CHAPTER SIX

10.1K 221 2
                                    


"Can you imagine my lips on yours?"

Totoo na ito, hindi na siya nananaginip.

Totoong narinig ni Yanni na nagtatanong si Spike. Umayos siya ng upo sa kama at idinikit nang mabuti sa kanyang tainga ang cell phone.

Gustuhin man niyang ipaalala sa sarili na cell phone ang ginagamit, nanaig sa kanya ang kuryosidad.

"Yanni," untag ni Spike at muling inulit ang tanong.

Nabigla pa siya sa kaprangkahan nito pero hindi na lamang pinansin ang narinig na warning bells sa loob ng kanyang isip. Nagiging personal na yatang masyado si Spike.

"Wait a minute, are you sure we're not on the air?" paniniyak ni Yanni.

Natawa ito. "We're not on the air, honey."

Kahit paano nakahinga siya nang maluwag.

"I'd like to kiss you, honey."

Nanlaki ang mga mata niya. "D-do you always say that to everyone?"

"This is the first time."

Pinigil niya ang sariling magkomento.

"I mean it, Yanni."

Nangangarap na nagsalita siya. "I'd like you to..." Huminga muna siya nang malalim.

"First time you've—"

"First time I've told a man that I want to be kissed by him," putol niya sa sinasabi ni Spike.

"Great, honey! We'll have a lot of firsts. I'd like to touch your soft cheeks, to hold you, to talk to you, to kiss you and caress you..."

Hindi maintindihan ni Yanni kung bakit hindi naging malaswa ang dating sa kanya ng mga pananalita nito. Strange, habang sinasabi nito ang pangungusap na iyon ay lumilitaw sa kanyang imahinasyon ang mukha ni Cholo.

Ipinilig niya ang ulo sa takot na magtuloy-tuloy na naman ang kanyang imahinasyon.

"I'll hold you next to my heart, Yanni..." bulong nito.

Napasinghap siya.

"Are you still there?"

"Y-yes..."

"Are you in bed?"

"Y-yes..." Pero bago pa man ito muling magsalita ay mabilis na niyang pinindot ang end button.

Nanghihinang humiga si Yanni sa kama. Ginawa niya iyon hindi lang dahil sa naiiskandalo na siya, kundi nagkakaroon na ng epekto iyon sa kanyang pagkatao. At banggitin lang ang salitang "bed", kinikilabutan na siya.

At naisumpa niya sa sariling hindi na muling tatawag kay Spike.


NASANAY nang magising nang maaga si Yanni kahit pa nga puyat siya sa pakikinig sa radyo. Pero tiniyak niya sa sariling maaga nang matutulog.

Mabilis siyang gumayak. Nakapaligo na siya at nakabihis na ng tailored suit na bumagay sa kanyang balingkinitang katawan.

Napatingin siya sa wristwatch. Seven o'clock na at wala pa siyang natatanaw na sasakyan.

Lumabas siya ng bahay upang bisitahin ang mga halaman at tuloy mapagbilinan si Nana Metring at ang kasama nito. Ang mga ito ay nakatira may ilang metro ang layo sa bahay nila. Sa ganap na alas-sais ay naroon na ang mga ito para mag-asikaso sa mga halaman.

"Good morning, Nana Metring," bati niya sa babaeng nasa mahigit kuwarenta ang edad.

"Ikaw pala, Yanni," nakangiting tugon nito. "Nakahanda na ang mga orchids para i-deliver kina Mrs. Roman."

Midnight Blue Society Series 3 - POCHOLO aka CHOLO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon