Ano nga ba ang CRUSH?

8.5K 76 19
                                    


Ano nga ba ang crush? Ayon sa Wikipedia, Crush means to squeeze or pound into small fragments or particles. Sorry, maling word pala ito. Ang crush na tinutukoy ka ay may meaning na “special feelings you have for another person, a classmate, or friend that you really like.” Uso ang mga crush-crush sa mga kabataan, nagdadalaga, nagbibinata, at mga nagiging bakla o tomboy. Nagkaroon ako ng crush noong Grade 4, pero sabi nila puppy love daw ang mga ganon. Naisip ko naman, hindi naman ako mukhang aso bakit tinawag na puppy. Baka siya ang tinatawag nilang puppy.

Minsan crush din natin ang mga sikat na artista lalo na kung kaakit-akit talaga sila at nakaka-inlove. Pero imahinasyon mo lang ‘yon. Minsan nadadaan lang sa make-up at maayos na pag-eedit. Nakaka-excite ang magkaroon ng crush. Para kang laging inspired. Minsan nakakagulo lang ng isipan kapag may crush ka kasi araw-araw mo pinagdadasal na makita ang crush mo pero kapag dumaan ikaw naman ang nagtatago. Minsan parang gusto mo pang ipilit sa mga kaibigan mo na tuksuin ka nila sa crush mo. “Tuksuin nyo ako! tuksuin nyo ako.”

Sa tuwing nakikita mo ang crush mo, halu-halong emosyon. Hindi mo alam kung matutuwa ka o maiiyak o matatae sa sobrang saya. Minsan nararamdaman mo nahihiya ka at parang gusto mong tumakbo papalayo. Kung anuman ang dahilan bakit natin nararamandaman ang ganoon, hindi ko rin alam. Ngunit nakakasigurado ako, gusto mo ang magpa-impress sa crush mo para mapansin ka din niya, kahit by accident lang siyang napatingin sa’yo - tuwang tuwa ka na.

Naranasan mo na ba? Nagkaroon ng crush sa’yo ang crush mo… Tapos bigla nalang hindi mo na sya crush. Tsk. Tsk. Ang sarap mong i-crush. Sa aking panananaw, ang pagkakaroon ng crush ay nakakatulong sa’tin para malaman natin kung anong klase ng tao ang gusto nating mapangasawa balang araw. Kaya nagiging crush natin ang isang tao dahil sa mga katangian nitong gusto natin: maganda ang mukha, maganda ang ugali, at maganda din ang grades. Sinuman ba naman ang magkaka-crush ng pangit? o heavyweight na parang pambato sa wrestling?

                                                Ilang katotohanan tungkol sa Crush:

1.  Kapag nandyan - DEDMA.

Parang wala lang siya sa’yo at parang hindi mo kilala. Unang-una, ayaw mong ipaalam sa kanya na crush mo siya dahil kapag nalaman niya, mahihiya ka na. Pakiramdam mo iiwas na siya sa’yo. Uso lang sa mga jologs ang nagpapapansin sa mga crush nila. P.S. At feeling pogi pala.

2. Kapag wala - HINAHANAP.

Kadugtong ng first part, kapag nandyan hindi mo pinapansin. Kapag umalis na doon mo sasabihin sa sarili mo na “Bakit hindi ko siya pinansin?” Noong high school ako, hindi ko pinansin ang crush ko kahit nagpapatulong na siya bumili ng softdrinks. Busy kasi ako sa pagrerecord dahil may nakita akong lumang tape. Ngayon ko nalang na-realize “Bakit hindi ko siya pinansin?” Late reaction.

3. Kapag nakatingin - IIWAS.

Minsan, nagkakataon na nahuhuli mong nakatingin ang crush mo sa’yo (kahit na nakatingin talaga siya sa katabi mo.) Tapos ikaw na feeling, iiwas ka ng tingin pero sa loob mo gusto mong makipagtitigan sa kanya.

4. Kapag hindi nakatingin 

TITITIGAN HANGGANG MATUNAW.

Sa malayo, para kang tanga na nakatingin sa crush mo. Nag-eenjoy ka na nakikita mo siyang nagbabasketball, nagpipiko, nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan niya, halos matunaw na siya na parang ice cream.

5. Kapag lalapit - NAHIHIYA.

Aminin mo, sa tuwing papalapit sa’yo ang crush mo nahihiya ka at saka parang hindi mo alam ano gagawin mo. Madalas sa school, kukuha ng notebook na parang mag-rereview, o kaya makikipagkwentuhan kahit na hindi mo ka-close ‘yung katabi mo, kapag naman makapal ang mukha mo magkukunwari kang natapilok at kung anu-ano pang malatrahedyang pangyayari na iniimbento mo lang sa isip mo.

6. Kapag aalis 

NAGSISISI AT SASABIHING “BAKIT SIYA UMALIS?”.

Uso ito kapag kaibigan mo ang crush mo. ‘Yung tipong wala ka masabi dahil nahihiya ka tapos wala kayong mapag-usapan at saka siya aalis. Kapag wala na siya, doon mo maiisip ‘yung mga tanong na gusto mo sanang itanong sa kanya. Bakit baligtad ata lahat?

7. Nang mabasa mo to - NAKA-RELATE KA DIBA?

Ayon sa napanood ko, Crazy Little Thing Called Love, dapat ginagamit ang pagkakaroon ng crush sa mabuting paraan. Pwede mong gamitin ito para maging motivation mo sa buhay at i-improve mo ang sarili mo. Hindi ka kasi mapapansin ng crush mo kapag hindi ka magaling sa kahit anong aspeto. Ito ang magsisilbing inspiration mo para mag-aral ng mabuti, para ayusin ang iyong sarili, at para tumulong sa ibang kapwa.

credits to its owner :)

***

"Lahat tayo nagkakaroon ng crush, kung hindi ka man lang nagkaroon ng crush kahit isa, eh ewan ko nalang. Minsan nagkakacrush tayo dahil maganda/gwapo siya, sexy/hot siya, mabait kasi siya, ang cool kasi niya, ang ganda kasi ng mata niya, ang cute kasi ng ngiti niya kumbaga killer smile, etc. Hindi pa yan love.

Sabi pa nila, infatuation palang kung as in over over crush mo ang isang tao, pero kung lagpas 4 months na daw yang infatuation mong yan, baka nga in love ka na. Pero syempre, hindi natin alam. Ikaw at ikaw din ang makakasagot ng tanong mo kung crush mo lang ang isang tao o love mo na."

-Me

Random PostsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon