mo. Hindi umubra ang sweetness mo sa kanyang Art of Dedmatology.
8. Palagi niyang sinasabi sa’yo kung gaano ka ka “perfect”… for someone else. Nirereto ka niya lagi sa iba.
9. Yung halos akitin at tanggalin mo na lahat ng saplot mo sa harap niya pero ang tanging reaksyon niya, "Problema mu?!"
10. Palagi siyang sinasapian ng espiritu ni Madame Auring. "Alam mo, swerte talaga ang magiging jowa mo sa’yo." Alam na alam niya ang kapalaran mo, sa piling ng iba.
11. Kapag sinabi niyang “Sorry, I don’t want to jeopardize our friendship..” Pero mas lalo ka lang naconfuse dahil hindi mo alam kung anong ibig sabihin ng jeopardize.
12. Dati himas, ngayon haplos na lang. Dati yakap, ngayon tapik na lang. Dati holding hands, ngayon apir na lang. Dati lamas, ngayon hilot na lang.
-
Tanginerns. Hahahahahahaha
Credits to the owner :)